17- 1st Misunderstanding.

210 2 0
                                    

Liza's POV

Sawang sawa na ba kayo sakin kasi palagi akong may POV? Well guys, Wag naman. Just support me na lang okay? Mwa :* I Love you all. 

So back to reality na muna. Ugh! Kainiz talaga kagabi Nag date pa talaga sila kasi nga 1st MONTHSARY daw nila Pwe!

Kainiz level up lalo na nung nakita kong hinalikan ni daniel sa lips na smack si kath sa kotse niya kagabi. SINUNDAN KO KASI SILA. KAYA ALAM KO ANG MGA NANGYARE. -_-

Hmmmm. May plano kasi ako ngayon. Pagseselosin ko lang naman si kath mamaya sa school hanggang sa mainis siya. Lalapit lapitan ko talaga si Daniel mamaya para mag selos si Pangit na kath na yun.

Bumaba na ako at nagpahatid na sa school sa driver ko.

Pagdating na pagdating ko sa school sakto din na kadadating ni Daniel at Sa peripheral vision ko nakita ko naman si kath na papalapit na kay daniel galing sa gilid  kaya inunahan ko na siya papunta kay Daniel. Tumakbo agad ako at kumapit ng mahigpit sa braso niya. Nakita ko naman si kath na napatigil sa pagtakbo.

"GOODMORNING DANIEL BABY, MISS MO NA AKO NOH? Nagpunta la lang naman ako sa bahay mo nung isang araw ah? Sayang nga hindi natuloy yung Kiss. Pakipot ka pa kasi non eh." Nilakasan ko talaga yung boses ko para marinig ng babaeng yun. Napatingin ako sa kanya at tumakbo agad. Baka pumunta na sa Classroom. Naiiyak na rin yata eh.

"ANO BA LIZA!? UMALIS KA NGA! ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA AT PINAGSASABI MO." Tinulak niya ako at dumeretso na rin siya. HAHAHAHAHA . Feeling ko umiiyak na si Kath ngayon. Nice yan Liza. Very Good.

Humanda ka kath. Simula pa lang ito ng paghihiganti ko. Kung gaano ka nasasaktan ngayon, mas sasakit pa yan sa susunod. BWAHAHAHA. AKIN LANG SI DANIEL. MAG HIHIWALAY DIN KAYO. DESPERADA BA AKO MASYADO? WELL, HINDI NIYO AKO MASISISI KASI MAHAL KO TALAGA SI DANIEL. I'LL DO EVERYTHING TO MAKE HIM MINE......AGAIN.

---

Kath's POV

Totoo ba yung mga narinig ko kay Liza kanina sa Parking lot? Sabi niya sa isang araw dumalaw siya kay daniel so it means, Before yung monthsary namin. Pano nagawa sakin ni Daniel to? Is he cheating on me? Mahal pa ba niya si Liza? Kung tama ang pagkakarinig ko, sinabi pa ni Liza na hindi natuloy yung halikan nila kasi pakipot si Daniel. Totoo ba ang lahat ng yun? Matapos kung marinig yung mga yun, tumakbo na agad ako sa classroom kasi tumutulo na yung mga luha ko. Umupo agad ako don at naabutan ko si Julia. Oo tama, siya ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ang bestfriend ko ngayon.

Niyakap ko agad siya habang tumutulo parin yung mga luha ko. Niloloko ba ako ni Daniel? Kailan pa? Kaya ba hindi masyadong nagpapakita si liza noon dahil may secret relationship sila ni Daniel? *huk* Huhuhu </3

"Sis, I Hate him. He's Cheating on me." Patuloy pa rin akong nakayakap sa kanya habang umiiyak.

"Si daniel sis? are you sure? pano mo naman nasabi?

Ayun, Kwinento ko sakanya yung nadatnan ko sa parking lot kanina.

Starting Over Again (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon