Aking Kaibigan

4 2 0
                                    

A special part to my ever bessy. This poetry is dedicated to you.

AKING KAIBIGAN

Nagkakilala na lang bigla
Di alam kung kailan nagsimula;
Ang pagkakaibigang umusbong sating pagitan
Napansin na lamang tayo'y madalas ng nagkakasama't nagtatawanan
Tuwing nasa eskwelahan,
Ako'y iyong sasamahan
Tuwing galaan,
Ako'y iyong susundan
Tuwing nalulungkot at nasasaktan,
Ako'y iyong dinadamayan
Luha'y pupunasan
Hinahayaang gawin kong sandalan
Hanggang sa ako'y tumahan
Lumipas man ang isang buong araw;
At buwan ay lilitaw
Pagkakaibigan nati'y mananatili't di malulusaw
Malayo man sa isa't isa
Hindi matitinag basta-basta
Dumaan man ang maraming unos sa buhay natin
Hawak-kamay natin itong tatanggapin
At sabay nating haharapin
Magkaroon man ng sariling pamilya at kahit tumanda na;
Sa puso ko, kaibigan kita.
Nagagalak ako sapagkat ika'y nakilala.
Patawad sa aking maling nagawa.
Salamat sa masasayang alaala.
Ito'y mananatili sa aking puso't isipan
Kailanma'y di malilimutan
Pagka't ikaw ay ang aking kaibigan.

Sugar, Spice, and Everything in MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon