Lauren POV
Maaga kaming dalawa ni ate Cath umalis para mamalengke. Matapos naming mamalengke sa supermarket ay sinundo kami ni kuya Kokoy para makauwi na kami."Lauren chineck mo na ba yung pinamili natin?" Tanong ni ate Cath sakin.
"Yes mam tapos na. Kanina pa" nakangiting sabi ko kay ate Cath. Maya maya ay nakarating na kami sa loob nang village. At hanggang sa nakarating na kaming dalawa sa loob nang bahay. Habang naglalakad kaming dalawa ni ate Cath narinig naming naguusap ang pamilya ni Sir Zach.
"What do you mean son? Si lauren ang napili mong isama sa Italy?" Nagtatakang tanong ni Sir Harold kay sir Zach habang kumakai sila.
"Yes dad, and that's a final" Nakangiting ssbi naman ni Sir Zach kay Sir Harold.
"Yeah you're son was right, wala namang masama kung si Lauren ang isama nang anak natin. And malay mo doon pa sa Italy silang dalawa mas magka kilala. Right son?" Tumango lang naman si sir Zach. Kaya dumiretso na ako sa kusina pero hidi naman nila napansin kasi may daanan naman sa likod kung saan makakadaan sa kusina. Nakita ko si tita Fe habang nakaupo.
"Tita ano pong ginagawa niyo diyan?" Tanong ko kay tita Fe.
"Mag usap tayong dalawa" sabi ni tita Fe sakin at dumiretso kaming dalawa sa likod bahay.
"Lauren magtapat ka nga sakin, bakit nag desisyon ka nang sarili mo? Bakit hindi ka muna nagpaalam sakin na ikaw pala ang isasama ni Sir Zach sa Italy?" Panimula ni tita. Nagsimula nang kumabog ang puso ko sa takot. Alam kong papagalitan niya ako.
"Wag niyo po siyang pagalitan Nanay Fe" Narinig kong sabi ni Sir Zach kay tita Fe.
"Pero sir Zach...." Sabi ni tita Fe. Lumapit naman si Sir Zach kay Tita Fe. At umupo silag dalawa sa upuan.
"I know, this is gonna be happen, but please don't be mad at her. I'm the only one who asked her" Sabi ni sir Zach kay tita Fe.
"O-oo nga po tita at si Sir Zach talaga yung nagsabi nun" Paliwanag ko din kay tita Fe. Kaya tumango tango lang ito.
"Pero teka lang, sigurado ba kayong papunta nang Italy?" Tanong ni tita Fe. Nagkatinginan kaming dalawa ni sir Zach.
"Siguro na po ako nanay Fe. And i'll take good care of your precious one" Sabi ni Sir Zach habang nakangiti na tumingin sakin. Letse. Bakit ba kasi ang gwapo nitong lalaking to.
"S-sige sabagay sinabi mo narin naman, basta huwag na huwag mong pababayaan ang pamangkin ko, siya nalang ang meron ako" Seryosong sinabi ni Tita Fe kay Sir Zach. Tumango naman ito. At ngumiti.
"I'll assure you nanay Fe, i'll take good care for her" Sabi ulit nito. Dahil dun bumilis ang tibok nang puso ko. Ako yun?
Gaya nang sinabi ni Tita Fe, nag ayos na ako nang mga gamit ko sa kwarto dahil madaling araw palang bukas ang alis naming dalawa ni Sir Zach. Habang tinutupi ko ang ilang gamit ko ay tsaka namang pumasok si tita Fe.
"Talagang aalis ka na? Iiwan mo na ba talaga ako?" Tanong ni tita at tumabi ito sakin. Niyakap ko naman siya.
"Ta, alam niyo naman pong trabaho parin ang ganap ko dun sa Italy, kaya ako ang isinaman ni sir Zach"Sabi ko kay tita. Narinig ko namang bumuntong hininga ito nang mahaba.
"Pero siyempre lalaki parin si Sir Zach, at isa pa babae ka, paano kun-" Sinenyasan ko si tita.
"Imposible yan tita, kaya ko po ang sarili ko hindi ko hahayaang mahulog ako kay sir Zach" Paliwanag ko ulit kay tita. Niyakap ulit ako ni tita Fe.
"Mamimiss kita, tumawag ka kapag nandun na kayo ha. Sabi ni tita na ikinatawa ko.
"Tita naman eh, hindi naman kami titira dun aatend lang naman kami nang kasal dun" Nakangising sabi ko kay tita Fe. Tumawa rin ito nang bahagya.
Kinabukasan nangmadaling araw ay nagising na ako ganun din si Sir Zach at si Mang Kokoy.
"Lauren akin na yun gamit mo dadalhin ko na sa kotse." Sabi mang kokoy at kinuha na yung mga gamit ko. Pagbaba ko nandun na si Sir Zach sa entrahan ng bahay. At may kausap ito sa telepono.
"You should pick up us at the Malpensa Airport. Okay man see you there and your bride too" Sabi ni Sir Zach sa kausap nito sa telepono. Pagbaba nito sa telepono ay nakita niya ako na nakatayo.
"Oh you're here, come on we sshould go now" sabi ni Sir Zach sakin.
"Wait lang sir, di ka pa po ba magpapaalam kay Madame Eloisa at Sir Harold?" Tanong ko sakanya.
"No need, they know about it.... What about you. Nagpaalam ka na ba kay nanay Fe." Sabi ni Sir Zach at tumango naman ako.
"That's good, let's go" Seryosong sabi ni Sir Zach at pumunta na ako sa loob nang kotse. At nagsimula nang magmaneho si Kuya kokoy.
Pagdating namin sa NAIA ay dumiretso na kaming dalawa sa loob at nagpaaalam na kaming dalawa kay Kuya Kokoy.
"Are you ready?" Tanong nito sakin habang naglalakad kaming dalawa.
"M-medyo kinakabahan lang po ako" Seryosong sabi ko kay Sir Zach.
"Can you please stop saying po and opo to me, mas matanda lang ako sayo nang isang taon and stop calling my name with 'Sir' that's so annoying" Sabi nito sakin.
"O-okay p- si- zach" sabi ko. Kumunot naman ang noo nito.
"What did you say" Tanong nito sakin.
"Sabi ko okay Zach, Inulit ko na yun para maintindihan mo ha" Nakangiting sabi ko. Na ikinatawa naman ni Zach
"That's my girl" Sabi nito sakin at hinawakan nito ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Desiring Her
RomanceMula nang namayapa ang nanay ni Lauren ay sinama na siya ng kanyang Tita Fe sa trabaho nito. Dahil dun ay nakilala niya ang mabuting mag asawang mayaman. Pati narin ang anak nito na si Zach Christian Delevigne. Nakipag sunduan si Lauren kay Zach na...