Aashni Blytte's POV
Ilang araw ang naka lipas bago matapos ang month of July. August na kung sa amin dati ito na ang simula ng hell day dahil sa puspusang pag gawa ng projects and pag gawa ng mga kulang kulang mo. Idagdag mo pa na kailangan mong makapag review para pumasa. Lahat ng estudyate doon ay hinahangad na makuha ang pinakamataas na marka. Kahit mga taga lower section iyon ang hinahangad. Aaminin ko, kahit ako hinangad 'yon, pero sa pag kakatanda ko limang taon 'yon nasakin, then naging kay Rien no'ng sinisimulan kong siraan ang buhay ko.
Pag labas ko ng kwarto nadatnan ko lahat ng maids na busy. Anong meron? Baka naman nag general cleaning lang sila. Ewan bahala sila, mas busy ako ngayon para sa'kin ay hell month. Exam na this week, then 'yong intrams pa. Arg, the struggle is real. Umalis ako nag bahay ng hindi man lang nag papaalam kila manang. Nalalapit na ang racing competition. Gusto ko na ulit mahawakan ang trophy, kaso dalawang taon na ang nakalipas ay ako ang nag pasa no'n sa iba.
Nang makarating ako sa school ay busy'ng busy ang mga tao kaka review. Kung no'ng una ay madadatnan mo silang nag bubulungan ngayon lahat sila naka subsob sa pag re-review. Mamaya ganyan na din ako. Kailangan e, lalo na pag math. Nang makarating ako sa classroom ay ganon din ang naabutan ko. Mahal na mahal nila ang pag aaral a, samantala ako noon halos isumpa nila dad dahil sa failing grades.
Umupo ako sa tabi ni Chandra at nilabas lahat ng kailangan ilabas. Lumingon siya sa'kin at ngumiti. Tss. Baliw ba siya? Obvious na kaya na iniiwasan ko siya. Arg! Bakit pa kasi ako tumitig sa mata niya, ayan tuloy ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Arg, ayoko nito!!!!
"Bakit mo ako iniiwasan?" Bulong niya.
"Because I dont want to see you." Sagot ko at tinuon ang atensyon ko sa math book.
Hanggang sa makarating ang exam ay wala kaming teacher. Bibigay daw nila kami ng time para mareview ang lahat ng subjects dahil alam naman daw kasi nila na mahirap, lalo na sa math. Hays.
"Why? It is because of what I did?" He asked.
"Hindi." Sagot ko.
Dahil sa nararamdaman kong pag bilis ng tibok ng puso ko. Ayokong maramdaman to dahil sawa na ako. This is love, and I dont want it. I'm totally scared.
Hindi siya sumagot sa'kin pero nakita ko ang pag tingin niya sa'kin. Natatakot akong maramdaman muli 'to. Sawang sawa na ako sa sakit na pinapadanas ng love. Mahirap kasi, handang kang sumugal kahit na alam mong wala kang chance gagawin mo pa rin dahil mahal mo, because love is blind, and soon I'm blind.
Nasa labas kami ngayon dahil nag re-refresh kami ni Dana, habang ang boys naman ay nag uusap. Mukhang boys talk kaya hindi na kami ni Dana nakikisali. Pati wala naman paki si Dana sa apat e. Kay Yohane lang naman 'to may paki. Hahaha nag kwento kasi siya, tapos bigla kong tinanong kung sino ayon na dulas. Hahaha. Ang daldal kasi e.
"Gwapo talaga ng asawa ko baks." Aniya.
Pinag papantasyahan niya na naman si Yohane e. Umiling ako sa kanya. Wala 'to, iba na ang tama kay Yohane pero hindi siya tulad ng ibang girls na halos ipakita na ang kaluluwa para lang sa lalaki.
"Tara pasok na tayo." Yaya ko, at baka kung saan pa pumunta ang pag papantasya niya.
"Buti pa." Sabi niya pa at sabay kaming lumapit sa boys.
"Sige ako na ang uuna. Pero atin-atin lang 'to ha?" Rinig na namin ang boses ni Yohane, mula sa malayo. "I like her, ewan ko ba kung anong nagustuhan ko kay Aash, maybe 'yong pantay pantay na tingin niya sa iba." Sambit niya.
Nagulat kaming dalawa ni Dana sa narinig namin. Nag katinginan kaming dalawa ni Dana, pareho kamig walang alam dito. Hindi ko nga ramdam si Yohane e. Lagi niya lang ako nginingitian, tapos laging may pag tanong na kung kumain na ba ako at lagi siyang may good morning. Hindi ko naman binigyan 'yon ng meaning e.
YOU ARE READING
When My Five Best Friends Fell Inlove With Me
Novela JuvenilWhat if, 'yung lima mong kaibigan ay hulog na pala sa 'yo? At huli mo nang nalaman dahil nawala na 'yung isa. Aashi Blytte is thr heirs of their family, she will receive all things because of her skill. She was player of a billiards, good dancer, a...