Tula

2 0 0
                                    

KAKAYANIN

Parang bulang biglang naglaho
Hindi alam kung saan ka nagtungo
Iniwan na lamang ako dito
Mag-isa at dinadama ang pagkadurog ng puso
Isipan pa'y lumilipad ng pagkalayo-layo.

Pilit umaapuhap ng kasagutan
Sa aking mga katanungan
Na gumugulo sa aking kaisipan
Saan nga ba ako nagkulang?
Ano pang pangangailangan ang di ko napunan?

Oh, aking irog, bakit ba ako nilisan?
Di mo man lang ako sinabihan
Kahit sa isang sulat man lang
Nilagay ang iyong pagpapa-alam
Nang bumabagabag na mga katanunga'y mabigyang kalinawan.

Ngayo'y wala ka na saking piling at tabi
Mag-isa na akong muli
Yayakapin na lamang ang sarili sa gabi
At hahayang nararamdama'y mapawi.
Hanggang sa ako'y bumalik sa dati.

Maaaring hindi ito sakin magiging madali
Ngunit alam kong kakayanin ko itong mga mangyayari
Ika'y nawala lang saking tabi
Alam kong marami pang papalit sayo na nasa tabi-tabi
Ngunit ngayo'y mamahalin ko muna ang aking sarili.

Sugar, Spice, and Everything in MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon