Prologue

75 5 0
                                    



Magulo,maingay,puno ng dugo ang palagid.Isang impyerno kung tatawagin.Maraming himihingi ng tulong.Maraming naghihinagpis.Maraming gumagapang sa dugo.Maraming gustong bumangon pero hindi makatayo.Dahil sa isang kasalanan na pinagbayaran ng sanlibutan at dahilan ng pagkawasak ng mundong ibabaw.

Isang gyera sa pagitan ng liwanag at kadiliman.Dahil sa nabuong pagiibigan ng hindi magkauring lahi.Langis at tubig nagsanib.Isang kasalanan na pinagbayaran ng lahat.Isang kasalanan na kailangan tapusin para mahinto ang sumpa ng kamatayan.Pero paano?

Dahil sa nabuong pagiibiigan nabuo ang isang kasalanan.Sa gitna ng gyera nanganak ang reyna.Reyna ng kadiliman at ama ng liwanag.Isang kalahate ang bunga.Isang kalahate na wawasak sa buo.Isang kalahateng anghel at isang kalahateng demonyo.Paano? Paano nangyare ito?

Ayon sa propesiya,manganganak ang reyna.Ipapanganak ang bunga.Isang prinsesa na mamumuno sa langit at lupa.Kaya nyang mangwasak at gumawa.Nasa palad nya ang takbo ng mundo,takbo ng buhay ng tao.Siya ang tagapaghatid ng kapayapaan o ng gulo.Isang tingin sa kaniyang mga mata,kaguluhan ang dala dala.Kailangang tapusin ng isang espada,isang espada na tinadhana.Isa siyang malaking delubyo kapag nakapasok sa ibang mundo,maaaring tahimik lang ito pero kapag siya na ang kumilos tiyak na itong mundo ay maglalaho.Maaaring nasa ibang mundo itong prinsesang tinutukoy ko pero minsan nasa tabi mo na pala at handa ka ng tapusin ng walang kahirap hirap.Mangyayare ito sa kabilugan ng buwan,magdedeseotso at bubuhos ang matinding kadiliman.Kailang pigilan bago dumanak ang dugo ng sanlibutan.




"Homos! Ang reyna ay manganganak na!"sigaw ng kanang kamay ng reyna sa gitna ng gyera.

Nagkakagulo ang kalangitan,dahil lumusob ang taga lupa para kuhain ang kanilang reyna.Nakikilaglaban si homos para sa kaniyang kaharian at para sa kanyang mag ina.Handa syang makipaglaban hanggang kamatayan para lang maprotektahan ang mahal niya.Lalo na si Vienna,ang kaniyang asawa.

Habang nagkikilaglaban siya ang kaniyang asawa ay nanganganak na.Hindi nya ito mapuntahan dahil sinusubukan niyang ipaglaban ang kaharian laban sa kadiliman.Kailangan matapos na ito dahil kung hindi wala ng ibang mangyayare kung hindi magpatayan hanggang katapusan.Kaya hanggang makakaya niya siya ay lalaban.

" Yahhhh!!!!"sigaw niya sabay tarak ng espada sa dibdib ng kaniyang kalaban.

Nagpatuloy siya sa pakikipaglaban at ang reyna naman ay nanganganak.Hirap na hirapa na si Homos dahil nanghihina na sya at ang kaniyang mga kawal.Kauntin nalang at makakapasok na ito sa kaharian at maaring makuha nito ang kaniyang magina na ngayo'y nasa kwarto.

Todo todo siyang nakikipaglaban kahit sugat sugat na ang kaniyang katawan.Napaluhod siya dahil sa isang espada na tumama sa kaniyang dibdib.Gusto niyang humingi ng tulong pero dugo lamang ang lumalabas sa kaniyang bibig,gintong dugo na nanggagaling sa isang magiting na mandirigma at hari.

Naghiyawan ang mga kalaban at pumasok sa kaharian ng kalangitan at iniwan ang hari na ngayo'y nakahandusay sa ulap at walang buhay.Wala naring mga buhay ang mga kawal ng kalangitan.

Sabay sabay lumusob ang alagad ng lupa at kasama ang hari nila na si Lucefie(lu-si-fye),ang ama ni vienna.Gusto niyang kuhain
ang kaniyang anak at ang kaniyang apo.

(Kwarto ng reyna)

"Mahal na reyna parating na ang mga kawala ng iyong ama,ano na ang ating gagawin?"tanong ng kanang kamay ni vienna na si Sif.

