PAROKYA NI EDGAR LOVE STORY
AKALA ko dati hanggang PANGARAP LANG KITA, pero buti nalang andyan ang mga ulol kong BARKADA na nagsabi sayo na THIS GUY’S IN LOVE WITH YOU PARE at doon na nga nagumpisa ang lahat. HARANA gamit ang GITARA ang unang inihandog ko PARA SAYO upang MANIWALA KA SANA sa tunay na HALAGA ng pag-mamahal ko sayo. Sobrang saya ko noon nang pumayag ka nang lumabas kasama ako, kaya naman todo bihis ako ala MR. SUAVE at todo pabango ng PAPA COLOGNE. Nanginginig ang mga tuhod ko ng kasama na kita kaya naman natapakan ko ang iyong mga SILVERTOES. Sobrang pahiya ako sayu noon dahil alam kong masakit yun kahit sinabi mong OK LANG AKO. Dumeretso tayo sa sinehan at nanood tayo ng THE YES YES SHOW. Pagkatapos nun ay kumain tayo sa ONE HIT COMBO kanto resto dahil mejo kapos ang budget ko at omorder tayo kay THE ORDERTAKER ng dalawang PICHA PIE at CHOCO LATTE. Pagkatapos nun ay inihatid kita sa inyung bahay gamit ang tricycle na hiniram ko kila MANG JOSE. Yun na yata ang pinaka masayang araw ng buhay ko dahil nahanap ko na ang my ONE AND ONLY you.
Makalipas ang TATLONG ARAW ay nakita kitang may kasamang ibang lalake, si BULOY, ang chickboy, mayaman at sikat na studyante sa ating paaralan. Ang sweet at ang saya nyong dalawa, ibang-iba noong ako ang iyong kasama. Halatang iniiwasan mo na ako at tila ayaw mo akong makita. Naglakas loob ako na lapitan at tanuningin ka kung bakit mo ako iniiwasan. Tila naBAGSAKAN ako ng langit at lupa ng sabihin mong PAKIUSAP LANG lumayo kana sa akin at WAG MO NA SANA akong ligawan pa dahil kami na ni BULOY. Tinulak mo ako at sabay takbo papalayo na walang emosyon sa iyong muka. PUMAPATAK ANG ULAN sa mga sandaling iyon kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. PARANG AYOKO NA pero di parin ako nawalan ng pag-asa at sabi ko MAYBE SOMEDAY ma realize mo din ang tunay na pagmamahal ng isang lalake. Ginawa kong inspirasyon ang nangyaring iyon upang mapabuti pa ang aking sarili. Pinagbutihan ko ang aking pag-aaral at nakapag tapos ako bilang isang doctor.
AKALA ko di na tayo pa magkikita, pero muling nagtagpo ang ating landas noong ALUMNI HOMECOMING. Muntik hindi kita makilala dahil nawala ang dating sexing hubog ng iyong KATAWAN at aliwalas ng maganda mong muka. Narinig ko ang TUNGKOL SAYO na may dalawang anak kana daw sa magkaibang lalake, pero lahat sila ay iniwan ka. SAYANG at nanghihinayang ako sa kapalaran na iyong tinahak. Linapitan at kinumusta kita at ang saya mo ng ako ay iyong makita. Parang ayaw mo na akong lubayan ng malaman mong isa na akong doctor. Iba na ang nais ng iyong mga mata habang ikaw ay kinakausap. Nagulat nalang ako ng bigla mo akong binigyan ng CHIKININI sa leeg at sabay dinakma mo ang aking mahiwagang birdie at napasigaw ako sayu ng please DON’T TOUCH MY BIRDIE!. Di ko akalain na ang laki na ng iyong ipinagbago. Tuluyan na kitang linayuan at nakipagkwentuhan nalang sa aking mga BARKADA dahil INUMAN NA. Pero WAG KANG MAG-ALALA dahil kahit SAAN MAN PATUNGO, sana ay LAGI MONG TATANDAAN na nagpapasalamat parin ako sayo dahil ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko at humubog na kung ano ang narating ko na ngayon. Ito na yata ang aking TED HANNAH at yan na ang storya ng YOUR SONG.
Source: FB
BINABASA MO ANG
Tula Ng Nakaraan
PoetryMga tula na nilikha Mga tula na hugot ng damdamin Mga tula na mula sa pusong kinimkim Na dapat ay sinalita Ngunit nasaan ka na sinta Para sayo ito, mahal kita Paulit ulit pa ring nagmamahal Ang pusong laging nasusugatan Ang pusong patuloy na umaasa ...