Hi Miss

11 1 0
                                    

Sa simula ay napuna na kita
Namumukod tangi sa iba
Tipong mapapaisip ka ngang talaga
May kakaiba ba sa kanya?

Sa isip ko'y ito ang gusto kong makausap
Ngunit minsan ay parang ang hirap
Ang hirap lapitan sapagkat mukang mailap
Minsan ay biglang umiirap

Sa tahimik niya, ikaw ay mapapaisip
Bakit ganito ito, walang imik?
Bihira mo makitang magsalita
Gayon din ang kanyang pagngiti

Habang tumatagal ay nakakasama ko na siya
Dahil sa mga kaibigang kami ang magkakasama
Dito ko na siya narinig magsalita
At mukang madaldal din naman pala

Okay siya kasama
Masiyahin kung minsan
Tahimik lang kadalasan
Ganito talaga ata siya

Mapupuna mo na lang nasa isang tabi
Nagmumuni-muni na tila ba ay may iniisip
Tipong mapapatingin ka at mapapaisip
Ba ka ganito lang siya umidlip

Ang sarap mo pagmasdan
Tipong gumagaan ang katawan
Hanggang sa ito'y dalin sa kalawakan
Isipan ay ikaw ang laman

Mga ngiti ay nakakaligaya
Matang ikaw ay mabibihag niya
Ngiting mapapatingin kang talaga
At sa pagkilos niya ay mapapahinto ka.

Ugali niya ay hahangaan mong talaga
Dahil ibang iba ang pinapakita
Damang dama ang pagkamaalalahanin niya
Masasabi mong kakaiba siya sa nakilala

Sana kung ano ka noong una
Ganoon pa rin kita makilala
Hanggang sa muli nating pagsasama
Walang magbabago sa ugaling ating pinakita

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula Ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon