006

446 47 10
                                    


plan
────────────

Leirand

Hindi ko pinansin yung mga tingin ng iba. Sanay na ako sa ganito, walang pakialaman. Apat na  araw na ang lumipas nung banggaan nila Huero at Calvin. Naging usapan yun pero hindi ito nag tagal dahil wala ni isa sa amin ang pumapansin sa mga pag iingay nila.

Pauwi na ako, nauna kasi silang umuwi dahil wala na silang gagawin habang ako tinawag ng coach namin para sa darating na University Days. Hindi daw kami pasasalihin sa basketball games sa bawat dorm namin dahil kami daw yung mga facilitator, boring kaya pag ganun.

"Kamusta yung meeting?" sumalubong sa akin si Leigh na mukhang inaayos yung mga upuan dito sa labas ng dorm.

"Ayun may decision na yung coach pero may chance pa daw na mabago. Ewan ko bahala na sila" malumay akong umupo sa isang upuan dito at pumikit. Ito na naman ako sinusumpong na naman ng katamaran.

"Ano ba ginawa mo at mukhang pagod ka?" tinatamad ako Leigh. Wala naman talaga akong ginawa, katamaran tawag nito.

Ramdam kong umupo siya sa tabi ko kaya agad kong pinatong ulo ko sa balikat niya. Gusto ko na matulog bukas nalang yung assignment ko may oras pa naman sa umaga.

"Tinatamad ka na naman. Nag aayos na pala doon sa loob. Maya-maya siguro tatawagin na tayo para kumain" napadilat ako sa sinabi niya. Kumain? Ang aga naman.

"Ang aga pa Leigh 7:20 pm pa naman-"

"Baka nakalimutan mo na kadalasan sa mga seniors ay nag aaral o gumagawa ng assignment tuwing 8. Tsaka nakalimutan mo na rin ata may research pa tayo" ayoko na tang ina yan tinatamad ako. Gusto ko na matulog.

"Kailan kaya mag bibigay ng final decision yung office? Para naman malinis naman ng konti pangalan natin" saad ko at napabuntong hininga nalamang si Leigh at tinapik niya yung ulo ko. Nagmumukha tuloy akong cute na aso.

"Kamusta sila Gannet? Hindi pa ba tapos yung convention?"

"Hindi pa ang busy nga nila eh" sila Synver, Gannet, Gallem at Rhesia ay laging wala kasi umaattend sila sa convention. Ewan ko kung para saan yun.

"Love birds tara na kakain na" napatingin ako kay Sakura na sumigaw. Love birds mukha niya. Isa si Sakura sa freshman na naka stay dito sa dorm, 12 kaming freshman dito. Yung barkada ko, si Sakura at Jun.

"Tara na Leirand" tumayo na si Leigh pero hindi pa ako tumayo. Tinatamad talaga ako.

"Tayo na" hinila ako ni Leigh kaya tumayo nalang ako. Siguro sasabihin nila na mukha akong zombie nito.

"Ano nangyari sayo?" tanong ni Synver na kakababa lang ng hagdan. Tinignan ko lang siya at mukhang nakuha niya ibig kong sabihin kasi napangisi lang siya.

Napatayo ako ng maayos ng makita ko na nakatingin siya sa magkahawak naming kamay ni Leigh pero mukhang wala naman ito kay Synver. Nakakalito talaga itong tatlong to ito talaga mahirap pag nasa barkada yung love interest mo.

───────────────

"Punta kayo doon sa kwarto ni Huero" sabi ni Synver sa akin. Sa tingin ko pag uusapan namin yung tungkol sa paghahamon ni Calvin.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon