Dark's POV
Parehas daw kami? Tsk! Hindi niya talaga alam yung sinasabi niya.Wala siyang masyadong alam sa akin pero ang dali lang para sa kaniyang sabihin na parehas kami.Tsk! Baka mamaya kapag nalaman nila na mas masahol pa ako kaysa sa inaakala nila lulunukin nila yung mga sinabi nilang parehas kami.
Umalis agad ako sa canteen at kinuha ko narin si vienna.Iuuwi ko muna siya para gamutin baka mamaya magtaka yung magulang niya kung anong nangyare sa kaniya at masisi pa ako ng wala sa oras.Kaya narin naman nila light ayusin yung nangyare kanina eh,sila na bahala dun.
Pagkarating agad namin sa bahay inalalayan ko agad siya papunta sa aking kwarto.Kumuha ako ng basang towel at ipinunas sa kaniyang balikat,noo at leeg.Wala naman siyang sugat pero siguro dahil sa gulat kaya nawalan ng malay.Pinalitan ko narin siya ng t-shirt,marami naman akong pambabaeng damit dito eh,syempre babae ako kaya maraming pambabae rito.
"Sino iyang mortal na kasama mo,dark?"biglang tanong ni sif.
"Siya si vienna,yung sinasabi ko sayo nung nakaraan..."sagot ko naman.
Naramdaman ko naman ang panlalamig ng paligid at kaniyang pagtahimik.
"H-hawig na h-hawig niya ang iyong ina..."dinig ko ang pagkautal niya.
"Talaga? Hawig siya ni ina?"
"Oo,kuhang kuha niya ang napakagandang mukha ng iyong ina.Mula sa mapupungay na nga mata,matangos na ilong,at may kurbang labi.Ayan ang mukha nang iyong ina nung siya ay dalaga pa lamang..."saad niya.
Napatingin naman ako kay vienna.Ngayon,kahit hindi ko nakita ang totoo kong ina,atleast alam ko na ang itsura niya kahit paano.
"Teka,ano ba ang nangyare sa inyo?"pangungusisa niyang tanong.
Madami.
"Dumating na naman si karim,at pinipilit akong bumalik..."panimula ko.
"Mabuti at napagtanggol mo ang iyong sarili..."alalang tugon niya.
"I summon my demon,Nilaber...Nanghiram muna ako sa kaniya ng lakas..."sagot ko.Nanghiram ulit ako.
"Akala ko pa naman ay bumalik na ang iyong lakas..."
"Hindi makapag hintay yung demonyo kong lolo at gusto ng bumalik ako sa kaharian niya..."sarcastic kong saad.
Hindi makapaghintay akala mo hindi kami magkikita.Tsk! Masyadong atat,miss na niya siguro ang napakagandang apo niya.Tsk! Just wait,lolo,we'll see again and this time I'll make sure na yun narin ang huling hininga mo dito sa mundo.Hahaha,ang sarap isipin nun.
"Alam ko yang iniisip mo dark,huwag mong mamaliitin ang iyong lolo,mahirap siyang kalaban kaysa sa inaakala mo..."biglang sabat ni Sif.
"Tignan natin..."makabuluhang sagot ko.
Habang inaayusan ko si vienna naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya kasabay ng paggalaw ng kaniyang mga mata.Dahan dahan niyang iminulat ang mata at nilibot ng tingin ang paligid.
"N-nasaan a-ako?"utal na tanong niya.
"Gising na ang mahal na prinsesa!"tarantang saad ni sif.
"Sif,hindi siya ang prinsesa..."paalala ko sa kaniya.
"Paumanhin..."
"Nasa bahay kita,nawalan ka ng malay kanina..."sagot ko.
"D-dark?"
"Ako nga.."
"Anong nangyare?"tanong niya.
Ang daming tanong ah!