Chapter six

444 7 0
                                    

Binuksan ni Joshua ang pinto ng kanilang bahay pero nagtataka sya kung bakit napakadilim ng loob. Pinindot nya ang switch ng ilaw pero ayaw bumukas.

Joshua: "MA? Nandyan ka ba? Bakit parang walang kuryente? Hindi ba kakabayad pa lang natin nung isang linggo?" anya pero walang sumasagot.

Kumuha sya ng flashlight at inilawan ang buong paligid.

Maya-maya ay nakaamoy sya ng parang nasusunog.

Joshua: "Anong amoy yun? Parang may iniihaw? Saan na ba kasi si Mama at bakit walang tao dito?"

Nanggagaling ang amoy sa taas ng kanilang bahay. Kinutuban kaagad sya na baka nasusunugan na sila kaya bigla syang umakyat.

Binuksan nya ang isang kwarto ng kanilang bahay at laking gulat nya nang tumambad sa kanyang harapan ang laman ng kwartong iyon.

Samantala ay may kumakatok naman sa kwarto ni Anna.

Anna: "Sino yan?"

Eumi: "Ako 'to si Eumi. Pwedeng pumasok?"

Anna: "Sure, Ate. Hindi naka' lock yang pinto."

Pumasok sya sa loob at umupo sa tabi ng kama ni Anna.

Eumi: "Pwedeng dito muna ako matulog sa kwarto mo? Medyo natatakot pa rin kasi ako e. Ok lang ba?"

Anna: "Ok lang ate, walang problema."

Eumi: "Thanks," tumabi sya kay Anna.

Anna: "A, ate, tapatin mo nga ako, may espesyal na pagtingin ka ba kay Joshua bukod sa pagiging kaibigan lang?"

Eumi: "H-ha? Bakit mo naman naitanong yan?"

Anna: "Wala lang! Para kasing napaka' special ni Joshua sayo."

Eumi: "Kung anu-ano yang tinatanong mo ha?"

Anna: "Please, Ate, sagutin mo na yung tanong ko."

Eumi: "Uhm, kasi medyo parang higit pa nga sa friend ang tingin ko sa kanya."

Anna: "Ibig sabihin ay may gusto ka sa kanya?"

Eumi: "Ha? A . . E . . Uhm, kuwan, kasi . . ."

Anna: "Ang O.A ng reaction mo ha? Parang simpleng tanong lang ay nagkakaganyan ka na?"

Eumi: "Ikaw naman kasi e! Kung anu-ano yung tinatanong mo?"

Anna: "Andali lang naman sagutin nun e. But ano nga yung sagot mo? Sige na, wala namang ibang makakaalam e."

Eumi: "Ewan ko rin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kapag kasama ko sya ay lagi akong masaya. Parang safe ako kapag magkasama kami. Yung feeling na may nagtatanggol sa'yo. Nandyan sya kapag nalulungkot ako. Parang ayokong lumipas ang araw na hindi sya nakikita."

Anna: "Ayiie! It's a crazy little thing called love, ate! Inlove ka nga kay Joshua!"

Eumi: "PERO ayokong pasiguro sa nararamdaman ko! Nandito pa rin ang trauma na dulot ng aking nakaraan."

Anna: "Iniisip mo pa rin ba ang pambubugbog noon ng iyong ama sa iyong ina? Kay Mama? Natatakot kang maranasan mo rin kung ano ang naranasan nya? Sa tingin mo ba ay katulad si Joshua ng iyong ama? ATE! Magkaibang magkaiba silang dalawa!"

Eumi: "Alam ko! Hindi naman yun ang pinupunto ko e, ayoko lang kasing tuluyang ma'inlove kay Joshua at patuloy na umasa na mahalin nya rin ako at pagkatapos ay masasaktan lang ako sa bandang huli. Mas masakit pa iyon kesa sa anumang pisikal na sakit na mararanasan ko."

Anna: "Makinig ka ate, mahal na mahal ka ni Joshua kaya hindi ka nya magagawang saktan!"

Eumi: "Ano? Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Ni hindi nga sya nanliligaw sa akin eh kaya imposible yon!"

Anna: "Kung Joke yung sinabi ko edi sana ay tumawa ka na, kaso hindi e kaya ang ibig sabihin ay totoo ang sinasabi ko. May gusto sya sa'yo at Kaya hindi ka nya maligaw-ligawan ay dahil natotorpe sya. Saka natatakot din sya na baka matulad rin kay Ricky ang samahan nyo kapag niligawan ka nya. Ayaw nya kasing iwasan mo na sya kapag binasted mo e."

Eumi: "Ha? Hindi ko naman gagawin yun no!"

Anna: "Ibig sabihin ay sasagutin mo sya kapag niligawan ka nya?"

Eumi: "Uhm, BASTA!"

Anna: "Asus! Pakipot ka pa! Kanina ka pa nga namumula at kinikilig dyan habang pinag-uusapan natin siya e!"

Eumi: "Uy, hindi a!"

Anna: "Deny pa nga e halata naman,"

Eumi: "Bahala ka nga dyan! Ewan ko sa'yo!" at nagtalukbong sya ng kumot.

Anna: "Haha guilty! Baka within this week ay mababalitaan ko na lang na mag-on na kayo."

Hindi makapagsalita si Eumi. Waring kinikilig sa mga sinabi ni Anna.

arang hindi matumbasan ang saya na kanyang nararamdaman. Wala ngang duda. May gusto nga rin siya kay Joshua.

Nakatulog na lang sya na si Joshua ang iniisip.

Kinabukasan pagkalabas pa lang ni Eumi ng kanilang bahay ay napansin na nya ang napakaraming taong nakapaligid at nakikiusyoso sa labas ng bahay nina Joshua. Agad syang lumapit at inalam ang dahilan.

May nakita syang mga pulis na tila ba nag-iimbestiga sa loob ng bahay nila Joshua.

Kinausap nya ang isang kakilala ni Joshua na si Lei at tinanong kung ano ang nangyayari.

Halos ikinabigla naman niya ang sagot nito.

Lei: "Si Joshua, nasa morgue!"

Diablo-(complete series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon