The Sin 3

6 0 0
                                    




"Aalis na ako sif..."paalam ko kay sif.

"Mag-iingat ka,dark..."turan niya.

Ngumit lang ako tsaka lumabas na papuntang garahe.Magdadrive ako ngayon,feel ko lang magmaneho,na miss ko rin eh.Nga pala,umabsent ako ng dalawang araw dahil sa panghihina ng katawan ko,wala akong magalaw ni isa sa parte ng katawan ko,wala rin akong kain ng dalawang araw pero kinaya ko naman kaya ngayon papasok na ako.

Pagpunta ko agad sa garahe tinanggal ko agad ang takip ng Matte Red Ferrari 458.Ang baby ko.Isa sa mga paborito kong sasakyan.Matanggal narin simula nung huli akong nagmaneho pero hindi pa naman ito ganun kabulok dito sa garahe,araw-araw ko silang pinapalinis at pinapacheck kung maayos pa ang kondisyon nila.Cars are my happiness.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagmaneho ako ngayong araw.Feeling ko ang saya saya ko ngayon,yung bang feel mo na hindi ka mabobored at gusto mong maraming ginagawa.Hyper rin ako masyado.Hindi man ako palangiti,ngayon kusang gumagalaw yung labi ko at ngumingiti ako ng walang dahilan.Naku! Patay baka mabaliw ako nito!

"Here we go,baby..."

Pagkapasok ko palang sa sasakyan agad ko itong sinarado at nagsimula na akong magmaneho.Ang sarap sa feeling na magamaneho ulit lalo na kapag nakabukas yung bintana ng kotse.I feel na smooth air from the outside and it makes me happy,and i think i like it.

Pagkarating ko sa school marami ng estudyante ang nandito at yung iba nakatingin pa sa kotse ko.Tinitignan siguro nila kung sino ang may-ari nito.Binuksan rin ng guard ang gate kaya nakapasok na ang kotse.Pagkatapos kong ipark ito ay agad akong lumabas.


Pagkalabas ko halata sa mga mukha nila ang pagkabigla.Parang ngayon lang sila nakakita ng taong lumabas sa kotse,mga ignorante! Akala ba nila,mahirap ako? Tsk! Baka bilhin ko pa itong eskwelahan na ito eh.

"Mayaman pala ang isang yan..."


"Oo nga eh,akala ko commoner lang..."


"Maganda naman pala siya kapag nakaayos..."


"Cool! Ang ganda ng kotse niya..."



Tsk!

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.Kahit na ang dami ng tumitingin sa aking tao,hindi na ako masyadong naiilang,ayokong masira yung maganda kong umaga dahil lang sa mga walang kwenta.


Pumunta muna ako sa cafeteria para mag-almusal.One hour pa naman bago magsimula ang first subject eh,so pwede pa akong kumain,tutal hindi pa naman ako kumakain ng breakfast.

Pagkaorder ko humanap agad ako ng mauupuan.May nakita akong bakanteng upuan.Ito yung inupuan ko nung nakaraang araw ah,wala paring gustong umupo rito? Aarte naman nila!

Bago pa ako magsimula kumain biglang bumukas ang pintuan ng cafeteria at niluwa nito ang limang taong sobrang pamilyar sa akin.Nandito na sila.Nandito narin ang hinihintay kong taong dumating.Naglakad sila papunta sa direksyon ko,nakatitig ngayon sa akin yung lalaki at tinitigan ko rin siya,deretsyo sa mata.

Akala mo papatalo ako ngayon sayo,asa.

Nang tuluyan na silang makalapit sa akin doon na nagsimula ang bulungan ng mga estudyante rito.Nakatingin parin sa akin ang lalaki at nandun parin ang malakas na presensya niya pero ngayon hindi na ako nadadala.Pero hindi ko parin mabasa ang nasa isipan niya.



The Demon's LoveWhere stories live. Discover now