1st Chance- His Agony.

1.1K 31 0
                                    

Isang taon.


Isang taon na ang lumipas nang huli kong makita si Kathryne. Kinuha nila siya sa akin. Kinuha nila at inilayo. Tandang tanda ko pa ang araw noong ipinaglaban ko si Kath sa mga magulang niya. Sinabi kong hindi nila pwedeng ilayo si Kathryne pero pinagpilitan nila. Nagising na lang ako ng isang araw sa ospital, na wala na yung katawan niyang binabantayan ko. Wala ring iniwang trace ang mga magulang niya.


Niyukom ko na lang ang mga kamao ko sa t'wing naiisip ko ang mapait na alaalang iyon. Ni hindi ko man lang nagawa siyang ipaglaban.


Binuklat ko na lang ulit yung diary ni Kath. Oo, yung diary niya. Ang diary niyang naglalaman ng pinakamalaking sikreto niya.


Ang nararamdaman niya para sa'kin.


Nagtataka ako ngayon kung bakit kalian wala na siya, saka ko nakita ang diary?


Saka kong nalamang mahal niya rin ako?

 

Ang totoo, may diary din ako. At doon ko din nilalagay ang sikreto ko. Parehas na parehas kami. Ang pinagkaiba, sa bawat panimula niya na 'Dear Kuya', napapalitan ng 'Dear Kath'.

 

Para tuloy isang malaking sampal sa mukha ang lahat. Ganun ba talaga ako kamanhid at ang pagmamahal ng taong mahal ko ay hindi ko man lang makita? O sadyang pinipilit kong maging bulag?


Sa t'wing nararamdaman kong masaya kami at ayos, na para bang wala na kaming mahihiling pa, iniisip ko, na normal lang yun. Normal lang na maging masaya kami, protective at sweet sa isa't-isa dahil magkapatid kami.


Minsan naiisip ko kung ganun na ba ako kasamang tao. At ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko ay ang lubos kong pagmamahal sa kanya. Kasi hindi pwede yung ginagawa ko. At isa nang mabigat na parusa yung kaisipang hindi kami pwede sa huli.


Kaya sinulit ko na ang mga panahon habang kaya ko pang harapin yung kahihinatnan namin. Ako ang naglista ng pangalan niya sa fashion show noon para siya ang maging kapares ko. Ako ang gumawa ng kung ano anong kalokohan at excuses, makasama lang siya.


Minahal ko si Carmen. Pero siguro hindi lang talaga kami ang para sa isa't-isa. Nalaman kong niloloko ako ni Carmen pero di ko na sinabi. Wala naman akong karapatang magalit kasi ginamit ko lang siya.  Palabas lang ang lahat. Ang pagiging matamis ko sa kanya, ang pagdedepensa ko sa kanya. Isa lang iyong palabas at hindi ko siya mahal dahil si Kathryne ang mahal ko.


Nang malaman kong di ko siya kapatid, masaya ako. Pero nasaktan din ako dahil hindi ko na siya makakasama ulit. Alam kong ako lang ang makakapagprotekta sa kanya.


Isang taon na ang lumipas nang paulit-ulit kong binabasa ang mga entry niya. Isang taon akong nanghihinayang at isang taon na akong nangungulila.


Naiisip ko nga minsan na magpakamatay na lang. Sa ganoong paraan, magkakasama na kami. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Para bang andyan lang siya sa tabi, at sinasabing wag kong gawin yun. At sumusunod naman ako.


Death anniversary niya ngayon. Papunta ako sa ospital. Doon ko nilalagay lahat ng mga bulaklak na binibili ko. Doon sa mismong lugar na pinagluhuran ko. Doon sa lugar kung saan nawalan ng silbi ang buhay ko.


Nagbihis ako ng isang puting polo. Inayos ko ang buhok ko at nagsuot ako ng shades. Pagkalabas ko ng bahay ko, oo, bahay ko, bumili na muna ako ng isang bouquet ng bulaklak para dalhin sa ospital. At saka nagmaneho na. Gumising ako ng maaga para dito. May party kasi ang mga magulang ko mamayang gabi at kailangan kong pumunta.


