Ano ba ito?
Nakakapanibago naman hindi ko maipaliwanag.
Bakit ganon tatawa ba ko na matutuwa at magsasaya para dito?
Pero bakit may takot na may pangamba.
Eto na naman ako ramdam ang dati nang unang kaba.
Kaba na hindi mo mawari kung ikakanta mo na ba.
Nagpipigil ako.
Tinatanya ko.
Kung kailan ba dapat pasabugin ang nahimlay na tinagong pagasa.
Kailan nga ba?
Hala sige hahayaan na lang ba?
Pano nga ba?
Babanat na sana kaso ba ka hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Yung iniisip ay pinalitan nang iba.
Iniwas ang linya para mabaling sa iba.
Istorya talaga.
Yun na sana pero umatras pa.
Panahon ang mag tatantya.
Oo bahala na.
Basta ngayon nakangiti, sobrang saya.
BINABASA MO ANG
Tula Ng Nakaraan
PoetryMga tula na nilikha Mga tula na hugot ng damdamin Mga tula na mula sa pusong kinimkim Na dapat ay sinalita Ngunit nasaan ka na sinta Para sayo ito, mahal kita Paulit ulit pa ring nagmamahal Ang pusong laging nasusugatan Ang pusong patuloy na umaasa ...