The Sin 4

5 1 0
                                    

Dark's POV

Akala ng babaeng yun matatakot ako sa kaniya.Tsk! Matatakot ba sa kaniya ang prinsesa ng kadiliman? Imposible.Maaaring malakas siya pero wala siya sa kalingkingan ng lakas na meron ako,isang pitik ko lang sa kaniya,maglalaho siya na parang bula.Hindi ako nagbibiro,kaya kong gawin yun.

"Excuse me,miss,pwedeng makiupo?"biglang sabat ng babaeng nakatayo sa harapan ko.A nerd one.

"Umupo ka,hindi ko naman pagmamay-ari yan eh..."sagot ko habang nakatingin sa kawalan.

Ang tagal naman kasi dumating ng professor namin sa history eh.Akala niya madaling maghintay,ayoko pa naman sa lahat ng pinaghihintay ako! Nakakainis,pasalamat siya nagtitimpi pa ako sa kaniya kung hindi kinalbo ko na talaga yun si Ms.Apiado!

"Ako si Vienna,vienna chan,ikaw anong pangalan mo?"

Nagulat ako ng banggitin niya yung pangalan niya.Kapangalan niya si ina.

"Dark,Dark Hermosa..."sagot ko.

"Nice meeting you dark,bago karin ba dito? Ako kasi bago lang eh..."kwento pa niya.

"Oo,bago lang ako dito..."sagot ko naman.

"Ano nga palang---" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya ng pumasok na yung history teacher namin na paimportante.

"Good morning class..."bati niya.

"Good afternoon Ms.Apiado!"bati rin nila.Sila lang.

"You may take your seats,okay shall we start?"panimula niya.Tumango naman silang lahat.

"We were taking back at Demons and Gods.Nakarinig na ba kayo tungkol sa mga nabanggit ko?"

Umiling naman kami.Bigla akong naging interesado.

"Punta tayo sa Myth.Dati may kwento sa greek mythology about sa isang Demon and God.Isang pag-iibigan ang nabuo sa pagitan ng dalawang ito.Hindi sila pwede kasi nga they are from different worlds.Ang Demon ay si Vienna at ang God ay si Homos.Nagkita sila at nagkaibigan,hindi pumayag ang magkabilang panig sa pagiibigan nila kaya hinadlangan nila ito hanggang sa nabuntis ang reyna.Lumusob ang kampon ng kadiliman kasama na ang ama ni vienna na si Lucifie(lu-ci-fye) ang hari ng impyerno,lumusob sila sa kalangitan para kuhain si vienna pero dumaan muna sila sa mga alagad ni homos...."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinasabi niya.Kwento yun ng mga magulang ko.Kung paano sila nagkakilala at kung paano ako nabuo sa mundong ito.

"Pero nagtagumpay ang kampon ng kadiliman at napasok nila ang kaharian ng liwanag......Sino sa inyo ang pwedeng magtuloy sa aking kwento? May alam ba kayo sa kwentong ito?"biglang tanong ni Ms.Apiado.

"Binigay ng mahal na reyna ang kaniyang anak sa kaniyang kanang kamay at pinapunta ito sa ibang mundo.Hinanap ng hari ng kadiliman ang kaniyang apo pero huli na ang lahat kasi naabutan nalang niya ang kaniyang anak na nagdadasal at simula nun wala ng nakakaalam kung anong nangyare sa reyna at sa kaniyang anak..."pagpapatuloy ko.

Napatingin silang lahat sa akin.Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko.Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.Halo halo na yung emosyon ko ngayon.

"Nabasa mo na ba iyong kwentong iyon,Ms.Hermosa?"tanong ni Ms.Apiado.

"Opo..."pagsisinungaling ko.

"I see.So,class what have you learned about the topic today?"tanong niya.

Nagtaas naman itong katabi ko.

"Yes?"

"Ma'am,i learned na when you love someone, even though that person is a demon or anything you can sacrifice all and conquers all.You will fight for your love ones even if it's mean that you will sacrifice your own life just to protect what's yours..."sagot niya.

The Demon's LoveWhere stories live. Discover now