002

809 78 117
                                    


altro street
─────────────

Leigh

"For today let's proceed in our activity" nag sigawan na naman yung mga kaklase ko.

This is subject, I can say that this subject is the best subject for us, students. It's all about activity indoors and outdoors. Although ako yung tipo ng tao na hindi mahilig sa outdoor activities pero I prefer this than sitting almost 13 hours dito sa room. Yes 13 hours of classes 6 am - 6 pm yung klase namin how hellish it is.

"Leigh mag lalaro daw tayo amazing race" agad akong napabusangot sa sinabi ni Hixiel. Tumawa naman si Rhesia kasi alam na alam niya na ayaw ko talaga sa mga ganung activity.

"Wala na bang iba? Kailangan ba lahat tayo sasali? Pwede ako nalang watcher or time keeper" nagkibit balikat si Rhesia habang si Hixiel naman ayun nakipag chismisan na naman doon sa likod.

"Ma'am Hernaiz pwede po bang hindi sumali sa amazing race? May sakit kasi ako sa puso-"

"Wag mo akong lokohin Leigh wala kang sakit sa puso. Sasali lahat sa amazing race bukod kay Rovier" napataas naman kilay ko sa sinabi ni ma'am. Si Rovier? Ano naman problema nun? Makikipag switch nalang ako tutal mabait naman yun.

"Rovier, hindi ka daw sasali sa amazing race mamaya? Bakit?" mukhang nagulat ko ata siya kasi malapit siyang mahulog sa kinauupuan niya.

"Oo kasi may sinat ako ngayon-"

"Ah hindi nalang ako makikipag switch. Sige lang" tumayo na ako at agad umupo. Napansin ata nila Hixiel yung mukha ko kaya nakaharap sila sa akin ngayon.

"Oh bakit ganyan mukha mo" hindi ko na sila sinagot kasi alam ko namang alam na nila kung bakit eh. Pinagbihis na din kami ni ma'am sa pe attire namin.

"So our amazing race will be held in altro street" tila ba naging bato ako. Altro Street, diyan yung bahay namin noon. Kung saan ang dami kong nakikita noon, kung saan ayaw ko mag paiwan kay mama dahil sa daming di magandang bagay na nag papakita.

"By team ito and you're gonna be team up by color. Bumunot kayo ng naka roll na constraction paper dito and doon mag babase sino ang ka group niyo. So you'll gonna find a strip same color sa team niyo at doon nakasulat kung anong gagawin niyo" sana naman ka group ko sila Gannet o kung sinong hindi matatakutin.

───────────────

"Tara na" nagsisitakbuhan na kami at kung saan saan na nagsusuot. Mabuti at ka grupo ko sina Rhesia at si Leirand. Ang naka pagtataka is bakit kasali si Rovier sa amazing race at ka group pa namin. Eh ang sabi kanina may sinat siya.

"Akala ko may sinat ka-"

"Ayaw ko din naman maiwan doon sa room at maghintay kalian kayo matapos" tama nga naman mas boring yung ganun. Pagka dating naming doon nakaramdam agad ako ng pagtaas ng balahibo. I just find it weird. Tuwing nagpupunta kami sa lugar na ito naninindig balahibo ko.

"Ok ka lang ba?" akala ko ako yung tinanong ni Huero si Hixiel pala na ngayon ay maputla na. Nagkatinginan kami ni Hixiel at lumapit agad ito sa akin.

"Narinig mo yun Leigh?" hindi naman kami kagrupo nitong si Hixiel at Huero ah bakit nandito sila.

"Ang alin ba?" kinakabahan ako hindi naman sa nagloloko tong si Hixiel. Pareho kaming dalawa na matatakutin kaya hindi ito magbibiro-

"May kumakanta kasi di ko alam kung ano pero nakakatakot"

"Oi alam mong matatakutin din ako-"

It's "le grand Lustucru" who's crying~

Naririnig ko na naman, habang lumalaki ako lagi ko ito naririnig. Hindi ko alam kung bakit, sa dami ba namang kantang pampatulog ng mga bata bakit ito pa.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon