OMG, She's Weird! by JanssenYamCempron
PROLOGUE
February 14, 2013
"Alam mo, Panget ka! Wala kang kwenta! ..."
"Nakikita mo ba yang mukha mo?! Humarap ka nga sa salamin! Di ka ba natatakot?! Ha! Ang Panget Panget mo! Hindi tayo bagay..."
"Kahit ilang taon mo pa man akong ligawan, hinding hindi kita sasagutin! Wala kang pag asa sakin!..."
"Hindi kita gusto! Hindi kita Ginusto! at hindi kita Gugustohin!..."
"Tatanga tanga ka eh! Desperada, Pakamatay ka na! O kaya mas mabuting wag ka nang magpakita pa, hadlang ka lang eh! WALANG KWENTA! Panget ka na nga, bobo ka pa, wala pang KWENTA! Panira ka ng Araw!"
- Ito ang mga salitang narinig ko sa isang lalake, isang lalakeng nagngangalang Pauljake.
Si pauljake, oo si pauljake nga, sya si pauljake, si pauljake na walang malay, si pauljake, oo si pauljake nga. Paulit-ulit diba? Oo Mahal ko kasi siya -_- Anong KONEK?? Hmm Wala lang. Mahal ko lang sya.
Siya ang firstlove ko, minahal ko sya nang sobra sobra. Minahal ko sya nang higit pa sa buhay ko. Minahal ko sya mula pa noong Elementary ako hanggang ngayon.
Niligawan ko rin sya. oo ako mismo nanligaw sakanya. Mula noong Grade 4 ako hanggang ngayon.
Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ko sa kanya.
Unang una, 9years ang Gap namin, mas matanda sya. Naging classmate ko lang sya kasi lagi syang nababagsak at paulit ulit na bumabalik ng year level. REPEATER. Ikalawa, hindi naman sya ganun kagwapuhan pero sikat sya sa campus namin kasi Vocalist sya ng isang banda. May balbas sya, bigote, laging nakashades, magulo ang buhok, at Mahilig manigarilyo.
At ang panghuli, Bully sya sa school namin. ADIK. Minsan nga kahit nasa Room, kapag walang Teacher, naninigarilyo sya. Tas tinuturuan nya pa ang mga Kaklase ko na manigarilyo. Tsk Bad Influence. Pero natutuwa akong tingnan sya kapag naninigarilyo. Ang Angas eh, ang Cool, MAHAL ko kasi sya.
Matagal na akong nagpaparamdam sa kanya. Ako din kadalasan ang nabibiktima nya sa mga Pambubully nya. Kapag pinagtitripan nya ako, imbes INIS ang maramdaman ko, KINIKILIG lang ako. Lalo na kapag lumalapit sya sakin sabay hampas, hulog, at apak sa mga libro ko. At sabay sabay nila akong TATAWANAN kasama ng mga barkada nya. Grabe ang ganda talaga ng mga ngiti nya.
Pero ang mga pag-asa at pangarap ko ay tuluyang naglaho nang dumating ang araw ng Valentines day.
OMG, She's Weird! by JanssenYamCempron
CHAPTER ONE : Obsession
Hi Ako si Grasyang. May pakialam ka ba? Wala diba? K.
February 14, 2013
- araw na pinaghandaan ko ng sobra sobra.
- araw ng pagtatapat ng lahat ng gusto kong mangyari sakanya
- at araw ng pagkamatay ng kalahati ng buhay ko
Bago dumating ang araw na yon,
Naghanda talaga ako, pinag ipunan ko lahat ng gagastusin ko
Nag order ako ng Isang Boquet ng Pulang Rosas para sakanya.
Bumili ako ng isang box ng Ferrero Rocher at binalot ko pa ng mamahaling Gift wrapper.
Nagsulat ako ng halos 50pages ng loveletter para sa kanya, na punong puno ng Love quotes, pick up lines, at kung anu ano pa.
Doon ko sinulat ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, kalahati nga don ay niresearch ko pa at kinuha sa mga Lovestory Movies na Lines.
Nung sumapit na ang february 14. Nagkaroon ng program ang school namin. May mga Marriage booth, jailbooth, kissing booth, at anu-ano pa. Ilang oras ko syang hinanap kasama ang mga regalo ko. Pawis na pawis na ako sa kakalakad, di ko sya makita sa sobrang dami ng estudyante.
Kaya napagdesisyonan kong pumunta sa stage at kunin ang microphone, sabay kong sinigaw ang Pangalan nya,
"Pauljaaaaaaaaaakkkkkeeee!!!!" lahat ng tao ay napatingin sa akin at nagtakip ng tenga sa sobrang ingay.
"Pauljake kung nasan kaman, magkita tayo sa likod ng Canteen please. nagmamakaawa ako" at nilisan ko ang stage na parang wala man lang nangyari.
Tumakbo ako papunta sa likod ng canteen, halos 1 hour ang hinintay ko.
Maya-maya dumating sya kasama ang isang babae.
Pero hindi ko na pinansin ang babaeng kasama nya.
Lumapit sila ng isang metro sa harapan ko.
Ito na ang panahon para sabihin ko ang gusto kong mangyari.
"Pauljake, Ma-Mahal na mahal na mahal na mahal kita. diba mahal mo din ako? diba? d-diba? HINDI AKO MANHID pauljake! Mahal kita, mahal moko. ilang taon na akong nanliligaw sayo, sagutin mo na ako nagmamakaawa ako. sige na pauljake, g-gagawin ko lahat ng gusto mo kahit maghubad pa ako sa harapan mo. sige na pauljaaaa...." Napahinto ako ng may isang malaking palad ang tumama sa mukha ko galing sa babaeng kasama nya.
"sira ulo ka pala eh! anong pinagsasabi mo sa boyfriend ko?!! baliw ka ba?!!"
Para akong nahulugan ng isang malaking meteorite nang narinig ko ang salitang 'boyfriend'. Bigla akong nanghina at bumagsak at napaupo sa sahig.
"boyfriend?!" naisip ko. Natulala ako. Maraming beses kong nakikita si Pauljake na may iba't-ibang kasamang babae, pero ang balita ko ay hindi naman daw nya sineseryoso ang mga ito. Pero itong kinabigla ko dahil ngayon ko lang narinig na may UMANGKIN sa Pinakamamahal ko. Hindi maaari, walang ibang pwedeng tumawag kay Pauljake na 'Boyfriend' kundi ako lang! (T_T) Dahil akin sya! "Akin lang si Paulja-aaake, w-wala s-syaaang ibaaang Gi-irlfriend, a-akin lang s-sya" Napahagulhol ako sa pag iyak ng biglang dumapo ang ikalawang Palad sa aking Pisngi mula sa babaeng kasama nya. Biglang inawat ni pauljake ang kasama nya at humarap sa akin.
Akala ko magsosorry sya, oo inaasahan kong Magsosorry sya. Pero Inapakan nya lang ang mga Regalong hawak-hawak ko para sa kanya at pati natapakan din ang kamay ko.
At lubos kong Kinabigla nang nasabi nya ang lahat ng masasakit na salitang pumatay sa kaluluwa ko.
BINABASA MO ANG
OMG, She's Weird!
Teen FictionDiba ang babae raw, pag brokenhearted gumaganda? Tsk, Not all. Kasi this story talks about a girl who encountered her FirstLove OBSESSEDLY AND DESPERATELY which made her Fail, and turned her into a Horrible, Weird, Mysterious and Emotional Scary Lad...