Kapapanganak lang ng reyna at babae ang kaniyang anak,na may kakambal na isang dragon.Alam ni vienna kung bakit gustong kuhain ng kaniyang ama ang kaniyang anak,dahil ito sa dragon,dragon na itim.Ang nagsisilbing puso ng impyerno,kapag ito ay namatay wala ng kadiliman ang makikita at kapag ito ay namatay,mamamatay rin ang kaniyang anak,kaya ibibigay niya ito sa ama niya pero hindi niya ibibigay ang kaniyang anak,dahil alam niyang papatayin rin ito para magkaroon siya ng matinding kapangyarihan.Sakim ang kaniyang ama kaya gagawin nito ang lahat para mapasakanya ang buong daigdig.

"Sif,maari ba akong humingi ng isang pabor?"tanong ng reyna.

"Ano po iyon,mahal na reyna?"

"Itago mo si Viennesa,ilayo mo siya rito basta malayo at siguraduhin mong poprotektahan mo siya kahit anong mangyare..."

"P-pero m-mahal n-a r-eyna..."

"Sif,parang awa mo na...Nagmamakaawa ako sa iyo,kahit ngayon lang,pakiusap...."naghihingalong saad ng reyna.

"Masusunod mahal na reyna..."

Bago umalis si sif may inilagay si vienna sa dibdib ng bata,isang larawan na nakadikit sa kaniyang balat,isang dragon na itim,ang kaniyang puso.Hinalikan niya rin ito sa noo at pinasa niya ang kaniyang buong kapangyarihan sa kaniyang anak.

"Umalis na kayo,ako na ang bahala kay ama..."saad ng reyna.

"Masusunod,Vienna..."sagot naman ni sif.

Napangiti siya sa sinabi ni sif,dahil kahit kailanman hindi siya nito tinawag sa kaniyang totoong pangalan.

Umalis na sila sif at pumasok na sila sa isang portal patungo sa ibang dimensyon.Papunta sa ibang mundo.Habang ang reyna ay nakahiga at hinang hina.Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang lumuha.

"Sabi nila totoo ang diyos,sabi nila mahal daw niya ang lahat sa mundo.Sana kasama ako dun.Nagdadasal ako ngayon para sa kapakanan ng aking anak,patawad at hindi ko siya naprotektahan gaya ng ginagawa ng isang ina...Panginoon? Kung nakikinig ka sa aking mga tinig,pakinggan mo naman ito kahit hindi ko ako anak,kahit ngayon lang parang awa mo na..."saad ng reyna.

"Tignan mo nga naman ang aking anak,humihingi ng tulong sa ibang ama.Tingin mo tutulungan ka niya? Eh anak kita.Huwag ka ng umasa,dahil masasaktan kalang...Nasaan ang aking apo?"

"Hinding hindi ko siya ibibigay sayo! Isa kang demonyo!!! Walang puso!!!"sigaw ng reyna.

"Aba,nagmamalinis ka na ngayon? Tandaan mo,ama mo ako at parehas tayong demonyo kaya huwag kang umastang malinis!"

"Nasaan ang aking apo?!?!"sigaw ng punong hari.

"Hindi ko siya ibibigay sayo kahit magkamatayan tayo!!!"sigaw naman ng reyna.

"Aba! Inuubos mo talaga ang pasensya ko vienna!! Humanda ka sakin,gusto mo ng kamatayan? Pwes,ibibigay ko sayo ng walang kahirap hirap..."


"Gawin mo,pero kapag pinatay mo ako,mamamatay karin tandaan mo,nasa tiyan ko ang puso ng impyerno kaya pagpinatay mo ako,mawawala ang kaharian mo!!!"

Napahinto ang punong hari.Tama siya,dahil kapag pinatay niya ang kaniyang anak para narin niyang pinatay ang sarili niya pati narin ang pinaghirapan niyang kaharian at kapangyarihan.

Kinuha siya ng mga kawal at hinatak papunta sa kaharian ng kadiliman,kinulong siya sa pusod ng impyerno at siya ang nagpapatakbo nito.Hindi siya pwedeng makalabas dito dahil kapag iyon nangyare,mawawasak ang mundo nila.

Dito siya nanatili sa mahabang panahon at hindi siya pwedeng umalis sa pagkakahiga mula sa higaan na puno ng tinik.Pero kapag sumapit ang kabilugan ng buwan,lalabas mula sa kaniya ang kakambal ng kaniyang anak,ang dragon.Lalabas ito at pupunta ito sa kakambal niya at mangyayare ang nasa loob ng propesiya at wala siyang magagawa tungkol doon kundi tanggapin ang mangyayare.

***

Masusunod ba ang propesiya?
Sino ang pipigil sa itinadhana?
Ano ang mangyayayare sa kwento?
Mamumuno ba ang langis?
O madadaig siya ng tubig na malinis?

Sabay sabay nating pasukin ang mundo na magulo parang relasyon niyo😂✌

-Lady_J😘@yourservice

The Demon's LoveWhere stories live. Discover now