Friends No More

4 0 0
                                    

FRIENDS NO MORE




Ano bang mas masakit?

Ang malamang hindi ka na mahal ng mahal mo o ang malamang iiwan ka na ng matalik mong kaibigan dahil sa kagagawan mo?

Hindi ko alam ang dapat kong isipin at gawin sa mga oras na ito.

Matagal kong minahal si Cherry. Mula pa noong magkakilala kami at nagkamabutihan hanggang sa naging kami. Hindi ko alam kung sino ang may mali o nagkulang saming dalawa. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Minahal ko siya ng buong tapat at puso pero iba pa rin ang pinili niya.

Sa kabilang banda, hindi ko namalayang unti-unti ko na pa lang pinapaalis sa buhay ko ang matalik kong kaibigan na kung tutuusin ay mas kilala pa ako kesa sa sarili ko.

Through ups and downs, nasa tabi ko siya. Palagi niya akong inaalalayan at inaalagaan. Siya palagi ang nandiyan kapag kailangan ko ng makakausap sa mga problema ko. Pati mga kalokohan ko ay alam niya.

Hindi siya nagdadalawang isip na puntahan ako kahit anong oras na tuwing kailangan ko siya. Napakabuti at totoong kaibigan ni Aquina.

Aquina Cortez.

Hindi ko aakalain na magiging matalik ko siyang kaibigan. Umpisa pa lang ay wala na akong balak makipagkaibigan sa kahit na sino dahil temporary lang naman ang mga ito sa buhay ko.

Pero si Aquina? Hindi ko akalaing gusto ko siyang mag-stay sa buhay ko. Ayoko siyang mawala. Komportableng-komportable ako sa kanya. Kaya naman madalas ko rin siyang biruin noong College pa kami.

Hindi ako bulag o bato gaya ng sinasabi niya. Naramdaman ko rin iyong naramdaman niya sakin ngunit panandalian lamang dahil nang makilala ko si Cherry, doon ko napatunayang hanggang magkaibigan lang pala talaga kami.

Nagkunwari ako na hindi ko alam ang nararamdaman niya dahil ayaw kong mas lalo siyang masaktan. Kahit pa alam kong nasasaktan siya minsan na makita kami ni Cherry na magkasama at masaya. Alam kong patago rin niya akong sinusulyapan mula sa malayo. Ramdam ko at kilala ng katawan ko ang mga titig at tingin niya dahil tumataas ang balahibo ko at tumitibok ang puso ko ng mabilis na isang palaisipan sakin.

Wala lang naman sakin iyon. Normal lang naman iyon, tama? Hindi ako nalilito sa nararamdaman ko. Alam kong si Cherry ang mahal ko.

Pero lahat iyon nagbago ng minsang mag-away kami ni Cherry dahil sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niyang sinampal si Aquina sa harap ko ng nag-uusap kami tungkol sa problema naming dalawang magkasintahan.

Masasakit na salita ang lumabas sa bibig ni Cherry at alam kong nasaktan ng lubusan si Aquina dahil wala namang totoo sa mga sinabi niya bukod lamang sa may nararamdaman siya sakin. Nag-break kami ni Cherry dahil doon. At nalaman ko din na ramdam pala ni Cherry na palihim akong minamahal ni Aquina.

Babae nga naman. Malakas at halos tama ang mga kutob. Hindi na ako magtataka kung umpisa pa lang ay alam na niya.

Dahil doon, hindi na namin maayos-ayos ang relasyon namin ni Cherry. Hanggang sa malaman ko na lang na nabuntis siya ng ibang lalaki. Hindi ako naniniwalang hindi ako mahal ni Cherry kaya pinaglalaban ko pa rin siya pero pinili niyang pakawalan na lang ako dahil hindi na kami pwede.

Pero pinipilit ko pa rin dahil baka magbago ang isip niya.

"Joel, please. Palayain na natin ang isa't isa. Hindi tayo ang para sa isa't isa. Alam mo 'yan. Hindi ako ang mahal mo. Kitang-kita ko sa mata mo. Noon pa man din, ramdam ko nang siya talaga ang mahal mo pero sumugal pa rin ako dahil baka mali ako at pwede pang mapalitan ang nararamdaman mo pero hindi eh. Buntis na ako, Joel. Magkaka-anak at hindi ikaw ang ama. Isa pa, magpapakasal na kami sa mga susunod na buwan." sabi ni Cherry ng magkausap kami sa isang restaurant.

Sugar, Spice, and Everything in MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon