[Play multimedia.:)]
"Hope!"
Kinapitan ko siya sa braso niya.
"Please! Please Hope! Wag kang umalis!"
Huminga lang siya ng malalim.
"Daniel... Let me go."
Hindi ko alam kung anong nangyari sa buhay ko pagkasabi niya ng mga salitang yun. Para bang gumuho yung mundo ko. Hindi 'to pwede. Hindi 'to pwedeng mangyari...
"Hope! I beg you..." Lumuhod ako. "Please stay..."
Wala akong pakialam kung may mga nagtitinginang tao sa'kin ngayon. Wag lang umalis si Hope. Kaya kong ilatag ang pride ko sa sahig ng airport, at tapak-tapakan ng mga pasahero. Kailangan ko... Kailangan ko lang na... Na manatili siya sa tabi ko...
"I can do anything. Please stay, Hope. For me..."
"Bakit ka ba nagmamakaawa sa'kin, Daniel?" Sabi niya ng hindi pa rin lumilingon. "Ano bang gusto mong mangyari?"
"Hindi ko sinasadya yung sinabi ko dati! Please!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Gusto kong dito ka lang." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Gusto ko na dito ka lang sa tabi ko."
"Alam mo ba kung ilang taon ka na?" Lumingon siya sa'kin. "Tumayo ka nga."
Umiling ako.
"Hindi ako tatayo hanggang hindi mo sinasabi sa'kin na hindi ka aalis."
"Daniel. Please. You're a guy who's turning 18 in a couple of months. 14 pa lang ako. Sino ba ang dapat mas mature sa ating dalawa?"
"I... I need you."
"Daniel, you don't really need me." Tinitigan niya ako sa mata. "You don't."
"I do!" Sigaw ko sa kanya. "I do, Hope!"
"Daniel, wag ka nang umaktong bata." Huminga siya. "Malungkot ka lang. Kaya ka nagkakaganyan. Hindi mo ako kailangan. Masyado ka lang madaming problema. Wag kang magpaoverpower. Hindi ka lang okay."
"Yun na nga yun eh!" Huminga ako. "I'm okay... I'm okay... When you're with me... Seryoso ako... Hope... I..." Napahinga ako ng malalim. "I..."
"Ano? I want you to stay? I need you? Tapos anong sunod? I love you? Gusto mo bang ibangga ko yang ulo mo sa pillar ng Parthenon?" Pumikit siya. "Please, Daniel. Stop it. Let me go. Wag mo na 'kong pahirapan." Tumingin siya sa'kin. "Approximately 3 weeks. That's it. That's what we have. You can't love me within three weeks, Daniel. Be realistic. Tsaka ano? 4 years ang agwat natin. May sira ka ba sa ulo?"
"Hope..." Mangiyak-ngiyak ko nang sabi sa kanya.
"You're the craziest guy I've met."
"I need you..."
"Si Kath ang kailangan mo. Hindi ako."
Napapikit ako at tuluyan nang lumuha. Ano na ba ang nangyayari sa'kin ngayon? Binubuhay ko ba siya sa imahe ni Kath kaya gusto niya nang umalis? Parang gusto ko nang mamatay dahil sa lungkot at pangungulila...

BINABASA MO ANG
Dear Kath: His Letters of Chances [On-Hold]
Fanfiction"Bakit may mga bagay na kahit alam mong walang kasiguraduhan, pinipili mo pa ring ipaglaban?" BOOK 2 OF DEAR KUYA. ⒸBlackConverse12. 2014.