Pagasa

12 2 0
                                    

Masakit ang masaktan totoo naman lalo na kung minahal talaga, yan yong nararamdaman habang binabalikan ang nakaraan.

Wag hayaang dumating sa point na maging negative na lang ang lahat ng maisip. Kahit na ang sakit sakit ng nangyari kailangan magpakatatag.

Piliting magpakasaya para maiwasan ang mga negative na thoughts kasi yon ang magpapa alala ng nakaraan at magpapabago ng emosyon.

Masarap ang mabuhay sabi nga may plano si God sa bawat isa. Natanong na ba natin sa ating sarili kung ano ang plano niya sa atin? Ako oo na tanong ko na siya kung ano nga ba ang plano niya sakin, pero hindi ko pa rin alam ang sagot. Kaya hanggang ngayon buhay pa ko, hinihintay ko, at gusto kong makita kung ano nga ba ang plano niya. May mga plano ako para sa sarili ko kaso ayon God's plan talaga ang nararapat.

Kailangan maging matiyaga may dadating din sa buhay natin na magpapasaya sa atin, magpapagaan ng problema, aalala at mag iingat.

Ba ka hindi pa sa ngayon yung right time, maghintay na lang sa God's perfect time. Ako isa, dalawa, tatlo, hindi lang mahigit na pala sa tatlo. Na broken hearted sa lovelife(ang sakit), sa board exam(ang sakit), sa pangarap ko sa sarili ko(ang sakit talaga), pangarap ko sa pamilya ko(na hindi ko pa rin maibigay), at mga problema na patuloy kinikimkim, ang hirap ng ganito.

Kaya sabi ko na lang ipapaubaya ko na talaga kay God. I always pray na gabayan niya ko araw araw. Ang hirap kasi, ako lang din naman nasasaktan.

Iyong divine delay na hanggang ngayon umaasa pa rin na sana ibigay na niya sakin. Na sana hindi na failure si ako...

Tula Ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon