Kilala Niyo Ba Ako?

7 0 0
                                    

Kilala niyo ba ako?

Mag-isa nang pasukin ang silid-aralan
Hinatid man, ako pa ri'y kinakabahan
Marami-rami na kayo nang ako'y pumasok
Ang ilan ay nagbubulungan dahil sa pagkabagot

Bumati ang ilan
Ngunit nginitian ko lamang
Tumungo at naupo ako nang tahimik kahit naiilang
Di pinansin ang ilang mga hagikgik sa likuran

Naninibago man, inilagay sa isip na "Kaya kong mag-isa"
Maglao'y kayo'y nakilala
Akala ko'y masarap at maganda kayong kasama
Ngunit habang kayo'y nakikilala,
Nawawalan na nang ganang makisama

Mali na kayo ang piniling kaibigan
Habang nakatalikod pala ay inyo na akong hinuhusgahan;
Nilalait at pinagtatawanan
Sa iba ako pa'y sinisiraan.

Sino ba kayo para i-trato ako nang ganito?
Diyos kung umakto
Di makasagot kapag tinanong tungkol sa akademiko
Magaganda't gwapo, ngunit utak munggo.

Umiwas at piniling mag-isa
Hindi ko kailangan nang inyong awa
Marahil ay mas kailangan niyo iyon
Lalo na sa ganoong sitwasyon

Kilala niyo lang ako sa aking pangalan
Hindi ang aking buong katauhan
Bago niyo ako husgahan,
Alamin niyo muna ang buong kwento ko at hindi ang isang pahina lamang.

Sugar, Spice, and Everything in MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon