Ika-anim na Kabanata

18 5 0
                                    

I feel empty.

Maghapon ay sila ang kasama ko pero parang may kulang at hindi bagay iyon. Pumikit ako habang yakap yakap ang sarili sa ilalim ng maliwanag na buwan na nagsisilbing ilaw sa madilim at malamig na gabi.

Nagpaalam ako na may pupuntahan muna, at hindi ako nag-abalang ayain sila kung saan man iyon.

Mas lalo akong nilamig nang malapit na ako doon, napangiti ako nang makarating sa tuktok ng maraming bato kung saan kami tumatambay ni Nahem nitong mga nakaraang araw.

Kitang-kita mula dito ang lawak ng dalampasigan at ang mga bangkang nakaparada sa may gilid. Tumitig lang ako sa kawalan, I miss you so much Nahem.

I like you a lot... but I think you're not worthy.

"Bakit kasi ang dali kong ma-attach?" pinalis ko ang luha sa pisngi ko.

Ni hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Si Mommy lang ang kadalsang iniiyakan ko sa buong buhay ko pero hindi ko maintindihan bakit ako umiiyak ngayon ng dahil sa isang multo na bigla nalang pumasok sa buhay ko.

"Ghoster ka nga..." bulong ko na natatawa.

"Iiyak ka tapos bina-backstab mo ako?" a husky voice whispered over my ear.

I felt my heartbeat quickly change its phase, my hands were shivering and my tears can stop from falling as I recognize whose voice it was.

Nagpaligsahan sa pagtulo ang mga luha ko nang maaninag ko sa gilid ng mata ko ang pamilyar na damit at bulto ng katawan.

It was him! It was really him!

Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa pag-iyak. Hindi iniisip na ibang tao ang iniiyakan ko, I broke the walls at ito ang nangyayari sa akin. Nagiging mahina na naman ako.

"Sorry na... di na ko galit," malambing niyang sabi at ambang yayakapin ako pero malamig na hangin lang ang sumalubong sa aking balat.

Mas lalo akong naluha doon.

"Sa lahat ng galit ako pa ang nagpapa-sorry," He tsked and moved in front of me.

I chuckled at what he said and wipe my tears.

"Sana napunasan ko 'no?" He jokingly said while leaning to see my crying face.

I gathered all my strength and sighed deeply, "I..."

Tumaas ang kilay niya habang nangingising nakatingin sa akin, "Hmm?"

"I..."

"You? What?"

Lumabi ako at nagpunas ng pisngi, "I'm sorry..."

Yes! Finally! Yumuko ako pagkatapos kong sabihin iyon dahil nahihiya akong ipakita sa kanya ang mukha ko at natatakot ako sa magiging reaksyon niya sa sinabi ko.

Lumamyos ang mga mata niyang nakatingin sa akin at ngumiti.

"My baby is shy?" His little laugh made my heart flutter and I can feel the butterflies in my stomach dancing.

Lost Soul of Nahem (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon