Chapter one ---
Isang linggo na ang nakakaraan nang mangyari ang malawakang pagsabog sa San Nicholas pero sariwa pa rin sa ala-ala ni Joshua ang pangyayaring iyon. Hindi nya kasi inaasahan na magkakaroon ng trahedya matapos ang pagdalaw nya sa kanyang tiyo para maki'pista. Mabuti na lang at walang nasaktan sa kanyang mga kamag-anak pero nabalitaan nya na namatay ang brgy chairman ng mga ito.
Subalit ang mas hindi nya inaasahan ay nang makapulot siya ng puting brilyante.
Tumatakbo sya noon palayo sa pagsabog nang bumagsak sa kanyang harapan ang brilyanteng ito.
Kasalukuyan nyang tinitignan ang napulot na brilyante nang masulyapan nya si Eumi mula sa labas ng kanilang bahay.
Si Eumi ang kanyang kababata at kaibigan. Matagal na syang may gusto dito pero alangan syang magsabi ng kanyang nararamdaman at palaging natotorpe kapag kaharap nya ito. Isa pa, natatakot syang baka masira ang pagkakaibigan nila tulad ng nangyari kay Ricky. Kaibigan nila ito ni Eumi pero nung magtangkang manligaw ito kay Eumi ay iniwasan na sya nito. Ayaw nyang ganun din ang mangyari sa kanila kaya kontento na sya sa estado ng relasyon nila ngayon.
Mabilis nyang itinago ang hawak na brilyante at tinawag si Eumi.
Joshua: "Eumi, sandali lang!" humarap naman ito sa kanya.
Eumi: "O, bakit?"
Joshua: "Wala lang. Sasabay lang sana ako sa'yo. Saan ka ba pupunta?"
Eumi: "Dyan lang naman ako sa kabilang tindahan. May bibilhin lang ako."
Joshua: "Tamang tama, may bibilhin din ako." pagdadahilan nya.
Eumi: "Kaw talaga! Kung hindi lang kita kilala ay iisipin kong stalker kita e!"
Joshua: "Hehe, hindi naman,"
Habang naglalakad ay biglang may napansin si Eumi na isang tao sa tapat ng tindahang pupuntahan nila.
Sinabihan nya si si Joshua na magtago sila. Hindi naman maunawaan ni Joshua ang dahilan pero hinila sya nito para magtago.
Joshua: "Ano bang nangyayari, Eumi?"
Eumi: "HAAY! Hindi mo ba nakita? Nasa tapat ng tindahan ang magaling mong kaibigan na Ricky! Sigurado akong kukulitin nanaman nya ako kapag nakita ako. Ilang beses ko na nga syang binabasted pero mapilit pa rin talaga sya kahit sinabi kong wala talaga syang pag-asa!"
Joshua: "Bakit hindi mo sya magustuhan? Mabait naman sya e, at isa pa, seryoso talaga sya sa'yo,"
Eumi: "Yun na nga e! Mabait nga sya pero naiirita talaga ako sa paulit-ulit nyang panunuyo at pagbibigay ng kung anu-ano. Ikaw na nga ang magsabi sa kanya na wala talaga syang pag-asa sa'kin,"
Joshua: "OK! Sandali lang at sisilipin ko kung umalis na sya," tinignan nya ang tindahan at nakita nyang wala na si Ricky doon. "Wala na sya, Eumi, pwede na tayong lumabas."
Eumi: "Dalian natin, baka bumalik pa sya." dahil sa pagmamadali ay natapilok pa sya, mabuti na lang at mabilis syang nasalo ni Joshua. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. "S-salamat, Josh."
Joshua: "ah. . . Walang anuman."
Nagpunta na sila sa tindahan. Bumili si Eumi ng isang supot ng harina at asukal habang si Joshua ay iniisip pa kung ano ang kanyang bibilhin. Naisipan na lang nya na bumili ng dalawang bote ng softdrinks. Iniabot nya kay Eumi ang isa.
Eumi: "Ay, naku, wag na, Josh."
Joshua: "Sige na. Dalawa na ang nabili ko e. Kakahiya naman kung ibabalik ko pa ang isa."
Eumi: "Siga na nga, salamat. Baka gusto mong pumunta mamaya sa bahay? Magba'baked kasi ako ng mga cookies ngayon."
Joshua: "Aba, syempre naman. The best yata ang mga Cookies mo!"
Eumi: "Bolero ka talaga! Sige salamat sa panlilibre mo, mauna na ako."
Joshua: "Ihahatid na kita,"
Eumi: "Wag na Josh, ilang metro lang naman ang layo ng bahay ko dito."
Joshua: "Sige, pupunta nalang sa inyo mamaya."
Eumi: "Aasahan ko yan ah? Sige, maya na lang ulit, BYE!"
Sinundan na lamang ng tingin ni Joshua ang paalis na si Eumi.
Isasauli na sana niya ang bote ng softdrinks pero bigla syang nabigla nang makita ang isang nakakatakot na babae sa loob ng salamin ng tindahan.