Hindi ko pinansin yung mga tao sa paligid ko pagkapunta ko sa ospital. Kilala na kasi nila ako. Bumabalik ako dito buwan buwan. Para saan? Wala. Umuupo lang ako sa tapat nung kwarto ni Kathryne noon hanggang abutin ako ng madaling araw. Akala nga nung iba, nasisiraan na ako ng bait. Tumawag nga sila ng doktor noon para paalisin ako kasi delikado daw ako sa mga pasyente. Nakipagargumento naman ako doon sa doktor. Sabi ko, idedemanda ko yung ospital pag pinakailamanan pa nila ako. Kaya di na nila ako pinaalis.


"Hi Kath."


Umupo na lang ulit ako at binaba yung bulaklak sa sahig.


"Kamusta ka na? Wala na kasi akong balita sa'yo o sa mga magulang mo. Ayoko silang makita Kath. Galit ako sa kanila kasi nilayo ka nila sa'kin." Binuksan ko yung kape na dala ko. "Gusto mong kape? Oi, ako ang nagtimpla nito. Nilagay ko lang sa cup kasi di ba? Alangan namang magdala ako ng tasa dito. Nakakahiya kaya." Ininom ko yung kape. "Isang taon na. Ops. Wag mong sasabihing dapat na akong magmove-on." Inayos ko yung upo ko. "Sabi nila, everybody deserves a second chance. Pero di ko na kukuhain yung chance ko Kath. Kasi nangako na ako sa sarili ko na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa umatake na ang mga robots. Ikaw Kath? Second chance? Mabuhay ka kaya ulit? Yun na lang ang gawin mo sa chance mo kasi sigurado ako, magiging masaya na tayo sa pangalawang pagkakataon."


Tumayo na ako at nakita kong nakatingin silang lahat sa'kin. Di ko na lang sila pinansin.


"Daming chismosa't chismoso no Kath? Yaan mo na. Hindi kasi nila alam yung pakiramdam. Kath, alis na 'ko ha? Wag kang magtatampo. Okay? Yung mga dating magulang mo kasi, may paparty. Gusto ko nga silang batukan kasi mismong death anniversary mo pa. Parang hindi ka na nila nirespeto." Napabugtong hininga naman ako. "Mag-iingat ka dyan Kath ha? Pangako mo sa'kin yan. I love you." Hinalikan ko yung sahig at umalis na.






"Thank you all for coming. Sa tingin ko po ay hindi magandang ideya ang party na ito." Nagulat naman sila sa sinabi ko. "Death anniversary ngayon ng babaeng mahal ko at nakikita ko itong pagdiriwang na ito bilang isang malaking kawalang galangngan. Still, business matters pa rin ito kaya binabati ko ang mga magulang ko para sa kanilang tagumpay. Salamat sa pagsuporta at pagdalo."


Bumaba na ako ng podium at nagpaexcuse sa mga magulang ko. hindi maganda ang pakiramdam ko. Dapat nasa ospital pa rin ako ngayon at kwinekwentuhan si Kath. Pero nasaan ako? Nasa party ng mga magulang ko na di na siya binigyan ng respeto.


Umupo na muna ako sa hagdan para palamigin ang ulo ko. Napabugtong hininga ako. Kung nandito  lang sana si Kath, mapapakalma niya na agad ako. Tinanggal ko yung singsing na nasa daliri ko. Binasa ko yung salitang 'Forever' na encrypted doon. Wedding ring 'to. Nasaan ang kapares? Nakay Kath. 'Always' naman ang nakalagay sa singsing niya. Isinuot ko sa kanya nung hindi pa siya kinukuha sa'kin. Nabitawan ko naman yung singsing kaya yumuko ako para pulutin yun. Tiningnan ko yung singsing at parang nakita ko ang mukha ni Kathryne.


Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako ng dahan dahan sa likod ko. Natulala ako at napatayo na lang nang makita ko siya.


"Kathryne?"


Tumingin naman siya sa akin na parang nagtataka.


"Sino ka?"

Dear Kath: His Letters of Chances [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon