I

304 3 0
                                    

Lauren POV
Masayang masaya ako habang naglalakad pauwi nang bahay namin sa isang barong barong ng tondo. Masayang masaya ako dahil nakatanggap ako nang scholar ship sa isang unibersidad dito sa amin. Siguradong masayang masaya si mama kapag nalaman niyang nakapasa ako.

Nang makarating ako sa bahay wala akong naabutan na nanay. Hinanap ko siya sa maliit na kwarto namin pero wala siya. Inisip ko na lang lumabas lang ito o kaya bumili lang nang pagkain.

Hanggang sa wala parin kaya naisip kong lumabas nang bahay namin tapos nakita ko yung isa sa kapit bahay namin.

"Ate aileen nakita mo ba ang mama kong lumabas nang bahay?" Tanong ko rito pero walang emosyon ang nakita ko sa mukha niya. Dahil dun mas kinabahan ako.

"Lauren..... Hindi mo pa ba alam?" Nagtatakang tanong ni ate aileen sakin. Habang titig na titig.

"Ang alin po?" Tanong ko rito.

"May ambulansyang pumunta dito..... At naabutan nila ang nanay mong wala nang malay at-" pinutol ko ang sasabihin ni ate aileen.

"Saan na po si mama? Saan po siya dinala? Bakit nawalan siya nang malay? Saang ospital po?!" Nangangatog na tanong ko kay ate aileen.

Hanggang sa pinakalma niya muna ako at nung kumalma ako sinabi na niya sakin kung bakit may pumuntang ambulansya dito saamin.

Naabutan daw ni ate kath si mama na wala nang buhay na loob ng bahay namin ayon daw sa doktor cardiac arrest daw ang ikinamatay ni mama. Kahit noon walang ikinikwento sakin si mama tungkol sa sakit niya. Kahit noon wala siyang nararamdamang sakit na hindi niya sinasabi sakin. Pero ngayon hindi ko alam kung nangyari yun kay mama.

"P-pero nasaan na po ang katawan ng mama ko?" Tanong ko kay ate aileen. Habang iyak nang iyak.

"Doon sa St. Anthony Chapel puntahan mo doon ang mama mo." Sabi ni ate aileen sakin tsaka naman ako sumakay nang tricyle papunta doon. At hanggang sa naabutan ko na doon nga ibinunurol ang mama ko.

Ang masama pa non nandun si papa kasama ang kabit niya at anak nito.

"Bakit ngayon ka lang dumating?" Tanong ni papa sakin nang makaharap ko siya. Pero imbes na sagutin ko siya mas minabuti kong puntahan si mama. Hanggang sa nagsimula na akong umiyak.

Naramdaman kong hinawakan ako ni papa at pinihit paharap at saka sinampal ako ng malakas.

"Bastos ka rin no?! Tatay mo ko tapos tatalikuran mo lang ako nang ganyan!!! Ha!" Sigaw ni papa sakin pero umiiyak lang ako.

"Ang kapal nang mukha mo?! Matapos mong iwan ang nanay mo..... Tapos ikaw parang wala lang" Sigaw ni papap sakin kaya di ko napigilan ang sarili ko.

"Bakit ikaw?! Alam ba ni mama na ganyan ka!!! Tapos ang kapal pa nang mukha mo para sabihing iniwan ko si mama!! Pa nag aral ako para matulungan si mama e ikaw?! Wala! Wala kang natulung o pagmamahal na ibinigay kay mama"

Galit na sinabi ko kay papa dahil dun natahimik siya. Matagal ko narin gustong sabihin yun sakanya pero wala siyang pakialam samin dalawa ni mama. Ang alam niya lang mang babae at uminom nang alak at sugal. Matapos nun pagkatapos nang tatlong araw dinala na namin si mama sa huli niyang hantungan. Mula din nun hindi ko narin nakausap si papa matapos naming mag away. Buti nalang ay nandun ang kapatid ni mama na si tita Fe.

"Lauren" Tawag sakin ni ni tita Fe. Kaya lumapit ako sakanya at niyakap ko siya nang mahigpit at nag simula na ako humagolgol sa pag iyak. Tinapik naman ako ni tita Fe.

"Paniguradong masaya na ang mama mo lauren sa taas" Nakangiting sabi ni tita Fe sakin.

"Tita kasalanan ko po kung bakit nangyari kay mama yun sana kung hindi nalang ako umalis nang bahay edi sana hindi mangyayari yun sakanya.... Sana kasama ko parin siya hanggang ngayon" Umiiyak na sabi ko kay tita Fe.

"Lauren gusto mo sumama ka nalang sakin sa trabaho ko?" Tanong ni tita Fe sakin. Dahil sa sinabi ni tita iniisip ko parin yung nasayang na pag aaral ko.

"Tita pero pano po yung pag aaral ko?" Tanong ko kay tita Fe. Sandali ding napahinto si tita Fe.

"Pwede naman yun eh. Ako lang naman ang mag tatrabaho tapos ikaw ay tutuloy sa kolehiyo mo" Sabi sakin ni tita Fe.

"Pero gusto ko rin naman pong tumulong sainyo" Sabi ko naman sakanya.

"Edi kapag...... Wala kang pasok pwede mo kong tulungan sa mga gawaing bahay" Nakangiting sabi sakin ni tita Fe.

"Ano payag ka na ba?" Tanong sakin ni tita. Na sinang ayunan ko naman.

Maya maya ay inayos ko na ang mga gamit ko para makasabay na ako kay tita sabagay wala naman akong kasama dito sa bahay laong lalo na wala na rin si mama. At si papa naman..... Wala rin nandun na siya nakatira sa bahay nang kabit niya. Lahat nang gamit ko ay inilagay ko na sa bag ko.

"Ano lahat ba nang gamit mo kumpleto na?" Tanong sakin ni tita Fe. Habang inilalagay ko na sa loob nang jeep ang gamit ko.

"Okay na po tita maayos na po" nakangiting sagot ko kay tita Fe.

"O siya tara na" Sagot naman ni tita. At saka naman kumaripas nang takbo ang jeep na sinasakyan namin.

Hindi ko alam kung naduduling lang talaga ako. Sobrang laki ng bahay nang pinagtatrabahuan ni tita kita mo pa naman sa labas na kung gaano karangyang pamilya ang nakatira sa loob nito.

"Lauren baka naman mabali ang leeg mong yan sa sobrang tingala" Natatawang sabi ni tita sakin.

"Oo nga tita sobrang nakakalula dito sa loob nang bahay hindi lang yun parang maliligaw ka sa sobrang laki kahit nandito palang tayo sa labas." Sabi ko kay tita na ikinatawa nito.

"Abay halika na at pumasok na tayo sa loob paniguradong naghahantay na si Madame Eloisa." Sabi ni tita Fe sakin. Wow! Madame Eloisa talaga pangalan palang yayamanin na.

Nagpasya na kami ni tita na pumasok sa loob. Kung gaano kaganda ang labas ganun naman kaganda ang loob. Halos lahat nang mga gamit sa loob sobrang mahal at sobrang laki pa ng chandelier nila.

"Hey nanay Fe i thought you're not coming" Dahil dun nagulat ako. Isang ginang ang bumaba galing sa second floor nang bahay at sinalubong si tita Fe ko. Tingin ko siya mismo ang tinutukoy ni tita na Madame Eloisa.

"Ay magandang umaga ho madame" Bati ni tita doon sa matandang ginang.

"Good morning to you too Nanay Fe" Sabi nito at maya maya ay dumako ang mata nito saakin.

"And by the who is this beautiful young lady beside you?" Tanong nito kay tita.

"Ay oho siya nga po pala ang pamangkin ko. Siya nga po pala si Lauren Grace siya ang anak ng ate ko na namatay" Pakilala sakin ni tita Fe. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa.

"A-ahm.... He-llo po kinagagalak ko po kayong makilala" Kinakabahan ako.

"Nice to meet you too you are so beautiful women" Bati nito sakin. Na ikinangiti ko.

"Don't be afraid to me. Welcome na welcome ka dito sa bahay namin" Nakangiting sambit nito at ngumiti sakin. Hooo. Kala ko masungit siya. Dahil dun nawala ang kaba sa dibdib ko.

Desiring HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon