Ikalawang Kabanata

76 15 5
                                    

"Yung sagot mo Jaidi, pakisulat nalang. Pagkatapos ng lunch break pakibigay sa'kin," binigyan ako ni Anika ng maliit na papel at umalis na ng laboratory.

Med-tech ang course ko at graduating na, imagine nakaraos ako? Pilya lang ako pero matalino, wag judgmental.

Hinubad ko ang lab coat at kinuha ang bag sa may locker, binulsa ko ang papel at dumiretso sa may likod ng Engineering building na malinis at puro bermuda grass lang ang makikita. Inaantok ako at kailangan kong iraos ang antok ko kaya naman pumwesto ako sa may ilalim ng malaking puno. Ginawa kong unan ang bag ko na walang gaanong laman at pinikit na ang mga mata.

Papikit pikit na ang mga mata ko nang may marinig akong kumakanta sa aking may ulohan pero dala na ng antok kaya di ko na binigyan ng atensyon.

Mas importante ang tulog sa ngayon.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko pero paggising ko ay bandang alas tres na ng hapon. Shit! Iyong papel na pinapapasa ni Anika!

Hindi na ako nag-ayos basta sigurado lang na walang laway sa mukha ay okay na, kaagad akong kumaripas ng takbo pabalik sa building namin at hinanap ang kaklase. Namataan ko siya sa harap ng faculty at kaagad ko siyang nilapitan.

"Anika, di ko nabigay yung papel--"

Kumunot ang kanyang noo at ibinigay sa akin ang papel na may pangalan ko at may marka sa bandang itaas. 100 points. Kanino galing 'to? Hindi pa ako nagpapasa!

"Pahumble ka pa, iniwan mo yan sa may lamesa ko. Ikaw nga lang ang naka-perfect ng lab test. Congrats!" ngumisi siya at pumasok na ng faculty.

Habang naglalakad papunta sa building ng Architecture ay di ko matanggal sa isip ko ang papel na may pangalan ko at perfect pa ang score na nakuha ko. Sino namang gagawa non e inis na inis nga sa'kin ang mga kaklase ko? Imposible namang tulungan nila ako, mas pabor pa nga kung babagsak ako.

"Ang panget mo pala matulala,"

Sa sobrang lutang ko ay di ko na namalayan na may sumasabay na palang naglalakad sa akin dito sa may bandang hallway.

Tinapunan ko iyon ng tingin, ang plano kong pansusuplada ay naudlot dahil sa taong di ko inaasahan na susulpot ngayon sa tabi ko.

"Anong... Paanong... Dito ka rin nag-aaral?" napapantastikuhang tanong ko.

Nag-kibit balikat lamang siya at patuloy lang ang pagsabay sa paglalakad, hinayaan ko lamang siya. Nang malapit na sa parking lot ay nahulog ang panyo mula sa kamay ko kaya yumukod ako at pinulot iyon.

"Oh anong course mo? Medyo gago ka rin ba? May piercing ka kas--"

Ang pag-iintriga ko ay bumara sa ere nang makitang wala na ang lalaki sa tabi ko, nilibot ko ang aking mga mata sa lugar pero ni bakas ng anino niya ay di ko makita.

Weird. This is getting really weird.

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon, sa totoo lang ay gusto ko lang ang itsura niya pero hindi iyon sapat na dahilan para maging mabait ako pero iba ang ginagawa ng katawan ko kapag sumusulpot na siya bigla. Ayoko kasi na ako ang nagpapakita ng interes kahit type ko ang lalaki.

Duh, sila hahabol sakin.

Maarte ako, oo. Wala naman akong pake, saka masama naman talaga ang ugali ko. Halata naman.

Pagdating ko sa building ay marami ng estudyante ang nagla-labasan, wala akong dalang sasakyan kaya napadpad ako dito, hihintayin ko pa kasi si Kuya Jed, ayoko namang mag-commute.

Lost Soul of Nahem (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon