Napabalikwas ng tingin si Joshua sa kanyang likuran at tinignan ang nakakatakot na babaeng nakita nya sa salamin pero wala syang makita. Nang humarap naman sya sa salamin ay hindi na rin nya ito nakita. Ipinagsa walang kibo na lamang nya ito at inisip na guni-guni lang ito. Nagpasya na syang umalis sa lugar na iyon.
Si Eumi naman ay masayang umuwi. Hindi nya alam kung bakit ganun ang kanyang pakiramdam kapag kasama si Joshua. Hindi naman nya ito nararamdaman sa mga manliligaw nya lalo na kay Ricky. Parang naiinis sya sa paulit-ulit nitong panunuyo sa kanya kahit ilang beses nya itong binasted. Humarap sya sa salamin. Parang kay Joshua lng talaga siya masaya pero hindi naman ito nanliligaw sa kanya. Isa pa, ayaw rin niyang suriin ang nararamdaman. Natatakot syang maranasan ang dinanas noon ng kanyang ina mula sa kamay ng kanyang walang hiyang ama.
Apat na taon pa lang sya noon nang makagisnan ang araw araw na pagmamalupit ng kanyang ama sa kanyang ina. Lagi nyang naririnig at nasasaksihan ang paulit-ulit na pananakit at pambubugbog nito sa nanay nya. Nang hindi na sila nakatiis ay umalis sila pero ang pangyayaring iyon ay nag-iwan ng trauma kay Eumi na baka mangyari rin iyon sa kanya kaya natakot na syang umibig. Yun ang dahilan kaya lahat ng nanliligaw sa kanya ay kaagad nyang binabasted.
Nakapag-asawa uli ang kanyang ina ng isang seaman. Biyudo ito at may isa ring anak na babae na mas bata kay Eumi ng dalawang taon.
Dito nya naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang ama. Napakabait nito at maalalahanin.
Ngunit hindi pa rin nawawala ang kanyang takot na dala ng kanyang nakaraan. Ayaw nyang umibig at pagkatapos ay pagmamalupitan lang sya.
Nagbalik ang kanyang kamalayan sa kasalukuyan. Bahagya nyang sinusuklay ang kanyang buhok nang maramdaman ang pagdapo ng malamig na hangin sa kanyang katawan. Bigla syang nakaramdam ng kakaibang kaba. Naramdaman nyang parang may papalapit sa kanya. Buong pagkabigla nya itong nilingon.
Anna: "Sorry ate, nagulat ba kita?"
Eumi: "Ikaw lang pala yan Anna. Akala ko ay kung sino na?"
Si Anna ang step sister ni Eumi.
Anna: "Si Ricky kasi, nasa labas kanina, hinahanap ka."
Eumi: "Anong sinabi mo sa kanya?"
Anna: "syempre sinabi kong wala ka. Alam ko kasing ayaw mo sa kanya."
Eumi: "Salamat. Ewan ko ba sa taong yun?! Masyadong makulit! Ilang beses ko na ngang iniiwasan eh!"
Anna: "Ako nga rin ay naiirita na sa paulit-ulit nyang pagpunta rito sa bahay. Mukhang tinamaan talaga sya ng husto sa'yo."
Eumi: "Kahit sya nalang ang huling lalaki sa mundo ay hinding hindi ko sya magugustuhan!"
Anna: "Taray! Me ganon?"
Eumi: "Me ganon!"
Anna: "Ay, diba magba'baked ka ng cookies? Excited na ako, matagal na rin kasi nung huli kong natikman ang gawa mo."
Eumi: "kaw talaga! Halika na nga at tulungan mo ako sa pagba'baked."
Anna: "Sure!"
Pumasok silang dalawa sa kusina.
Nang mga oras naman na yon ay nag-aayos ng kanyang sarili si Joshua. Hawak pa rin nya ang puting brilyanteng napulot.
Joshua: "Ito siguro ang magdadala sa'kin ng swerte! Baka bigyan ako nito ng lakas ng loob para makapagtapat ako kay Eumi."
Para namang nakarinig siya ng mahinang bulong pero nakakakilabot ito.
