Chapter five

522 7 0
                                    

Nabigla si Eumi sa ibinalita ni Anna sa kanya. Patay na raw si Ricky.

Eumi: "Totoo ba yang sinasabi mo?"

Anna: "OO! Patay na sya!"

Hindi sya makapaniwala. Kahapon lamang ay nakasagutan pa nya ito sa park pero ngayon ay mababalitaan na lamang nya na patay na ito.

Eumi: "Paanong nangyari yun? Nagpakamatay ba sya?"

Anna: "Hindi! Naaksidente daw sya. Nadulas daw sya sa banyo at tumama ang mukha nya sa salamin. Kasalukuyan ay nasa morgue na ang bangkay nya."

Hindi makapagsalita si Eumi sa pagkabigla. Oo nga't gusto nyang mawala na si Ricky sa buhay nya pero hindi sa ganung paraan.

Mga bandang hapon ay ibinurol na ang bangkay ni Ricky. Kahit alam ni Eumi na patay na ito ay gusto pa rin niyang makita mismo ang bangkay nito upang maniwala sya.

Kasama nya si Anna papunta sa bahay nila Ricky. Kinakabahan sya habang papalapit sa bahay nito.

Anna: "Bakit ka nagkakaganyan, ate?"

Eumi: "Para kasing may kasalanan din ako kung bakit sya naaksidente."

Anna: "Wag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari sa kanya at wala kang kasalanan dun."

Eumi: "Sana nga,"

Nasa tapat na sila ng bahay nila Ricky ngunit nagdadalawang isip pa rin sya kung papasok pero hinila sya ni Anna sa loob. Napansin nilang naroon sa loob si Joshua habang nakaupo. Ang ina naman ni Ricky ay umiiyak habang hawak ang ataul ng anak. Nakaramdam ng matinding pagkaawa si Eumi.

Umupo sila sa tabi ni Joshua. Napansin naman nito ang kanilang pagdating.

Joshua: "Nandito pala kayo,"

Eumi: "Teka, umiiyak ka ba?" matapos makitang namumula ang mga mata nito.

Joshua: "H-ha?"

Eumi: "Alam kong umiiyak ka! Ibuhos mo lang lahat ng nararamdaman mo. Masakit talagang mawalan ng kaibigan."

Joshua: "Baka kasi sabihin mo na Kalalaking tao ko ay iyakin ako."

Eumi: "Hindi ka matatawag na tunay na lalaki kung hindi ka marunong umiyak!"

Joshua: "Siguro nga. Para kasing ang hirap paniwalaan ang mga nangyayari. Halos magkapatid na ang turingan naming dalawa ni Ricky. Sanggang dikit nga kami nyan eh. At yung nangyari kahapon ang kauna-unahang beses na nagtalo kami. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makipag-ayos at makapagpaliwanag sa kanya na mali ang inaakala nya tungkol sa ating dalawa at sabihing wala tayong relasyon kundi magkaibigan lang."

Eumi: "Kahit ako ay nalulungkot din sa pagkamatay nya. Kahit nung una ay naiinis ako sa kanya pero hindi pa rin maialis sa isipan ko na sana ay buhay pa sya ngayon."

Joshua: "Walang ibang dapat sisihin sa nangyaring ito kundi ako! Dapat ay ako na lang ang namatay at hindi sya! Napakawalang kwenta kong kaibigan!"

Eumi: "Wag kang magsalita ng ganyan, Josh! Alam kong may dahilan ang diyos kung bakit nangyari ito pero wag mong isisi sa'yo ang nangyari sa kanya!"

Joshua: "Kung nagawa ko lang sanang makapagpaliwanag sa kanya kahapon ay hindi na sana umabot pa sa ganito ang nangyari. Ngayon ay namatay sya na galit sa akin! Ni hindi ko nga magawang masilip ang bangkay nya eh!"

Eumi: "Kung may dapat sisihin sa nangyari kay Ricky ay walang iba kundi ako at hindi ikaw! Ang lahat ng ito ay nagsimula lang sa akin!"

Anna: "Pwede ba? Wag na nga kayong magsisihan ng sarili sa pagkamatay nya! Walang may gusto sa nangyari kaya Ang dapat nating gawin ngayon ay ang taos puso nating pakikiramay sa mga naulila nyang mahal sa buhay."

Eumi: "Tama ka nga, Anna! Kahit magsisi pa tayo ay hindi na maibabalik pa ang kanyang buhay. Ang mas kailangan ngayon ay ang pakikiramay natin kaya tayo nagpunta dito."

Anna: "Puntahan natin ang ina ni Ricky at personal na makiramay sa kanila."

Eumi: "Tara," Tumayo sila ni Anna. "Hindi ka ba sasama, Josh?"

Joshua: "Kayo na lang. Dito lang muna ako at magdadasal para sa kapanatagan ni Ricky."

Eumi: "Alam kong nalulungkot ka sa nangyari pero nakasisiguro ako na hindi ka sinisisi ni Ricky kung nasaan man sya naroroon."

Pagkasabi ay iniwan na nila si Joshua at lumapit sa ina ni Ricky na noon ay nakaupo na sa tabi ng bangkay anak.

Anna: "Condolence po sa inyo, tita Erica."

Eumi: "Ako rin po ay nakikiramay sa inyo."

Erica(nanay ni Ricky): "Maraming salamat sa inyo. Hindi ba't ikaw si Eumi?"

Eumi: "Ako nga po."

Erica: "Napakaganda mo palang bata kaya hindi kataka-takang magkagusto sa iyo ang anak ko."

Eumi: "Pasensya na po kayo kung hindi ko nasuklian ang pagmamahal nya."

Erica: "Ayos lang iyon iha. Sadya talagang hindi kayang pilitin ang puso na ibigin ang isang tao. Medyo hindi ko pa rin matanggap na wala na sya. Tanda ko pa noon, ikaw lagi ang bukambibig ng anak ko. Lagi nyang sinasabi na napakaswerte nya kapag naging nobya ka nya. Mula nang makilala ka nya ay lalong sumigla ang kanyang buhay. Parang nagkaroon sya ng inspirasyon na magsumikap. Pangarap nga nyang maging isang doktor balang araw at . . . At . . . At ang lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap lang! Wala na ang anak ko! Huhuhu!"

Hinawakan na lamang ni Eumi ang balikat ng ina ni Ricky at hindi nya rin napigilang lumuha. Tila ba nagsisisi sya kung bakit hindi nya binigyan ng pagkakataon noon si Ricky. Ang lagi lang nyang napapansin ay ang pagiging makulit nito sa panliligaw at hindi ang mga magagandang katangian nito.

Eumi: "ikinalulungkot ko po talaga ang nangyari sa kanya."

Tumango lamang ang ina ni Ricky.

Anna: "Saan na nga po pala ang papa nya?"

Erica: "Kasalukuyan ay inaayos na nya ang kanyang mga papeles para makauwi dito si Pinas. Nasa states kasi sya at nagtatrabaho."

Anna: "Ganun po ba?"

Eumi: "Maaari ho ba naming makita ang bangkay ni Ricky?"

Erica: "Pwede pero wag sana kayong mabibigla sa makikita nyo. Maaari kasing hindi nyo na sya makilala dahil sa nangyari sa kanya."

Lumapit sila Eumi sa kabaong nito. Unti-unti namang binubuksan ni Erica ang kabaong ng anak. Halos kilabutan naman sila Eumi sa kanilang nakita.

Diablo-(complete series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon