The Sin 1

35 2 0
                                    



"Ano bang problema mo?!"sigaw ng babaeng kaharap ko ngayon dito sa Cafeteria.

Haist,kanina pa siya bunganga ng bunganga diyan.Kesyo mahal daw yung damit niya na nagbunggo ko,kasalanan ko ba? O sadyang tanga lang siya? Eh kung ayaw pala niya na madumihan yung damit nya edi sana dinisplay nalang nya sa bahay nila hindi yung imomodel niya dito tapos kapag umatake yung kalampahan niya maninisi siya ng iba.

Bobita!

"Ano?! Hindi ka magsasalita?! Bayaran mo yung damit ko,alam mo bang gawa ito ng sikat na designer sa new york?!"singhal pa niya.

"Alam ko,kanina mo pa sinabi.Mayaman ka hindi ba? Edi bumili ka ulit ng bago tutla mayaman ka naman pala ehh...."

"How poor! Wala kalang pambili ng ganitong damit!"

"Hoy,For your information,kaya kitang ibili ng dose dosenang damit na ganyan pero i don't wanna waste my time and money for your stupidity,You bitch!"hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga sinabi ko sa kaniya.Tama naman kase eh.

"How dare you to say that to me?!"

"I dare,wanna bet?...Sa susunod na gumawa ka ng eskandalo siguraduhin mo muna na kompleto yang baraha mo,hindi yung susugal ka wala ka namang pantaya..."mahinahon kong sagot sa kaniya.

Halatang gigil na gigil na siya pati narin yung mga kasama niyang alipores.Hayy naku,ano ito drama? Na ako yung bida? Tapos sila yung mga kapatid ni medusa? Woo,ganda sana kaso hindi ako naniniwala sa fairytale.Childish.

Aalis na sana ako sa cafeteria ng biglang may humablot sa dalawa kong kamay at hinarap ulit ako kay medusa.Hawak pa ng dalawa niyang alagad ang magkabilang braso ko at siya ngayon ang nasa harapan ko.Naku naman,mapipilitan pa ata akong maging barbero ngayon eh,gusto ko silang gupitan ng buhok!

Galit na galit si Cheska sa akin.Halata sa mukha,para siyang toro na nilalabasan ng usok sa ilong at tainga.Sarap sana kuhanan ng litrato tapos ikalat sa social media.Hahahaha.

Nagulat ako ng bigla niyang akong sampalin ng pagkalakas lakas at dalawa pa,magkabilaan.Kapal naman ng tabas ng mukha neto,siya pa may ganang manampal eh siya nga yung tanga dito.How poor,mamaya ka sa akin,pagbibigyan kita,ganyan ako kabait.Pakasawa kalang,kasi mamaya ako naman.

"Ayan ang napapala mo! You Bitch!"sigaw nya sabay sampal at sabunot sa akin.

Sige lang pakasarap kang saktan ako kasi kapag ako ang gumanti sayo sisiguraduhin kong malulumpo ka at mas gugustuhin mo pang magtago at magmukmok sa bahay nyo.Tsk!

Sampal,kaliwa,kanan,kaliwa,kanan,kaliwa,kanan.May balak ata etong maging sundalo eh,parang dinaig pa niya yung nagmamartsa.Wala na bang ilalakas yung sampal niya? Tsk!

"Ano?! Magsosorry ka ba o hindi kita titigilan?!"singhal pa niya.

"And why would i do that? Huh? Give me a valid reason,alam mo napaka isip bata mo...Napaka immature!"banat ko pa na mas lalong niyang ikinainis.


"Magbabayad ka!"singhal niya at aakmang sasampalin ako pero tinitigan ko siya sa mata mismo na ikinahinto niya.


Unti unti kong pinapalalim ang tingin sa mga mata niya,unti unti ko ring hinihigop ang lakas niya hanggang sa napaluhod siya at hinang hina.Para siyang bangkay kung titignan dahil sa katawan niya ngayon.Pati narin ang mga kaibigan niyang may hawak sa braso ko ay napaluhod rin katulad niya.


Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at unti unti kong tinatanggal sa mga mata nila ang nakita nila na nangyare sa tatlong babae.Ngayon parang wala nalang sa kanila.Sobrang bagal ng takbo ng palagid dahil pinahinto ko ito.

Lumuhod ako sa harapan nilang tatlo at pumitik.Pagkumpas ng daliri ko,bumalik lahat sa dati,simula nung nasa pintuan palang sila at ako'y nakaupo pa at tahimik na kumakain.Binalik ko lahat sa dati kasi alam ko ang mangyayare at kapag hindi ko ito ginawa,mahahanap nila ako.


Umalis na ako sa cafeteria bago pa tuluyang mangyari ang kinakatakutan ko.Dumeretsyo nalang ako sa bahay at doon nalang ako nagpahinga.


"Dark,ano na naman ang iyong ginawa ngayong araw?"boses ni sif mula sa kung saan.


Walang katawang anyo si Sif,isa sya sa parte ng hangin.Hindi ko siya nakikita pero mararamdaman mo lang.Kasama ko siya buong buhay ko at siya narin ang naging pamilya ko kahit hindi ko talaga siya nakikita,siya parin ang pamilya ko.

"Sa school lang ako galing,Sif..."sagot ko sa kaniya sabay derestyo sa aking kwarto.



"Dark,papalapit na ang iyong kaarawan,ano ang iyong preperasyong gagawin?"tanong ni sif.


Oo nga pala,malapit na ang birthday ko.Perperasyon? Hindi na kailangan,bakit pa magkakasiyahan kung alam kong hindi naman talaga kasiyahan ang mangyayari?


"Alam ko ang iyong iniisip,dark.Lahat ng nilalang sa mundo ay may karapatang sumaya kahit paminsan minsan,kahit ang pinakamasamang tao sa mundo nagdiriwang ng kaarawan...Kaya ako na ang bahala sa iyo..."sagot ni sif.

"Maraming salamat Sif..."sagot ko.


"May ibabalita pala ako sa iyo..."

"Ano iyon?"


"May ipinadalang sugo ang kalangitan para hanapin ka,at sa aking palagay hindi ito maganda..."wika niya.



"Hayaan mo sila,kung gusto nila akong patayin o parusahan gawin nila,tutal mawawalan rin naman ako ng silbi kapag tapos ng taon na ito,kaya kung sakali mapapasalamatan ko pa sila..."walang ganang sagot ko.


Ilang alagad na ng liwanag ang naghahanap sa akin pero hindi nila ako makita kita.Hinahayaan ko nalang sila.Sobrang walang kwenta ang buhay ko kaya sumasabay nalang ako sa agos,wala narin namang mangyayare kung lalaban ako.Para kanino? Para saan pa kung lalaban ako?


"Lumaban ka dark,Kapag wala ka hindi balanse ang mundo nila,kung wala ka,nasisilaw na sila sa sobrang liwanag,kaya huwag mong sasabihing wala kang kwenta..."


Tsk! Kilala talaga niya ako higit pa sa kilala ko ang sarili ko.


"Sif,may gusto akong itanong..."


"Ano iyon?"


"Ano ang pagmamahal? Ano ang pagibig? Lahat ba ng tao nararamdaman iyon? Kahit a-ako?"tanong ko.



Hindi ko kasi maintindihan ang salitang pagmamahal eh,kahit sa dictionary, literal na hindi ko maintindihan.Hindi sa bobo ako pero hindi ko siya malagay lagay sa isip ko,hindi ko siya madama.Nabasa ko yung mga comments sa tanong na " What is love?"
Sabi nila masarap magmahal,ano nga ba iyon? Gusto kong maranasan.


"Pagmamahal? Isa itong napakalaking sugalan,hindi literal ah.Ito ang salitang makakapagbago sa lahat,hahamakin mo ang lahat para sa taong mahal mo.Mahal,ayan yung salitang kaya mong itawag sa taong napupusuan mo,kaya mo siyang ipaglaban kahit ang sakit sakit na,kaya mo siyang mahalin kahit ano pa siya,ganyan ang pagmamahal,hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan,kung hindi sa puso at buti ng kalooban..."


Nanlumo ako sa narinig ko.Parang hindi ko yata mararanasan iyang pagmamahal na sinasabi ni sif.Kabutihan,wala ako niyan.Hindi ako mabait katulad nila,hindi ako normal kaya bakit sa dinami dami ng kakayahan ko bakit ayan yung hindi ko pwedeng maramdaman? Bakit?



"At meron pa,Ang pagmamahal ang isang bagay na kaya kang baguhin,isang sugal na walang kasiguraduhan kung mananalo ka ba o uuwi ka ng luhaan...Ang pagmamahal ang isang bagay na masarap maramdaman pero masakit kapag hindi mo alam kung anong totoong kahulugan..."



Parang isang palaisipan sa akin ang mga sinabi niya.Tama nga ba siya? Siguro masarap ngang magmahal.


Kaya sa kaarawan ko,ang gusto kong matanggap na regalo ay ang salitang tinatawag na PAG-IBIG.

***

A/N: masyado bang madrama ang umpisa? Sarry!

-Lady_J@yourservice😘

The Demon's LoveWhere stories live. Discover now