"Ang swerteng dala nyan ang maghahatid ng kapahamakan sa mga minamahal mo!"Ani ng boses.
Lumingon sya pero wala syang ibang makita kundi ang kanyang ina habang naglilinis. Masaya itong kumakanta habang nagwawalis.
Joshua: "Baka si mama lang yun?" Bulong nya.
Di nalang nya yun pinansin at sa halip ay pinagpasyahan na nyang dalawin ang dalaga.
Kinakabahan naman sya ng nasa tapat na sya ng gate ng bahay nito. Sinuri muna nya ang kanyang hitsura bago nya pinindot ang doorbell.
Joshua: "Dapat pala, nagdala ako ng mga bulaklak." pabulong na sabi nya.
Ilang sandali lang ay may nagbukas ng gate. Si Eumi.
Eumi: "tamang tama, katatapos ko lang magbaked, pasok ka na sa loob."
Joshua: "Ah. . . Eh . . . Salamat,"
Pumasok si Joshua. Pinaupo sya ni Eumi sa tapat ng Dining table katabi ni Anna.
Joshua: "saan nga pala si tita?" na ang tinutukoy ay ang ina ni Eumi.
Eumi: "Wala si mama dito ngayon, nakiramay sa isa naming kamag-anak na namatay sa probinsya."
Anna: "Kaming dalawa lang ni ate ang nandito ngayon."
Joshua: "Di ba kayo natatakot na pasukin ng magnanakaw?"
Eumi: "Subukan lang nila!"
Joshua: "Basta kung may panganib, darating ako agad para tulungan kayo! Asahan nyo yan."
Anna: "Wow, knight and shining armor."
Ngumiti naman si Eumi sa narinig nya kay Joshua. Hindi nya alam kung bakit pero tila ligtas nga sya basta't kasama ito.
Nagpaalam muna sya sandali upang pumunta sa kusina.
Kinausap naman ni Anna si Joshua.
Anna: "alam mo bang ikaw lang talaga ang tanging lalaking pinapasok dito ni Ate? Alam kong may gusto ka sa kanya kaya bakit hindi mo sulitin ang pagkakataong ito para magtapat sa kanya?"
Joshua: "Ha? Ano ba'ng sinasabi mo dyan Anna?"
Anna: "Sus, Kunwari ka pa. Matagal ko nang napapansin na may special feelings ka kay Ate kaya wag ka nang mag-kaila. Wag kang mag-alala, sa tingin ko naman ay may gusto sya sa'yo."
Joshua: "Sigurado ka ba dyan, Anna? Baka kasi matulad ako kay Ricky? Alam mo naman diba noon na nakakabonding pa namin si Ricky pero nang nagtapat sya ay di na sya pinansin ni Eumi. Ayokong mangyari din sa'kin yon."
Anna: "Ovious naman kung bakit iniiwasan ni ate si Ricky. Napakakulit nito. Alam kong hindi ka mabibigo kaya magtapat ka na kay Ate. Go go go, kaya mo yan."
Ilang sandali lang ay dumating na si Eumi dala ang mga cookies para sa kanila.
Eumi: "Sorry kung pinaghintay ko kayo."
Anna: "Ay, pasensya na ate, aalis nga pala ako ngayon. Bibisitahin ko pala ang kaibigan ko."
Eumi: "sayang naman. Akala ko'y makakasabay ka namin."
Anna: "Sorry talaga ate. Tirhan mo nalang ako mamaya." pagkatapos ay tumayo na sya. Kinindatan muna nya si Joshua bago umalis.
Napaupo naman si Eumi sa tabi ni Joshua.
Eumi: "Sana magustuhan mo, Joshua."
Joshua: "Syempre naman," sabay tikim. "Napakasarap talaga. The best ang cookies na ito. Kaya naman. . ."
Eumi: "Kaya naman ano?"
Joshua: "Uhm. . . may sasabihin sana ako sa'yo."
Eumi: "Ano yun?"
Pinipilit ni Joshua na lakasan ang kanyang loob para sabihin ang kanyang nararamdaman dito.