Chapter Ten

336 7 0
                                    

Kinaumagahan ay pinagmamasdan ni Eumi ang mga masasayang larawan nilang pamilya. Yun ang paraan nya upang kahit papaano'y mabawasan ang kanyang lungkot.

Hawak nya ang isang picture ni Anna nang bigla na lamang may umihip na hangin. Nilipad ang picture na ito at napunta sa sahig. Tatayo na sana siya upang pulutin ito nang bigla na lamang nabagsakan ng maliit na salamin ang picture na i

to.

Nabasag ang salamin at kitang kita nya ang isang maliit na bubog habang nakatusok sa mismong larawan ni Anna.

Kinutuban ng masama si Eumi kaya mabilis syang lumabas ng bahay upang hanapin si Anna.

Nasa labas na sya ng kanilang bahay nang makita nya si Joshua. Naglalakad ito at dadaan sa kanyang direksyon. Malamlam lang ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi alam ni Eumi ang gagawin. Hindi nya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Parang ayaw nyang lapitan ito at tuluyan na syang iwasan ni Joshua.

Lumampas na si Joshua sa kanya nang hindi man lang sya kinakausap.

Eumi: "S-sandali," pinilit nyang sabihin.

Huminto naman si Joshua sa paglalakad at humarap kay Eumi pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata nya.

Eumi: "y-yung tungkol sa nangyari kahapon, pasensya ka na sa pakikialam ko Josh pero sa totoo lang ay nag-aalala talaga kami ni Anna sayo. Hindi namin ginusto ang nangyari sa mama mo. Pero sana naman ay huwag mong kalimutan ang iyong sarili. Nag-aalala kami ni Anna kahapon na baka kung ano ang mangyari sa'yo kaya ka namin pinuntahan pero kung ipagtabuyan mo kami ay para kaming iba sa'yo! Alam kong nalulungkot ka dahil sa sinapit ng mama mo at ni Ricky at nalulungkot rin ako sa nangyari sa kanila. Gusto kong samahan ka sa mga lungkot na nararanasan mo! Gusto kong damayan ka sa mga pinagdadaanan mo! Gusto ko uling makita ang dating Joshua na nakilala ko." biglang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Joshua: "Please, Eumi, layuan mo na lang ako. Ayoko nang may iba pang madamay dahil sakin."

Eumi: "Ano bang ibig mong sabihin? Di kita maintindihan?

Joshua: "Hindi mo na ito dapat malaman pa!"

Eumi: "Ano ang hindi ko na dapat malaman pa? Akala ko ba ay magkaibigan tayo? Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung ano nga ba talaga ang bumabagabag sa iyo?"

Joshua: "Kung ang kailangan kong gawin ay putulin ang pagkakaibigan natin, gagawin ko wag lang mangyari ang isang bagay na habangbuhay kong dadalhin sa aking isipan. Di ko alam ang aking gagawin kapag nangyari 'yon."

Eumi: "Gusto mo bang sabihin na da dahil sa pakikipagkaibigan mo sa'min ay hindi mo nailigtas ang iyong mama? Na dapat sana ay kasama mo ang iyong ina nung mga oras na kailangan ka nya? Gusto mong maghanap ng masisisi sa nangyari kaya ako ang sinisi mo, ganun ba?!"

Joshua: "Kasalanan ko ang lahat. Dahil sa'kin kaya napahamak si mama at pati na rin si Ricky! Dahil sa'kin kaya marami pang masamang mangyayari!"

Eumi: "Josh . . ."

Joshua: "Ako na ang nakikiusap sa'yo. Layuan mo na ako! Huwag mo nang dagdagan pa ang bigat na dinadala ko."

Eumi: "Sa tingin mo ba ay lalayo ako sa'yo ng ganun na lang?!"

Joshua: "Aalis na ako mamayang hapon. Pupunta ako ng San Nicholas at maaaring dun na ako tumira. Sigurado akong hindi na tayo magkikita kahit kailan!"

Nabigla si Eumi sa sinabi nito. Parang sa isang iglap lang ay mawawala na si Joshua sa kanya. Parang ayos lang kay Joshua na hindi na sila magkita. Parang ganun lang kadali para dito na kalimutan ang pagkakaibigan at mga pinagsamahan nila.

Diablo-(complete series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon