Dark's POV
Wala talagang balak umalis itong lalaking ito sa pamamahay ko eh.Tamang higa lang naman sa kama ko.Hindi rin siya feel at home ah.Medyo makapal rin ang apog ng isang ito sarap ipatumba kay Cardo at sa vendetta.Tsk!
"Hindi ka pa ba matutulog?"tanong niya.
Nakaupo ako ngayon sa may terrace at nags-star gazing hindi charot lang inaantay ko lang talagang umalis ang kumag na to.Hindi ako makakatulog kapag may kasamang iba dito sa kwarto ko,syempre babae parin naman ako at kailangan parin ng privacy,salitang hindi naituro ng teacher niya sa ESP.
"Matulog ka na,nakakahiya naman sa'yo eh,sinakop mo yung buong kama ko,sige enjoy,babantayan kita huwag kang mag-alala..."i said in sarcastic tone.
"Ang mabait mo naman pala..."nakangiti pa niyang sagot.
Medyo manhid at pamang asar rin ang isang ito ang sarap,ang sarap,ang sarap balatan ng buhay.Kayo ah,iba na yung iniisip niyong masarap.Haist! Kadumihan ng utak,kakabasa ng Rated SPG na story,hindi ko sinasabing kay Cecelib ito ah.Favorite author ko.Hehehe!
"Gusto mo tabi nalang tayo,maluwag naman yung kama mo eh..."nakangisi pa niyang saad.Nagiging pilyo na naman ang isang ito.Naku!
"Ikaw nalang,nakakahiya naman sa'yo eh..."sagot ko pa na may halong sarkastikong tono.
Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa kung saan ako nakaupo.Hinila niya yung upuan at tinabi niya malapit sa akin.Magkatabi na kami ngayon,obvious naman di'ba?
Tumingala siya sa mga ulap at nakangiting tinignan ang mga bituin na nagkikislapan.Napatitig ako sa mukha niya.Ang gwapo niya,hindi mo maikakaila lalo na kapag nakangiti siya,a genuine smile from his kissable lips.Gwapo siya at wala na akong masasabe dun,hindi ko narin pwedeng ikaila dahil ayokong lokohin sarili ko no.
Perfect eyebrow,perfect blue eyes,perfect pointed nose,perfect curved and kissable lips and perfect smile.Sino ba naman ang magsasabing walang hitsura ang isang ito eh parang napaka perpekto.
"Stop staring,baka mabuntis ka niyan..."nagulat ako ng magsalita siya.
Tae! Mabubuntis ka na pala kapag tumitig ka? Bago yun ah.Iba rin ang isang ito.Gawa gawa eh no.
"And who says i'm staring?"nakataas kilay kong tanong.
"Those pair of brown eyes..."sagot niya sabay titig sa mata ko.
Brown pala yung mata ko? Nakikita ko kasi sa salamin,color crimson dark ang mata ko.Pero kapag tinitigan mo lang mabuti tsaka mo makikita yun pero kapag malayuan parang black lang.
Namayani na naman ang katahimikan at nakatingala lang kami sa mga bituin at pinagmamasdan ito.Bakit kaya parang ang lapit ng ng mga bituin pero kahit sumakay ka ng eroplano parang ang layo parin nila.Tama nga ang narinig ko,Nakakalinlang ang kagandahan.
"Dark..."
"Hmm?"
"Sorry nga pala sa nasabi ni thunder ah,he didn't mean it..."usal niya.
Naalala ko na naman.
"Bakit ka nagso-sorry,eh hindi naman ikaw yung may kasalanan?"tanong ko.
"Kasi kaibigan ko siya at itinatama ko lang ang pagkakamali niya..."sagot niya.Tsk!
What a nonsense answer,huh.
"He is the one who supposed to say sorry not you,even you're his bestfriend or so whatever.People should know their mistakes to be able learn their lessons and stand in their own feet..."sagot ko na ikinatahimik niya.