Aashni Blytte's POV
Dala ng pag kabalisa ko maaga akong na gising. Wait halos hindi pala ako nakatulog dahil sa pag kabalisa ko. For no reason, naniniwala ako na siya talaga 'yong nakita ko kagabi. Hindi man ako sigurado pero ang puso ko, halos isigaw ang pangalan niya.
"Anak ng?!" Usal ng kung sino.
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa lalaking nasa harapan ko. Ba't ang aga niya naman yata magising? Sermon? Alangan matinding galit 'to mahuli ba naman ako na humihithit ng yosi e.
"Yosi na naman? Don't tell me Aash, may balak ka na naman na sirain ang buhay mo?" Sakrastikong sabi niiya.
"Yago, calm down I use this sh*t because I'm badly stressed." I lied.
"Then, learn how to rest!" Sigaw niya.
Patay, sumigaw na siya.
"Yago, what if may sinasabi ang puso mo na siya 'yon? Siya ang matagal ko ng gustong makita?" Bigla kong sambit.
Putek na! Ano ba naman ang nasa utak ko at naisipan kong sabihin ang bagay na 'yon? Aish, wala dapat maka alam tungkol sa bagay na 'yon!
"Don't mind it Yago, pagod lang ako." Pag lilihis ko sa usapan.
Makakahanap din ako ng sapat na similarities niyo, hindi nga lang ngayon pero sisiguraduhin ko na hindi ako matatagalan.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa condo na 'to?" Tanong niya.
Hanla, ba't nahalata niya pa? Naman o!
"Iyo 'to?" Dagdag niya.
Umiling ako bago sumagot. "Sa secretary ko to, may kinuha lang ako, sige na una na ako. Bye!" Sabi ko mabilis na nilisan ang lugar na 'yon.
Akala ko magiging bad mode ako pag may kausap ako, dati kasi ganon ako ayokong may kausap ako pag malungkot ako. Lalo na't hindi ko naman nailabas ang sama ng loob ko kagabi. 'Yong feeling na gusto mong umiyak pero hindi mo magawa. And that feeling, was hard. Hindi mo alam kung paano mo maiilabas ang bagay na 'yon, kahit na gusto mong umiyak hindi mo magawa dahil walang luhang tumutulo sa mata mo.
Gusto kong maluha ngayon pero hindi ko magawa, ultimong sa harap ni Yago na mismong kababata ko. Bakit ganito ang mundo sa'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi mo na lang ako hayaan na maging masaya? Bakit ayaw mo akong maging masaya?
Nang makarating ako sa room namin ay si Dana na agad ang hinanap ng mga mata ko. Kanina gusto kong yakapin si Yago pero hindi ko magawa dahil kung gagawin ko ang bagay na 'yon, malalaman nila na may problema ako, na mulungkot ako at kailangan ko ng mga taong kaya akong suportahan sa mga bagay na gusto ko.
"Baks hinahanap ka sa'kin ni tito kagabi, saan ka ba galing?" Sabi niya.
"Oo nga, Blytte? Pati sa'kin hinahanap ng ni tito." Sang-ayon naman ni Chandra.
"Saan ka ba kasi-" hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya dahil bigla ko na lang siya niyakap. "Tss." Rinig kong usal niya.
Hindi na ako nag salita pa ng kahit na ano at mas lalo kong hinigpitan ang pag kakayakap ko sa kanya. Alam ko naman na sa loob loob ni Dana ay alam niya na kung anong dahilan ng pagiging ganito ko e.
"Sana man lang kumain ka ng mint na candy no? Amoy ko kaya." Maarte niya sabi.
Buti sana kung naubos ko e hindi naman e, kakalahati lang kaya ang nagamit ko do'n kase nahuli ulit ako ni Yago, nalimutan ko kasi na doon nga din pala ang condo nila at ang lakas pa ng loob ko na lumabas ng condo ko e.
YOU ARE READING
When My Five Best Friends Fell Inlove With Me
JugendliteraturWhat if, 'yung lima mong kaibigan ay hulog na pala sa 'yo? At huli mo nang nalaman dahil nawala na 'yung isa. Aashi Blytte is thr heirs of their family, she will receive all things because of her skill. She was player of a billiards, good dancer, a...