Aashni Blytte's POV
Lumipas ang mga araw ay napapadalas na ang pag tambay nila Dana sa bahay namin, although wala naman sa'kin ang bagay na 'yon, tsaka nasabi ko na din sa kanila kung sino ang sasagutin ko sa kanilang lima, alam na din ng apat ang tungkol doon pero sabi ko 'wag muna nila sabihin.
Pag dating ko sa school ay may freshman na nag abot sa'kin ng rose kaya naman bigla na lang napataas ang kilay ko, kasi hindi ko naman siya kilala tapos mag bibigay siya ng rose sakin, bukod sa hindi ko siya kilala wala akong interes sa kaniya.
"Pinabibigay po ni kuya'ng blue hair." Sabi niya.
Blue hair? Wala naman akong kilalang lalaki na blue ang buhok e, tsaka bakit niya ako bibigyan ng ganito 'di ba? Pero kahit ganon pa man ay tinanggap ko na lang ang bulaklak.
"Pwede pong mag pa-picture?" Nahihiyang sabi ng freshman sa'kin.
Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango bilang pag payag. Masaya niyang kinuha ang phone niya at nag picture na. Baka kasi pag hindi ako pumayag mamissunderstand siya sa'kin.
Nag thank you lang siya matapos ang ginawa namin kaya naman nag lakad na ako paalis sa lugar na 'yon pero hindi pa ako nakakaalis sa building na 'to ay may nag abot na naman sa'kin ng rosas.
"Si kuyang blue hair?" Tatawa-tawang sabi ko.
Wala naman kasi akong nakilala na asul ang buhok e. Hahaha.
"Hehehe, opo."Sagot niya sa'kin habang kinakamot ang batok niya.
Napa iling na lang ako sa idea'ng 'to ang lakas kasing maka fiction, alam ko na 'to e tatlong rosas tapos meaning e I love you, nako kuyang blue hair wala na po ako time sa'yo, hahahaha.
Kinuha ko ang huling rosas at tinuro naman ng freshman na 'to kung nasaan si kuyang blue hair kaya naman hindi na ako nag pakeme-keme pa at pinuntahan ko na siya para maayos na sabihin na may nag ma-may ari na ng puso ko.
Pag dating ko sa locker room ay may lalaking naka talikod doon at tila may hinihintay na tao, asul ang kaniyang buhok at may dala-dala siyang human size na doraemon.
"Ahm, kuyang blue hair?" Alangan kong sabi.
Humarap siya sa'kin na may ngiti ang labi at laking gulat ko naman ng makita ko ang kaniyang mukha, walastek kaya naman maaga ako pinapasok ng ulaga'ng 'to kase may ganitong eksena.
"Ang lupit mo, nag palit ka pa talaga ng kulay ng buhok mo." Sabi ko.
Dito kasi sa school namin e pwede mong gawin ang gusto mo pero kahit ganon ang sistema kailangan mo pa rin sumunod sa i-ilang rules.
"Bakit? Hindi mo gusto ang kulay?" Tanong niya.
"No, pero hindi mo na kailangan gawin 'to." Sabi ko.
"Wala e, tinamaan ako ng lintek." Sagot niya.
Nag buntong hininga na lang ako dahil hindi naman ako mananalo sa kaniya. Ngumiti siya ng makita niya ang naging reaksyon ko dahil alam niya na suko na ako.
"Matamis mong oo na lang ang iniintay ko Blytte." Masayang sabi niya sa'kin at inabot na ang doraemon sa'kin.
"Tss, oo lang pala e," sabi ko na na naging dahilan ng pag kislap ng mga mata niya. "E di mag intay ka kung kelan ko sasabihin ang oo'ng 'yon." Dagdag ko sabay hinila na siya paalis sa locker room.
Daming ganap lagi e, wala pa naman kaming label hahaha. Nag pasama ako sa kaniya na samahan ako sa parking lot at doon ko na sa kotse ko ilalagay ang doraemon na 'to.
Hirap na hirap akong ipasok ang doraemon na 'to kaya kinailangan ko pa ang tulog niya, grabe naman kasi 'tong si Chandra lagi na lang ako pinag gagastusan.
YOU ARE READING
When My Five Best Friends Fell Inlove With Me
Teen FictionWhat if, 'yung lima mong kaibigan ay hulog na pala sa 'yo? At huli mo nang nalaman dahil nawala na 'yung isa. Aashi Blytte is thr heirs of their family, she will receive all things because of her skill. She was player of a billiards, good dancer, a...