Eumi: "Ano ba, Joshua? Kanina ka pa natatahimik. Ano ba yung gusto mong sabihin?"
Joshua: "Uhm. . . Kasi. . . Ah . . . pwede ba kitang yayain para mag'picnic sa park? Napansin ko kasi na napakaganda ng panahon para magpicnic sa labas."
E...umi: "Akala ko ay kung ano na yung sasabihin mo? Sure, pwede tayong magpicnic sa park."
Joshua: "Talaga?"
Eumi: "oo naman. Pwede akong magbaon ng mga cookies at ibang mga pagkain. Gusto mo bang may kasama pa tayo?"
Joshua: "Ikaw ang bahala."
Eumi: "Wala rin yata akong mayayayang sumama sa atin. Baka ikaw, may isasama ka ba?"
Joshua: "Wala rin. Baka tayong dalawa lang."
Eumi: "sige. Mamayang hapon ay magkita tayo sa park."
Joshua: "Dadaanan na lang kita dito mamaya."
Eumi: "OK"
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpaalam na si Joshua.
Nasa labas na sya ng gate nila Eumi ngunit iniisip pa rin nya kung bakit hindi pa sya nagtapat kanina.
Joshua: "Di bale, mamaya ay sinisigurado kong masasabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman." sa isip nya.
Nang makauwi ay napahiga sya sa kanyang sofa. Hindi nya namalayang nakaidlip pala sya.
***
Tata Isko: "Hawak mo ngayon ang isang sumpa! Hindi ka tatantanan ni Helga hangga't nasa iyo yan! Pero hindi ka nya masasaktan hangga't hawak mo ang instrumentong iyan na magkukulong sa kanya! Ngunit binabalaan kita. Maaari nyang kunin ang mga minamahal mo sa buhay, maisuko mo lamang ang brilyante!"
Joshua: "Anong ibig nyong sabihin? Di ko kayo maintindihan?"
Tata Isko: "Ang Diablo na si Helga, ang salamin ng nakaraan. Ang hahabol sa'yo kahit hanggang kamatayan! Kailangan mong mailagay ang brilyante sa bago nyang kulungan bago mahuli ang lahat! Mag-iingat din sa salamin, iyon ang pinagmumulan ng kanyang kapangyarihan!"
Biglang nagising si Joshua.
Joshua: "What the . . ? Nakatulog pala ako. Kakaiba naman yung panaginip ko. Nasa akin ang sumpa? Haay, ewan. Wag ko nang masyadong isipin yun, teka, anong oras na ba?" Nang tingnan nya ang wall clock ay pasado alas tres na ng hapon. "Maaga pa pala. Mamayang 4:30 ay susunduin ko na si Eumi."
Bumangon sya para maghilamos. Patuloy pa rin nyang iniisip ang tungkol sa kanyang panaginip. Hindi nya kilala ang taong nagbigay sa kanya ng mensahe at babala tungkol sa salamin pero pinag-iingat sya nito at ang mga mahal nya sa buhay. Bigl...ang naalala ni Joshua ang pangyayari kung saan may nakita syang isang nakakakilabot na babae sa salamin ng tindahan. Ayaw paniwalain ni Joshua ang kanyang sarili sa mga ganung klaseng bagay.
Patuloy pa rin sya sa paghihilamos nang mapansin nyang parang may dumaang malamig na hangin sa kanyang likuran.
Joshua: "Bakit nakabukas ang pinto ng banyo? Sinarado ko ito kanina ah?" pagtataka nya.
Kaagad nyang pinunasan ang kanyang mukha at saka lumabas pagkatapos ay isinara na nya ang pinto ng banyo.
Ilang sandali pa ay inasikaso na nya ang lahat ng dadalhin para sa picnic date nila ni Eumi.
Joshua: "Sa tingin ko ay nadala ko na ang dapat na dalhin. Syempre, hindi ko na nakalimutang magdala ng mga bulaklak."
Eksaktong 4:30 na nang dumating si Joshua sa bahay nila Eumi. Pinindot nya ang doorbell at mayamaya ay lumabas na si Eumi na may bitbit na basket.
Eumi: "Ano? Tara na?"
Joshua: "Oo naman,"
Eumi: "Teka? Bakit hindi tayo mag'bike papunta sa park?"
Joshua: "Aba, magandang ideya nga yan. Sandali lang at kukunin ko ang aking bike,"
Umalis sandali si Joshua at nang makabalik ay dala na nya ang kanyang bike.
Joshua: "Let's go?"
Eumi: "GO! Paunahan tayong makarating dun." sabay pedal.
Joshua: "Teka, hintayin mo 'ko,"
Eumi: "Haha, ang mahuli talo."
Joshua: "Ganun ha," binilisan nya ang pagpepedal. " Paano ba yan, ako na ang nauuna?"
Eumi: "Hoy! Mag-iingat ka, baka bumangga ka?"
Joshua: "Akong bahala,"
Naunang nakarating sa park si Joshua bago si Eumi.
Eumi: "Ang daya, naunahan mo ako!"
Joshua: "Haha, hindi mo ako matatalo pagdating sa biking."
Eumi: "Haha! Oo nga eh, tara, humanap na tayo ng pwesto para sa picnic natin,"
Joshua: "Go!"
...
Naglakad sila at sandali lang ay Nakahanap sila ng isang puno kaya napagpasyahan nilang doon na lang magpicnic sa lilim nito. Naglatag sila ng blanket at inilapag doon ang mga dala nila.
Eumi: "Dapat ay hindi ka na nagdala ng mga pagkain. Marami na kasi ang nadala ko para sa ating dalawa."
Joshua: "Ayos lang. Kakahiya naman kung ikaw lang ang magdadala. Sya nga pala, flowers for you."
Eumi: "WOW, thanks. Ang ganda naman nito."
Patuloy lamang pinagmasdan ni Joshua si Eumi habang hawak ang mga bulaklak. Talaga namang napakaganda nito habang pinagmamasdan nya ang babae.
Eumi: "Bakit Josh? May dumi ba ako sa mukha?"
Joshua: "Ha? Ah . . . Wala naman. Baka kasi gusto mo ng tuna sandwich?"
Eumi: "Mukha ngang masarap yan. (tinikman nya ang sandwich) mmmm. . . . Masarap nga!"
Joshua: "Salamat at nagustuhan mo. Ako mismo ang nag prepare nyan para sa'yo. Saka . . . May sasabihin din pala ako sa'yo."
Eumi: "Tungkol saan?"
Joshua: "Tungkol sa ating dalawa. . . Kasi . . ."
Pero bigla na lamang nagpakita si Ricky sa kanilang harapan.