OMG, She's Weird! Chapter 2

44 5 0
                                    

Gale's POV:


Ang dilim-dilim ng paligid, wala akong ibang makita kundi ang bilog na buwan na nagliliwanag sa langit. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa nauntog ako sa isang sanga ng malaking puno. Nahilo ako at tila bumagsak at napahiga sa maputik na lupa.


Hindi ako makatayo. Maya maya ay may narinig akong mga sigaw ng mga babaeng tila sinasaktan, na kasunod ang mga tawa ng matanda. "AHHHH! Ugghh!"

"Wahahaha!" 

"Tama na po! AHHHH!!"


At tila papalapit ang mga tunog sa akin.


Nahirapan akong tumayo sa maputik na lupa. Hanggang sa may humawak sa mga paa ko na may matutulis na kuko. "Pauljake!" sigaw ng babaeng humahawak sa paa ko. Sa takot ko ay natadyakan ko ang mukha nya.

At sa lakas ng Tadyak ko ay Naputol ang Ulo nya.


Tumakbo ako at naririnig ko parin ang malakas na iyak nya.


"hintayin mo ako pauljake!!" sabay pinulot nya ang ulo nya at binato nya sa akin. Sa sobrang takot ko ay halos ilang metro na ang tinakbo ko ng walang pahingahan. Nang huminto ako pagkatapos ng ilang minutong pagtakbo, bigla nalang syang lumitaw sa harapan ko dala-dala ang ulo nya.


"Waaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!!" 



Na-Gising ako,


"Whoooo! Woah Woahhh ang sama ng panaginip ko grabe! bangungot Dafuq! (T3T) Huehue"


Grabe yunn, kala ko talaga totoo futa. tsktsk -__- Huehue :( napatingin ako sa orasan ko at ngayon ko lang namalayan na 8:00am na pala, 7:30 nagsisimula class namin. (O___O)


"Shyet late na ako!!! Patayyy quiz pa naman namin sa 1st Period"


dali-dali akong nagbihis at tumakbo sa school namin nang hindi naliligo at nag aalmusal tutal walking distance lang naman school namin sa bahay namin. Grabe di man lang ako ginising ng mga Pinsan ko T___T


Pagdating ko sa School,


"Oh Mr. Stillers, ang aga-aga mo yata,

para sa next subject! >:-( 

hindi kana pwedeng mag take ng quiz kasi magchecheck na kami after 5Minutes! kaya it's up to you kung papasok ka or lumabas ka nalang, earlybird ka kasi masyado!" sabi ng Mataba naming terror teacher na may Indian Accent kung magsalita (-,-)


Wala na akong magawa kundi pumasok nalang, araw-araw na rin yata tong nangyayari. Hahahaha. lahat sila nakatingin sakin, yung mga boys tumatawa, yung mga girls kinikilig sa pagdating ko except sa isang classmate kong napaka seryoso sa quiz nya,


Grabe halos pudpud na yung ballpen nya at yung mukha nya 2 inches away from her desk lang. Naweweirduhan talaga ako sa babaeng yan, lage ko nalang nakikitang nagdodrawing ng mga patay na lalake, minsan nakabitay, o kaya may saksak sa dibdib, o kaya putol-putol ang katawan at kung anu-ano pa. Ang Weird no?


Ang haba haba pa ng buhok, tas hindi nagsusuklay, halos natakpan na ang mukha.


Sa katunayan, wala pa ngang nakakita sa BUONG detalye ng mukha nya eh kasi yung Picture ng ID nya din tinakpan ng Ink ng pentelpen ,


tyaka parang hindi rin yata uso sa kanya mag plantsa ng uniform, ang gusot-gusot eh, naninilaw pa.


ang haba ng palda, tapos parang panglalake yung leathershoes, ang baduy. XD tsaka kung maglakad parang hindi gumagalaw yung Paa? Haha Over nu. Basta dire-diretso kasi.


Minsan lang nagsasalita yan. Siguro nung firstday of school lang, transferee kasi sya dito tapos nag introduce sya sa kanyang sarili, ang haba ng pangalan pero grasyang lang daw itawag namin sakanya. hahahaha. 

