"Sino ka?"
"Hope!"
"Hope?" Tumingin ako dun sa babaeng tumawag sa kanya. Kinabig niya papalapit sa kanya yung babae.
Napatingin naman ako sa kanila. Pinikit ko yung mga mata ko at umiling. Anak ng kuto, Daniel. Ilang beses ka na bang naghahallucinate sa loob ng isang taon? Lumampas na sa isang libo?
Napabugtong hininga na lang ako. Ramdam kong mawawalan ako ng balanse. Umikot-ikot yung paningin ko at napabitaw ako sa railings. Wala akong pakialam kung san ako babagsak o kung ano ang babagsakan ko. Sana nga mahulog ako sa napakaraming patalim nang mamatay na lang ako at makasama ko na si Kath.
Naramdaman ko naman kaagad na may humila pabalik sa akin. Niyakap niya naman ako pabalik sa kanya. Ilang minuto akong nakayakap sa kanya nang napagisipan kong lumayo.
"O-Okay ka lang ba?" Tinanong naman ako nung babae.
"Hindi." Malamig kong sagot sa kanya. Mawala kaya ang lahat sa'yo? Okay ka pa ba?
Napatingin naman ako sa kanya. Tama. Hindi siya si Kath. Parehas lang sila ng buhok bago siya nawala sa'kin.
"Salamat na lang sa tulong mo."
Tumango na lang siya sa'kin. Umalis na siya kasama nung babae.
Napagdesisyunan ko na ring umalis pagkatapos ng ilang minuto. Magpapaalam na ako sa mga magulang ko na uuwi na 'ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko at dapat talaga ay nasa ospital pa ako ngayon. Lumakad na ako papunta sa may dining area at hinanap ang table nina Mommy. Agad ko naman silang nakita habang may mga kausap. Lumapit naman ako sa kanila.
"Oh! Look! Here he is!" Sambit naman ni Mommy. Hinalikan ko siya sa pisngi at dinala dun sa table nila. "Gentlemen, this is my son, Daniel. He is currently taking up business management at Aldaberto Candela Altamirano University."
Nginitian ko naman sila pero para namang napako sa sahig yung mga paa ko. Andito sila. Anong ginagawa nila dito?
"Daniel- Daniel!"
Patuloy lang akong naglakad paalis kayna Mommy. Ramdam kong sinusundan nila ako. Binilisan ko ang paglakad ko. Tumigil ako sa harap nila. Napatingin sila sa'kin.
"Asan si Kath?"
Binaba ni Mr. Montevideo yung baso niya. Kinapitan ako ng mga magulang ko pero kumalas ako.
"Mawalang galang na Daniel. Pero hindi ata tamang pagsalitaan mo 'ko ng ganyan."
"Hindi rin tama na ilayo niyo siya."
"Kung ano ang ginawa namin, iyon ang nakakabuti para sa anak ko."
"Mahal ko siya kaya may karapatan akong makita siya sa mga huling sandali ng buhay niya."
Napaiwas ng tingin sa akin si Mrs. Montevideo.
"Dahil ikaw na din ang nagsabi, alalahanin mo sana Daniel na ama ako ng babaeng mahal mo. Kaya magpakita ka ng respeto." Tumingin siya sa mga magulang ko. "Benjamin, Caroline, pasensya na. Hindi namin nais ng asawa kong guluhin ang party niyo. Excuse us."
![](https://img.wattpad.com/cover/3418929-288-k868257.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Kath: His Letters of Chances [On-Hold]
Fiksi Penggemar"Bakit may mga bagay na kahit alam mong walang kasiguraduhan, pinipili mo pa ring ipaglaban?" BOOK 2 OF DEAR KUYA. ⒸBlackConverse12. 2014.