Halos ikabigla ni Eumi ang sinabi ni Lei pero kaagad ring napawi ang kanyang pag-aalala nang ipaliwanag ng kanyang kausap ang mga nangyari. Halos hindi naman sya makapaniwala sa mga sumunod na sinabi nito.
Lei: "Nasa morgue si Joshua dahil dinala na doon ang nanay nya. Patay na ito."
Eumi: "Pero paano? Anong nangyari?"
Lei: "Sinusubukan raw tignan ni Aling Janna(nanay ni Joshua) ang kanilang powersupply dahil nawalan sila ng ilaw. Nang tignan daw nya ito ay aksidente nyang nahawakan ang isang nakausling linya ng kuryente kaya sya nakuryente at nasunog. Ang isa pang ikinamalas ni aling Janna ay nang mabagsakan pa sya ng salamin na nakapatong lang sa taas nila. Nabasag ang salamin at bumaon ang maliliit na piraso sa katawan nya. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang ibang mga detalye."
Nakaramdam ng matinding pagkaawa si Eumi kay Joshua. Alam nyang dumaranas ito ngayon ng matinding kalungkutan at pagluluksa. Gusto nyang damayan ito ngayon sa ganitong sitwasyon.
Eumi: "Ah, alam mo ba kung saang morgue naroon si Joshua?"
Lei: "Ay, pasensya na, hindi ko alam eh pero sa tingin ko ay darating na rin sila dito mamayang hapon para iburol si aling Janna. Hintayin mo na lamang sila."
Eumi: "Ganun ba? Sige, salamat."
Walang nagawa si Eumi kundi ang maghintay.
Mga bandang hapon nga ay inayos na ang pagbuburulan ng ina ni Joshua. Ilang sandali lamang ay dinala na ang patay sa burol. Sa tabi ay naroon si Joshua. Hindi naman maipaliwanag ni Eumi ang nararamdaman nang makita nya ito. Mababakas sa mukha nito ang matinding kalungkutan at hinagpis. Kahapon lamang ay si Joshua pa ang nagpapagaan ng kanyang loob kaya sya naman ngayon ang magpapagaan ng loob nito.
Hindi naman naramdaman ni Eumi ang paglapit sa kanya ni Anna.
Anna: "Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Joshua, ate. Simula nang ipanganak ako ay namatay ang aking ina. Alam ko ang pakiramdan ng walang nanay. Napakalungkot ng buhay ng wala kang masasandalan at maiiyakan. Kaya nga laking pasasalamat ko nung dumating kayo sa buhay namin ni papa.
Nagkaroon ako nang panibagong ina at kapatid. Nagkaroon ng sigla ang buhay ko. Pero mas matindi ang pinagdadaanan ngayon ni Joshua. Kailangan nya ng masasandalan para sa mga ganitong sitwasyon."
Eumi: "Kaya nga kailangan nating ipakita sa kanya na hindi sya nag-iisa. Na may karamay sya."
Anna: "Tara na. Puntahan natin sya."
Sumang-ayon si Eumi sa sinabi nito.
Nang marating nila ang bahay ni Joshua ay ang ama lamang nito ang kanilang nakita. Nagdadalamhati ito sa pagkamatay ng asawa.
Eumi: "Condolence po sa inyo, tito Manuel."
Anna: "Condolence din po,"
Manuel(tatay ni Joshua): "maraming salamat sa inyo."
Eumi: "ah, nasaan po si Joshua?"
Manuel: "Nasa taas. Siguro ay ayaw nyang makita ng ibang tao ang kalungkutan nya. Pilit nya itong kinikimkim sa kanyang sarili. Ganun talaga si Joshua kapag malungkot. Sinasarili lang mag-isa ang problema. Ni hindi pa nga yata sya kumakain simula pa kagabi,"
Eumi: "H-ho? Baka po mapa'no sya?"
Hindi maiwasang mag-alala ni Eumi. Pero ang hindi nya alam ay nagsasarili pala si Joshua kapag nalulungkot.
Sa totoo lang ay si Eumi ang lumalapit noon kay Joshua kapag nalulungkot sya. Handa naman itong damayan at pasayahin sya.
"Oo nga. Ni minsan ay hindi man lang lumapit noon si Joshua sa akin kapag nalungkot sya. Ni hindi ko nga alam na dumanas ng problema dati si Joshua. Puro kasi sarili ko lang ang iniisip ko kaya hindi ko man lang alam ang bagay na 'yon." sa isip ni Eumi.