And lastly napansin ko ang dami nyang peklat ng scratch sa wrist nya. Parang Laslas yata. Hahaha. Hayyss Ewan, Okey nevermind, wag na nating pakialaman pa. Let's move on. XD Masyado na akong mapagmasid. Ahehehe XD


Well By the way, ako nga pala si Gale Stillers, 16 years old, Moreno, 5'8" ang height, pormado ang katawan, at mejo bad boy ang dating. dating lang, di ako bad. XD 3/4-Filipino, 1/4-American ako. Fil-Am kasi Daddy ko. But unfortunately, naglaho nalang sya na parang bula when I was 6 years old. 

Wala na kaming balita kung nasan sya, and baka wala na syang paki alam samin. But I'm still lucky with my Mom kasi pinalaki nya ako ng maayos at hindi nya pinaranas sakin ang maghirap. But ngayon nasa Korea sya with my Aunt, as usual, business. Tsk -,- 

And Now, nakatira ako sa bahay ng napakayaman kong Tita na si Tita Roxy together with my 3 cousins: Zac, Aljen, and Kim.



Si Zac o si Zachary Mendoza, 16 y/o, kababata ko. Pinaka kwela kong pinsan. Mom nya si Tita Roxy so isa rin sya sa may ari ng bahay, pero hindi sya yung tipong naghahari-hari-an, normal lang. Mabait eh. XD Mga 5'6" ang height, naka Eyeglasses lage, maputi, at habulin ng chix. XD


Si Aljen o Aljen Dale Zafra naman, 17 years old. Pinaka seryoso saming grupo, Matured na rin. Wala na kasi Mom and Dad nya, namatay sa isang car accident nung 10 years old sya kaya natuto syang maging independent. Pero nag decide syang mag stay nalang kina tita roxy nung 13 sya, at si tita ang nagpapaaral sa kanya. Matangkad sya, maputi, at hindi halata pero Dancer sya, kaya pag sumasayaw sya sa mga program namin, halos lahat ng babae sa campus hindi mapigilan sa kasisigaw at katitile ni parang lalabas na yung mga esophagus nila. Tsk, grabe sikat. Pero kahit ganun yun, pakitaan mo lang yun ng Pusa, tatakbo na yan. May Phobia kasi sya sa CATS. NaTrauma ehhh. Long story. Haha ^__^


Si Kim naman o si Lee kim jeuk, halatang korean no? XD Pero half lang. May business kasi mom nya and mom ko sa korea, and lucky masyado mom nya kasi she found her true love there in korea. so dun nagawa, pinanganak, at pinalaki si kim hanggang 6yearsold. At pinapunta at pinag aral dito sa pinas para matutong magtagalog. pero naiwan naman mom and dad nya dun, saklap. Pero bumibisita din naman sila dito Annually. XD Well, maputi sya, chinito, di masyadong matangkad, cute, at sumasayaw din. Habulin din ng chix eh pero ewan ko kung Chicks din ba yung gusto nya. XD


Halos magkakapatid na turingan naming apat sa sobrang close namin, bukod sa iisa lang ang bahay, iisa lang din ang school, at  iisa lang din ang section. Mga 4thyear kami. Sabay2 kaming apat palagi. Di kasi makokompleto ang grupo kung kulang ng isa. Daig pa ang quadroplets XD Lahat sila mga habulin ng chix, mga sikat din sa Facebook, Feymusss! daming likers umaabot ng thousands pare. Tsk Hahahahah. Sabay2 dapat kaming apat magkaGirlfriend pero EXCEPT kay ZAC, kasi may Girlfriend na sya tsaka Loyal sya dito. Hahaha!XD pero isa lang ang pangako namin sa isa't-isa. Ang sabay-sabay dapat kaming apat magpapakasal kasama ang mga Bride namin. Oh dibaaaa. Parang mga timang. XD Di naman yata sukob yon eh, di naman magkakapatid diba? XD Kaya kung may isang sumuway sa Pangako naming grupo... edi sumuway. Hahaha! Bahala sya sa Buhay nya. (^_____^)v


OMG, She's Weird!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon