Sinadya nga ba ng pagkakataon o talagang nagkulang?
Hindi ko naman lubos maisip na may ganon palang nangyari.
Ang sa isip ko lang ay ang aking sarili.Nagsimula sa konting letra
Nagbaka sakali na makita't mabasa
Ayon na nga't may mensahe na
Si ako masayang masaya
Noong nakita na, lungkot ang nadama
Pero di bale na, atleast may kwentaYan ang naging simula nang pagbangon ng dating hinimlay na.
Hindi inakala na magigising pa ang tuluyang pinatulog na.
Heto na nga't handa nang sumugal
Para sa isang bagay na itinago ng matagal.Ganito pala ang pakiramdam ng pagmamahal
Habang iniisip at pinagaaralan ang mga linyang ididikta para magtagal
Siya naman ay patuloy lang sa pag reply kahit mabagal.Bakit ganito minuminoto ako'y nakatingin sayo?
Oo sayo, sayo ako nakatingin kung may mensahe nang bago.
Adik na kung tawagin
Okay lang naman sa akin.Pilit kitang minamahal, lahat ginagawa ko
Makamit lang ang matamis mong oo.
Nais kong ipakita sayo at ipadama
Na heto ako tapat ang magmamahal sayo.Handang magtiya hanggang sa huli
Ibubuhos ang lahat ng makakaya.
Iaalay ang oras na nararapat.
Pagmamahal, iyan ang meron ako natanging para sayo.
BINABASA MO ANG
Tula Ng Nakaraan
PoetryMga tula na nilikha Mga tula na hugot ng damdamin Mga tula na mula sa pusong kinimkim Na dapat ay sinalita Ngunit nasaan ka na sinta Para sayo ito, mahal kita Paulit ulit pa ring nagmamahal Ang pusong laging nasusugatan Ang pusong patuloy na umaasa ...