10-Day 3- Resort

202 4 0
                                    

Liza's POV

Tuesday morning at lahat kami maagang nagising dahil mag swi swimming kasi sa Beach bago umuwi. Inihahanda ko na ang mga gamit namin dahil matapos naming mag swimming uuwi na din kami. Nakakalungkot nga dahil Last day na namin dito sa Resort Pero Sa 3 Days na stay namin may Napansin akong kakaiba kay Dj. Nagbago siya. Naging Cold na ang pakikitungo niya saakin simula nung Hinanap nila si kath sa Gubat. Hindi ko alam kung Bakit. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung bakit ngunit natatakot ako na baka dedmahin niya lang ako at baka mas lalong lumala ang problema. May Something ba sila ni Kath na hindi namin alam? Remember nung nagpunta kami sa park kahapon? Ako yung kasama niya Pero halatang Iba yung nasa isip niya at alam kong si Kath yun dahil tingin siya ng tingin kay kath habang kasama niya si Quen.

"Dj, Are we okay?" Biglang tanong ko. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang sarili kong magtanong eh.

"What do you mean?" Dj.

"Nothing. Napansin ko kasi, Parang may nagbago saiyo. Hindi na ikaw yung Daniel na Sweet saakin.... NOON. "

"Pagod lang siguro. Tara labas na tayo baka naghihintay na sila sa labas" Dj.

Hindi niya sinagot yung tinatanong ko. Ba't ka ba nagkakaganyan Daniel? If only i could turn back time, Yung daniel na dating sweet at hindi magsasawang ipadama saiyo na mahal ka niya. Miss ko na si Daniel. Yung Dating Daniel na nakilala ko at naka inlove van ko...Noon.

---

Daniel's POV

Mukhang nakakahalata na Liza, Good yan Daniel, Ipadama mo sakanya na ayaw mo na siya at pag right time na Iwanan mo na siya. Bad ba masyado? Wala eh. Mahal ko na talaga si Kath at Kinain ko na ang mga salita ko noon na hinding hindi ako maiinlove sa kanya. Nung una hindi ko naman talaga siya Gusto eh, May balak pa nga akong paglaruan siya noon pero hindi ko na magawa ngayon dahil nahulog na ako sa babaeng yun. Hindi ko inaasahang ang Isang Daniel Padilla, Nahulog na naman sa isang babae. Ang ikinatatakot ko ngayon, Baka iwan niya ako sa huli katulad ng ginawa sakin ni liza noon at baka bumalik na naman ako sa dating ako, yung tipong walang paki alam sa paligid ko. Hindi naman siguro ganon si kath diba? Nevermind. Think Positive. Basta gagawin ko ang lahat para ako ang piliin niya between saamin ni Quen. Nauna na si Liza sa beach kaya naiwan muna ako sa room. Palabas na ako ng makita ko rin si kath palabas na rin pero hindi niya kasama si quen. Mag isa lang siya.

"Kath!" Sigaw ko.

"Oh Daniel? Ba't nandito ka pa?"

"Hinihintay ka. Haha joke. Nauna na kasi si Liza. Eh ikaw? Ba't mag isa ka?"

"Pina una ko na rin kasi si quen. Tigilan mo nga yang mga banat mo. HaHa" Ayos to. Masosolo ko siya.

"Tara? Sabay na tayo." Kinuha ko na yung bag na dala niya para ako na ang magbuhat.

"Daniel akin na kasi yung bag ko. Hindi naman mabigat eh. Akin na kasi" Nag pout pa siya. Ang cute niya tuloy. Parang gusto ko na siyang halikan. Haha joke. Syempre may respeto ako sa babaeng to. Mahal ko eh.

"Wag na. Ako na. Tara." Hinawakan ko ang kamay niya at tsaka naglakad na papunta sa Kinaroroonan nang mga kasama namin. Ang lambot ng kamay ni kath parang ayaw ko na tuloy bitawan.

Malapit na kami sa barkada kaya binitawan ko na ang kamay ni kath. Pero Nakita kong nakita ni Quen na magkahawak kami ng kamay.

"Tara na guys! Swimming na tayo" Sigaw ni lang lahat kaya tumakbo na ang lahat papunta sa beach.

---

Kathryn's POV

Woah! Ang lakas nang tibok ng puso ko. Hindi naman ganito kaabnormal ang tibok niya pag si quen ang kasama ko. Pero bakit kay Daniel, ANG LAKAS AT ANG BILIS? Nung Hinawakan niya yung kamay ko parang nag stop yung mundo ko. Ang lambot ng kamay niya, parang ayaw ko nang mawalay yung kamay ko sa kamay niya. Haha O.A Pero seryoso Naguguluhan na ako. Si Quen yung unang nanligaw saakin pero bakit parang may something, kaya hindi ko siya masagot sagot. Importante din si Quen saakin pero parang mas importante si Daniel?. Ay ewan. Bahala na.

Starting Over Again (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon