Ikaw

6 2 0
                                    

ONE-SHOT STORY

ENTRY #2

IKAW




"Thanks— Oh, ikaw pala." Napatanga ako ng lumabas iyon sa bibig mo matapos kong i-abot ang nahulog mong towel. Nagulat ako dahil akala ko hindi mo ako kilala. Hindi mo naman kasi ako pinapansin o tinatapunan ng tingin. Kaya nang sabihin mo 'yun ay di agad ako nakapagsalita.

"Sindie?"

"Ah, w-welcome." Alanganin akong ngumiti. Nakatingin ka sakin 'nun at nagtataka ang mga mata. May sinasabi ka pero hindi ko marinig dahil parang biglang na-mute ang buong paligid ko at ang mabilis na tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko at parang nag-slow motion pa ang buong paligid ko.

Siguro ay mukha akong tanga sa paningin mo nun. Nawe-weirduhan kung bakit ako nakatulala at halos tumulo ang laway habang nakatitig sayo. Nalaglag na kaya ang panty ko?

"Uy!"

"Ay heaven!"

Narinig ko ang mahina mong pagtawa ng magulat ako sa pag-i-interrupt mo ng pantasya ko sayo. Sheyt na malagkit! Sobrang gumanda ang araw ko dahil sa pagtawa mo. Ngayon lang kita narinig tumawa sa malapitan kaya hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng tawa mo sa sistema ko.

Pilit kong inayos ang sarili ko at para na rin hindi mo mahalatang may gusto ako sayo. Oo. Matagal na kitang gusto. Simula pa nung makita kita sa tapat ng classroom namin habang nakikipag-jam sa mga classmates kong mga lalaki. Hindi ka pa noon dito sa school namin nag-aaral kaya ibang uniporme pa ang suot mo noon. Pero nung malaman kong sa iisang school na tayo nag-aaral, tuwang-tuwa ako. Nabuhay ang kalandiang taglay ko. Joke. Pero seryoso, iyong hindi ko naramdaman noon sa ibang lalaki, naramdaman ko iyon sayo. Kakaibang pakiramdam. Ibang-iba. Hindi ko alam kung ano iyon kaya pasimple ko itong itinanong sa mga kaibigan ko. At nalaman ko ngang nagkakagusto na pala ako sayo.

Hindi ko makalimutan ang araw na iyon. Iyon din kasi ang araw na pinansin mo ako at nalaman kong kilala mo pala ako. Nagtataka ako kung bakit mo ako kilala pero naunahan na ako ng kilig.

Buwan ng November. May pakulo ang Student Supreme Goverment para sa Halloween kaya nagkaroon ng isang event. Halloween Party, na kung saan required ang lahat ng students na sumama since first time itong mangyari. Sa totoo lang ay hindi naman ako mahilig sa pag punta ng kung anu-anong events. Mas gusto kong manatili sa bahay pero dahil required ay napilitan ako. Buti na lamang at may Ate akong mahilig pumunta sa mga party-party kaya natulungan niya ako sa pag-aayos.

She made me like a doll—a scary one. Parang Annabelle style. Tuwang-tuwa pa siya nung makita ang itsura ko. May saltik talaga minsan ang Ate ko.

Saktong alas sais nung makarating ako sa school. Nakita kita. Muntik pa nga kitang di makilala dahil sa ayos mo. Ginaya mo ang isang Incubus— or not? No. Hindi ko alam kung anong klaseng creature ang ginaya mo. Basta ang alam ko ay parang isang Incubus. Ang gwapo mo pa rin kasi kahit nakakatakot ang ayos mo. At hanggang sa panaginip na lang kita nakakasama at maituturing kong akin.

Araw-araw ay pinagpapantasyahan kita. Madalas ay ini-stalk kita sa FB, Twitter at Instagram. Pero mas active ka sa Instagram. Alam ko naman kung bakit. Mahilig ka kasing kumuha ng pictures at pinopost mo 'to sa IG. Pero una kang nagpo-post sa Tumblr at Pinterest. Since, pwede ko naman itago ang totoong identity ko ay nakagawa ako ng dummy accounts. Ito ang ginamit ko para i-like at kulitin ka sa message at para na rin magpapansin. Pero wala eh. Hindi ka namamansin at kahit seen ay wala. Pero hindi ako tumigil sa paghanga sayo.

Hanggang sa mag-4th year college tayo. Graduation Ball ng course namin iyon. Iba kasi ang course mo sa course ko though may ilang units na parehas tayo kaya nakikita at nakakasama pa rin kita sa iisang klase.

Sugar, Spice, and Everything in MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon