51- Let's be "friends"....

76 2 0
                                    

Daniel's POV

Kinabukasan.......

Hindi maalis sa isip ko ang lahat ng nangyari kahapon. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung ano ang gagawin.

Kasalukuyan kaming nasa bahay ngayon, kasama ko ang tropa. Nandito lahat sila, maliban kay Kath. Julia tried to text and call her pero walang sumasagot. Nagpla-plano kasi kami para sa outing namin sa Friday.

"What if pasyal tayo sa Baguio?" Julia B.

Nagtinginan silang lahat at ngumiti.

"Woah!!!!" 

"Better!!!"

"Game!!!"

"So, final decision na? sa Baguio na?" Me.

"Hmmm, how many days tayo don?" Chienna.

"Hmmm, kahit 3 days 2 nights lang." Julia M.

Everyone agreed, so, Baguio kami pupunta sa Friday.

"Asan si Kath?" Chie.

"Hmmm. Hindi sinasagot mga tawag ko e pero baka dadaan na lang kami ni Sam mamaya sa bahay nila." Julia M.

"Inform her na lang." Sabi ko.

Nagmeryenda muna kami bago sila nagsiuwian.

"Babe, can we go sa mall? Gusto ko kasi bumili ng mga bagong damit para sa friday e." Chie.

"Hmmm, Chie, pwede bang bukas na lang? Wednesday pa naman bukas e. If it's okay with you? Hmmm. May pupuntahan kasi ako ngayon pero kung ayaw mo, sige tara na."

"Ahhh. No. no. no. It's okay. Bukas na lang. Sige, ligo na ako. Ingat ka na lang." She smiled.

"Thanks Chie." Bago ako umalis, hinalikan ko muna siya sa noo. 

Sumakay agad ako sa kotse ko at dumeretso sa bahay nila. Agad agad akong bumaba at kumatok sa pintuan. Mayamaya, binuksan na ni Kuya Xian yong pinto.

"She doesn't want to see you bro, sorry."

"Where is she kuya? Please. Gusto ko lang siya makita. What happened ba to her? Hindi niya sinasagot mga tawag ni Julia. Anyway, dumaan ba sila julia at sam dito?"

"Yes, actually, kakaalis lang nila kasi pinaalis ko muna sila. Ayaw ni Kath magpapasok sa kwarto niya. Pati ako, ayaw kausapin."

"Gahd! Can i talk to her? Please naman Kuya Xian oh!"

"Ayaw niya magpa pasok sa kwarto niya. Gusto niya daw mapag isa. Hindi ko alam kung anong problema niya e. Pag uwi niya kagabi, basang basa sa ulan tapos nagka lagnat ng kunti. Sige na, pumasok ka na, alam kong ikaw lang papakinggan non. Ayaw pa nga niya uminom ng gamot."

"Thanks Tol" Agad agad akong tumakbo sa taas hanggang sa harapan ng pintuan ng kwarto niya.

Shet, papasok ba ako? Bahala na kung i push away niya ako.

Dahan dahan kong  binuksan yong pinto atsaka pumasok sa loob ng kwarto niya.

I think she's sleeping.

Umupo ako sa kama niya at pinagmasdan lang siya. Naka kumot siya. Nilalamig siya kaya hininaan ko yong aircon.

"Kath....." Nakapikit parin siya.

"Kathy, wake up."

"Hmmm?" Kath.

Unti unti niyang minulat yong mata niya at tinignan ako.

Starting Over Again (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon