Ikawalong Kabanata

22 4 0
                                    

I woke up feeling ill, pakiramdam ko ay may nakadagan sa katawan ko at hindi ko magalaw iyon. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ng silid na kinaroroonan ko, puro puti iyon at may bulaklak at prutas sa lamesang katabi ng higaan ko.

Nang malanghap ang pamilyar na amoy ng pinagsamang alcohol at gamot ay doon ko lamang napagtanto na nasa hospital ako, anong ginagawa ko dito?

Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako, gusto ko ng tubig. Binalingan ko ang lalaking nakasubsob sa gilid ng higaan ko, napangiti ako nang makilalang ang kuya iyon.

"W-water please..." I called out.

He immediately woke up as soon I spoke and he looked so shock. Ngumiti ako ng matamlay, nahihirapan sa oxygen tube na nakakabit sa ilong at may benda rin ang ulo ko.

He was reluctant while heading outside ni isang salita ay wala siyang binanggit, ang sabi ko gusto ko ng tubig, san na naman siya pupunta? Napalabi ako, my brother looks tired and worried, did I worry him too much?

"You're finally awake, Ms. Crame."

Ngumiti sa akin ang doctor bago itutok ang stethoscope at chineck pa ang iilang bahagi ng katawan ko. May isinusulat ang nurse sa chart at paminsan-minsan na ngumingiti sa akin.

Mabilis lang naman iyon, may mga iilan din siyang tinanong. Kaagad siyang lumabas kasama ang Kuya at ang nurse, medyo matagal sila. Siguro ay nag-usap.

Sinubukan kong umupo pero napangiwi na lamang ako nang sumigid ang sakit sa tagiliran ko.

"Jaidi! Careful..." Mabilis na lumapit sa akin si Kuya para tulungan ako.

Hindi ako kumibo, hinihintay na mauna siyang magsalita pero walang lumalabas sa bibig niya.

"Hindi ka ba magagalit sakin?" putol ko sa nakakabinging katahimikan.

Umiling siya, "I knew what happened in Palawan, Dyno admitted everything."

Nag-iwas ako ng tingin. Iniisip na ang pagkakaintindi niya sa nangyayari ay kaya ako naaksidente dahil sa ginawa ni Dyno.

Wala siyang alam tungkol kay... Nahem.

Nanlabo ang mga mata ko, nangingilid ang luha habang inaalala ang mga pangyayaring iyon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang damdamin na gusto kong ilabas.

I wasn't oblivious to forget how I told him the story of my family and how he got mad at me. Naalala ko iyong galit sa mga mata niya at ang muhi sa bawat salitang binitawan niya.

His hatred towards me went up, he doesn't like me as a person. Thats it, I shouldn't be affected dahil nasanay na akong kinamumuhian ng lahat.

"You really look like Mom, ya know."

That's the cue, the tears that I have been holding back runs it way down to my cheeks.

Marahang inabot ni Kuya Jed ang braso ko at niyakap ako. Ramdam ko ang pag-iingat niya habang bahagyang hinahaplos ang buhok ko.

Ilang minuto akong nakayakap sa kanya habang umiiyak, hindi siya nag-abalang magtanong.

"That will be the last cry," He smiled at me, pinunasan ang pisngi ko.

I nodded, "I've been crying these past few days, weak shit."

Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"The Doctor said you are not allowed to cry." emotions crossed in his jet black eyes.

"Sabihin mo kay Doc hindi ako tao kapag hindi ako umiyak," biro ko.

He shook his head, "They're going to run some tests with you later," he added.

Lost Soul of Nahem (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon