Lauren Pov
Nagising ako dahil sa ingay sa baba dahil dun naalimpungatan ako. Kaya naman ay tumayo na ako sa kama. Wala si Mitch? Asan kaya yun? Maya maya ay bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Mitch."O, bat ngayon ka lang?" Tanong ko rito. Lumapit naman agad ito sakin.
"We... I'm with my boyfriend kagabi kaya hindi ngayon lang ako nakarating.... How bout you, bumalik ako dito sa kwarto natin pero wala ka" Taka na tanong nito sakin. Bigla naman ako napakamot sa ulo ko.
"A-ahh... Umalis kaming.... dalawa ni Zach kagabi pero pagtapos nun ay umuwi din agad kami." Sabi ko rito. Bumilog naman agad ang mata nito.
"Wehhhh... tapos anong nangyari?" Exited na sabi nito kaya mas lalo pa itong lumapit sakin. Para bang may gustong malaman.
"W-wala naman nag ikot lang naman kami tapos kumain... yun lang" Sabi ko sakanya habang kinakabahan sa tanong nito. Jusme.
"Okay... pero sa ngayon kailangan na nating magpalit nang damit dahil may dinner tayo kasama nung family nung bride at ng groom" Sabi sakin ni Mitch kaya ay nagmadali akong magpalit nang damit at nag makeup nang kakaunti para hindi ako mukhang basura. Pagbaba ko nang hagdan ay busy silang lahat sa paghahain ang mga nagsisilbi doon. Nakita ko naman si Zach at ang iba pang mga kaibigan nito habang nakaupo na sa hapagkainan at ang magulang naman nung groom ay andun din pati nung bride.
Nagulat ako dahil nakatingin pala sa gawi ko si Zach habang nakangiti. Kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. At bumaba na ako sa may hagdan. At lumapit kay Zach.
"So... Zach can you introduce us to this beautiful young lady?" Nakangiting sabi nung nasa middle age na lalaki.
"Ahm... this is Lauren, my girlfriend" Sabi ni Zach at hinapit ang bewang ko.
"And by the way babe this is tita Elizabeth, Marcus Mother and tito Nick, her husband." At nakipag shakehands naman ako sakanila.
"Nice to meet you po" Bati ko sakanila at umupo na ako sa upuan.
"Nice to meet you too Lauren... Actually first time kang naikwento samin ni Zach... You can call me Tita Eliza.Okay?" Sabi nito sakin kaya ngumiti naman ako.
"N-nice to mee you din po Tita Eliza" Sabi ko nun at nakipag beso pa sakin.
Maya maya ay nakahanda na ang mga pagkain sa hapagkainan. Nakipag kwentuhan naman sakin si Tita Eliza at si Zach naman ay busy sa pakikipag usap sa kaibigan nito. Wala dito ang bride dahil hindi nga daw pwedeng magkita ang bride at ang groom kapag malapit na ang araw nang kasal nila.
Pagkatapos naming kumain ay hinatak naman ako ni Mitch sa kwarto namin. Natataranta itong pumipili nang swimsuit?!
" Ahm.... Mitch ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ko rito habang pumipili ng ibat ibang swimsuit.
"Kailangan pumili ako ng magandang swimsuit para sayo." Simpleng sagot nito sakin dahil dun bigla akong napaurong sa gilid ng kama. Nameywang naman si Mitch habang nakatayo sa ibabaw ng kama namin.
"Lauren, you need to be sexy sa mata ni Zach. Lalong lalo na sa kasal dadating na yung hinayupak niyang ex kaya kailangang maganda ka." Sabi nito kaya parang napaisip agad ako.
"O bat natahimik ka diyan?" Tanong ni Mitch sakin. Ano naman ngayon kung dadating yung ex niya? W-wala naman akong pakialam sakanilang dalawa eh tsaka babayaran ako ni Zach para may pang tustos ako sa pag aaral ko at hindi ako aasa kay tita Fe. Tama yun lang, wala nang malisya trabaho lang to.
"W-wala naman.... Hindi lang kasi ako sanay na mag swimsuit kasi hindi ko naman yun ginagawa." Sabi ko kay Mitch. Lumapit naman ito sakin.
"Lauren, kung hindi mo gagawin to maaagaw ni Alexa si Zach sa'yo. Pano ka?" Tanong sakin ni Mitch.
"Huh? Pano naman yun? Porke hindi lang naka swimsuit ganun agad?" Natatawang sabi ko sakanya.
"Lauren makinig ka sakin, hindi mo kilala si Alexa iba siya..... kaya niyang bilugin ang ulo ni Zach. Kilala ko na siya noon pa. Even na hindi ko siya nakilala nang matagal pero first impression ko sakanya ayoko na. Pero ikaw iba i know that you are good person" Paliwanag sakin ni Mitch.
"Salamat kahit dito lang kitang nakilala pero ang bait mo sakin" Nakangiting sabi ko sakanya. Natawa nalang sakin si Mitch biglan naman akong hinampas ng pagka lakas lakas.
"Aray, grabe ka naman sakin. Makahampas ah" Natatawang sabi ko sakanya habang hinihimas ko yung braso kong hinampas ni Mitch.
"Sorry na, basta susuotin mo tong swimsuit na to " Sabi sakin ni Mitch kaya nawala naman yung ngiti ko dahil sa sinabi niya.
"Mitch naman eh, grabe ka talaga sakin. Ayoko ngang mag suot ng ganyan kasi hindi ako sanay." Sabi ko sakanya. Kasi nga hindi talaga ako mahilig mag suot ng ganyang klaseng damit.
"Napaka KJ mo Lauren bahala ka diyan Bye." Sabi nito at iniwan akong magisa sa kwarto. Napabuga nalang ako.
Pagbaba ko galing sa kwarto ay wala na ang magulang nung groom kaya naisip kong pumunta nalang sa sala at umupo sa isang couch. Pano kaya kung ganito kayaman kami ni mama? Siguro nakapag tapos na ako ng pag aaral at nabigyan ko na sana si mama nang magandang bahay at meron na sana akong desenteng trabaho. Bigla kong naisip yung deal namin ni sir Zach, pagkatapos ng kasal na'to magiging maayos na ang buhay ko dahil makakapag aral na ako ulit.
"Hey, are you alright?" Bumalik ang diwa ko dahil unti nalang ang dangkal ng mukha naming dalawa ni Zach kaya naman ay halos bumaliktad na yung leeg ko. Napalunok ako dahil unti nalang talaga kaya kitang kita yung mata niya na sobrang blue.
"S-sir Z-zach pwede po bang umatras kayo kahit na onti" Sabi ko sakanya pero hindi manlang ito natinag imbes na umatras ay mas lalo pa itong lumapit sakin hanggang sa naaamoy ko na yung hininga niya at ang kamay ni Sir Zach ay nakakapit sa couch.
"What if i say no?" Sabi nito at ngumisi na pagkaloko loko.
"Zach!" Sigaw nang isang magandang babae na maputi din. Napalingon naman si Zach sa may babae.
"A-alexa"
A/N : Salamat po sa lahat na nagtatyagang magbasa nito😅 pasensya na rin po sa grammar pero sana po magustuhan po ninyo❤
~Xoxo❤
![](https://img.wattpad.com/cover/165301699-288-k213293.jpg)
BINABASA MO ANG
Desiring Her
Lãng mạnMula nang namayapa ang nanay ni Lauren ay sinama na siya ng kanyang Tita Fe sa trabaho nito. Dahil dun ay nakilala niya ang mabuting mag asawang mayaman. Pati narin ang anak nito na si Zach Christian Delevigne. Nakipag sunduan si Lauren kay Zach na...