3rd Chance- Having Hope.

776 29 8
                                    

"Daniel, Daniel, ididischarge ka na daw ngayon." Ngumiti naman si Hope sa'kin. "Okay ka na ba?"

 

"Yup. Thank you." Ginulo ko yung buhok niya at inayos yung mga gamit ko.

Dalawang araw na ako dito sa ospital. Ngayon, ilalabas na nila ako. Medyo gumaan yung pakiramdam ko nang maglabas ako ng sama ng loob kay Hope. Hindi man siya nakikinig, gumaan ang pakiramdam ko nang magkwento ako sa kanya.

"Kuya Dee, pasyal naman tayo bukas oh. Please, please, please." Ngumuso naman sa'kin si Hope.

Naging close naman kami kahit papaano. Tinuring ko siyang nakababatang kapatid ko. Yung totoong nakababata. Minsan tinatawag niya akong Kuya Dee, minsan naman Daniel lang. Minsan, naaalala ko sa kanya yung kakulitan ni Kath. Namimiss ko man siya, at least hindi na ganun kalala tulad ng dati. Yung tipo na gusto kong mamatay para makasama siya. Yung pagkamiss ko sa kanya ngayon, medyo okay na. Dahil sinabi sa'kin ni Hope, masaya daw naman si Kath dun dahil tahimik na siya.

"Kuya Dee! Ano ba?!" Kumamot siya sa ulo niya. "Lalim na naman ng iniisip mo. Nagsabi na 'ko kay Mama. Okay na 'ko bukas. Magpapaalam ka pa ba?"

 

"Ano? Malapit na 'ko mag-19. Bakit ko pa kailangang magpaalam?" Kumunot naman ang noo ko. "Oh sige na, sige na. Papasyal tayo bukas."

 

"Yey!" Nagtatalon naman siya at niyakap ako. "Thank you!"

 

"Sige na, sige na." Ginulo ko ulit buhok niya. "San mo ba gusto?"

"Pub Kuya Dee! May narinig akong magandang puntahan. May live band. Dun na lang tayo. Please, please?" Huminga ako ng malalim. "Please Kuya Dee? Tsaka, first time tayo papasyal! Pwede na yun!"

 

"May magagawa pa ba ako?"

 

"Yey! Thanks Kuya Dee! Bait bait mo talagang Kuya!" Hinalikan niya yung pisngi ko. "Bukas, 6PM. Sunduin mo 'ko ha?!"

"Ano? Magpapasundo ka pa?" Napangiwit ako. "Kung kotse ko di ba?"

 

"Oh." Napatabon siya sa bibig niya. "Oo nga pala. Damaged pa. Sige! Itetext ko na lang sa'yo yung address!"

 

"Pano mo itetext eh wala ka pa ngang number ko?"

 

"Meron na akong number mo." Ngumiti siya sa'kin. "Stalker mo 'ko."

Nanlaki ang mata ko.

"Joke! Ene be nemen Keye Dee. You just freaked out." Ginaya niya yung ngiti ni Cheshire sa Alice in Wonderland. "You should've seen your face."

 

"Andyan ka na naman eh. English English, psh."

 

"Sir? Excuse me po." May pumasok na nurse. "I-didischarge na po namin kayo. Kung may mga tanong po kayo, pwede po kayong pumunta sa front desk namin."

Dear Kath: His Letters of Chances [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon