40- Choice.

150 3 6
                                    

Hello Wattpad friends! Medyo Long Update to. Enjoy Reading Guys! ;)

-----

Daniel's POV

Akala ko noon, paggising niya, magiging okay na ang lahat.

Pero nagkamali ako.

Kasi mas lalong naging complicated ang buhay pag ibig namin.

*After 2 Months*

Eto ang araw na pinakahihintay ng lahat.

Ang araw na magigising na siya.

Ang araw na umaasa ang lahat na magigising siya.

Nasa room niya kami lahat.

Ako, Parents niya,Kuya Xian, Julia M., Sam, Quen at Julia B.

Si julie pala, medyo okay na siya. Mukhang naaagapan na niya ang sakit niya.

"Sis, gising na oh. 2 months ka nang natutulog jan."

Julia habang yakap yakap si Kath.

"Princess, Wake up. I miss you!" Kuya Xian.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Kath, Baby, Mahal ko, Buhay ko, Parang awa mo na, gumising ka na. Di mo ba alam na miss na miss na kita? Halos araw araw akong di nakakatulog kakaisip saiyo. Hayyy. Kath, Wake up. Gusto na kitang makausap. Namimiss ko na boses mo. Gusto na kitang makasama. Sobrang Miss na miss na talaga kita."

Di ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko.

"Daniel, teka!" Sigaw ni Quen.

"bakit?"

"Gumalaw ang kamay ni Kath. Tekaaa!" Quen.

Napatingin kaming lahat kay Kath at tumabi sa gilid niya.

"Shet! Oo ngaaa!" Sigaw ni Sam.

Bigla akong napangiti.

"Princess, Wake up. Daddy and Mommy is here." Daddy ni Kath.

Unti unting gumagalaw ang mga mata niya hanggang sa tuluyan na niyang naimulat ang mga ito.

"Kathhhhh!!"

"Sissssss!"

"Princessssss!"

"Thanks God at nagising ka na."

Tumingin siya sa paligid niya at inisa isa niya kaming tinignan.

"Mom? Dad? Anong nangyari? Ba't ang sakit ng ulo ko?" Tanong niya sa magulang niya.

"Kath, Anak, mabuti naman at gumising ka na. Anak, Naaksidente ka noon at nacoma ka. 2 months kang nakatulog." Tita Min.

Nagsilapitan ang lahat maliban sakin dahil naiilang parin ako sa maling nagawa ko noon.

Kung tatanungin niyo kung kumusta na si Kylie, nasa bahay siya. Malaki na ang tiyan niya. 2 months na ang nasa sinapupunan niya. Hayyy. -_-

Nung araw na nalaman kong may nabuo, halos araw araw akong di nakakatulog kakaisip kung ano ang sasabihin ni Kath paggising niya.

Buong buhay kong pagsisisihan yun dahil hindi si Kylie ang mahal ko kundi si Kath lang at wala ng iba pa.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandiyan na eh. Di na maibabalik pa.

Starting Over Again (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon