25- JULSAM.♥

145 2 4
                                    

Daniel's POV

Monday na naman. May klase na naman. Kailangan na namang pumasok sa school kahit na medyo hindi pa okay ang pakiramdam ko. Okay na rin kunti kasi inalagaan ako ng mahal ko  kaso umalis din siya agad kahapon nung binantayan niya ko hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang umalis.

"Jc, Sabay na tayong pumasok sa school tinatamad ako magdrive eh." Tanong ko sa kapatid ko.

"Sge Ba." Bro.

Pumasok na kami sa kotse niya at nag kwentuhan lang.

"Bro, Sino ba talaga mahal mo, Julie o Kath?" Biglang tanong ni JC.

"E-ewan." Ba't ba kasi hindi ako makapili? Madali lang naman ang pumili eh kaso hindi ko magawa. Ewan ko nga ba.

"Hayst. Bro, Brother, Ba't ba naguguluhan ka? Mahal mo naman si kath diba? Eh si Julie?"

"M-ahal ko din?"

"Nag aalin langan ka kasi sa sagot mo Bro. Eto lang ang masasabi ko, Pag napakawalan mo ang taong mahal mo,  hindi na ito madaling ibalik pa ang dating nararamdaman niya para saiyo, tulad ng nabasag na baso, kung basag na, mahirap ng ayosin pa, Kaya piliin mo yung tama yung hindi mo pag sisisihan." Aba't bumabanat din si kapatid.

Nanahimik na lang ako at nakarating na kami sa School. Dumeretso agad si Jc sa tambayan pero nagpaiwan na lang muna ako para hintayin si kath.  Mga after 10 Minutes, dumating na rin siya.

"Goodmorning baby" Bati ko sa kanya.

"Morning din." Matamlay niyang sagot.

"Musta tulog mo? Thankyou pala kahapon ah? Nung inalagaan mo ko." Hinalikan ko siya sa pisngi pero parang wala lang sa kanya ito.

"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kasi may napanaginipan akong di kanais nais." Kath.

"Ah? Bakit? Ano ba yung napanaginipan mo?"

"Bsta. Tara na!" Kumapit lang siya sa kamay ko at sabay na kaming naglakad papunta sa classroom.

---

Kath's POV

Kinikilabutan ako sa napanaginipan ko kagabi at hindi ko alam kung bakit. Ganito kasi yun......

May couple kasi na sobrang nagmamahalan kaso One day, May bumalik na babae sa past ni boy na siyang ikinasira ng relasyon nila. Nagbreak yung couple sa kagustuhan nung boy kaya nasaktan yung girl. Araw araw niyang nakikita yung Boy  na kasama yung babaeng dumating sa past niya kaya nasasaktan siya pero kahit ganun kinakaya niya dahil gusto niyang maging matatag at ipakita sa Boy na malakas siya at balang araw pag sisisihan nung boy ang pag iwan kay girl. May isang lalake naman na palaging nandyan para kay girl at hinding hindi niya ito iniiwan kahit na paulit ulit lang itong pinagtatabuyan nung Girl at itong lalaking to pala Mahal na mahal niya si Girl kaya palagi siyang nandyan para sa kanya. Matapos ang ilang buwan, Magkasama pa rin yung lalaking nang iwan sa kanya at yung babae niya pero sa kabila ng lahat nandyan rin yung Boy na palaging nandyan para sa kanya kaya parang nahulog na din yung loob niya sa binatang ito. Ang huli kung nakita ay Hospital at *KRIIIINNGG*  *KRIINNGG*

At don po nag tatapos ang napanaginipan ko dahil ginising na ako ng alarm clock ko kanina. Blurred kasi yung mga mukha kaya hindi ko alam kung sino yung mga taong iyon.

"Hoy Bruha! Lutang ka na naman! Ano bang iniisip mo?" Nagulat ako kay Julia.

"Ah wala. May naalala lang sis"

Maya maya, Dumating na si Ms. Estrada na adviser namin at napakalawak ng ngiti niya.

"Goodmorning Class!"

Starting Over Again (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon