11th Chance- Kisapmata

79 0 0
                                    


"Will you stop following me? Hindi ka na nakakatuwa." Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa hall. "You already told me who I used to be. I thought that was the worst you can do. But, this? Are you nuts DJ? You quit your school just to follow me here? Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin?" Hinampas niya naman yung braso ko. Kinurot ko naman siya. "Ano ba?!"


"What did I tell you?"


Tiningnan niya ako ng masama at kinurot niya ako.


"Aray!"


"Ha-ha! Payback time!"


Kinurot ko naman siya.


"Ha-ha!" Tinuro ko siya. "You spoke in English again!"


Kinurot niya ulit ako.


"You're doing it on purpose!"


"So what if I am doing it on purpose?"


Nagkurutan naman kaming dalawa sa gitna ng corridor. Bigla namang nauwi sa kilitian ang ginagawa namin. Nagtitinginan naman sa amin ang ibang nasa labas ng mga room nila dahil sa paghagikhik ni Kath.


Tumigil na kami nang may makita kaming teacher na lumabas ng room niya. Tumalikod kami kaagad at naghagikhikan.


"We almost got caught."


"Sa tingin mo ba hindi pa halata na tayo yung nag-iingay?"


"Well, sana may iba pang nag-iingay." Tumawa naman siya.


"So, san ka na?"


Tinaas niya ang kilay niya. "Anong saan na ako? Dito. Hindi pa naman dismissals, right?"


"Lunch tayo?" Ngumiti ako. "Para lang makapagkwentuhan tayo."


"Hey, I've been hanging out with you for daaaaaaaaaays." Inikot niya ang mga mata niya. "Can't I have some alone time?"


Inikot ko din naman ang mga mata ko. "Pag hindi ka sumama sa'kin, madaming lalapit sa'yo."


"What's that about? I like meeting new people, anyway."


"Kath, di ba nga magkapatid tayo? Bigla kang nawala. Ang alam nila, patay ka na."


"Patay? I'm still alive!" Umikot naman siya. "Hindi ba ako mukhang buhay sa'yo?"


Ngumiti ako. "Buhay."


"See? Tsaka iaaccept ba nila ako sa dito if I'm dead?"


"Logical."


Nagsimula na ulit kaming maglakad. "If anything happens, I'll keep you posted. But for now, just leave me alone."


"Hindi nga kita pwedeng iwanan. Pano kung dumugin ka ng campus media?"


"Hello everybody." Ngumiti siya. "Yes, I am alive. So go mind your own business." Tiningnan niya ako. "I'll be okay, Daniel. I promise."


"Alam mo, theme song natin ngayon ang Kisapmata." Hinarang ko naman siya at nagsimulang kumanta. "Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing ng iyong mga matang hayop kung tumingin~" Kinuha ko ang kamay niya. "Oh, kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata~"


"What does that mean?"


Binitawan ko yung kamay niya. "Wag na lang nga."


"Di nga? What does that mean?"


"Ang ibig sabihin nun, parang hot and cold. Gusto mo ako ng saglit tapos biglang ayaw mo na."


"Wala naman akong sinabing gusto kita ah?"


"Sige na nga. Umalis ka na. Nakakabadtrip ka eh." Tinulak ko siya. "Dun ka na, alis."


"Okay, fine." Lumakad na siya palayo.


"Ughhh." Napabugtong hininga ako. "Kath! Hintay!"


-------------------------------------------------------------------

HI GUYS! Grabe. Ang tagal ko palang nawala. :3


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Kath: His Letters of Chances [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon