X

27 0 0
                                    

Lauren POV

"Lauren humanda ka na sa sagupaan paniguradong hindi ka titigilan ng babaeng yan kaya mas mabuting bantayan mo yang boyfriend mo." Sabi sakin ni Mitch matapos kasing makita ni Zach si Alexa ay nag usap ang dalawa at sakto naman ang pagpasok ni Mitch sa loob. Tama si Mitch dapat may maipakita pa ko sa Alexa na yan kailangan pang best actress ang dating.

Kaya pumunta ako sa gawi nilang dalawa sa may balkonahe. At siyempre ano pa ba ang aabutan ko edi silang dalawa. Kaya lumapit ako sa kanilang dalawa at biglang bumagsak para kunwareng sumakit ang binti ko

"Aray! Zach can you please help me?" Shit hindi ako sanay mah english. Pero kailangan kong gawin para kay Zach. Nung una akala ko aakayin ako ni Zach pero nagulat ako ng bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal.

"It is okay?" Tanong nito sakin habang titig na titig.

"Y-yeah" Sabi ko at dinala niya ako sa kwarto namin ni Mitch at naiwan naman sa may balkonahe si Alexa habang nakatulala samin ni Zach. Buti nga.

Pagdating sa loob imbes na ihihiga niya ako bigla ba naman akong initsa sa kama.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya. Pero imbes na sumagot ay nameywang pa sa harapan ko.

"Lauren, pwede ba sa susunod na gagawa ka ng eksena make sure hindi yung ganon.... We're just talking okay" Sabi nito hanlbang salubong ang kilay sakin. Kaya umupo ako ng maayos sa gilid ng kama.

"Tinulungan lang naman kita ah.... A-anong masama sa pagtulong ko sayo." Nakaka bwisit naman tong lalaking to.

"Yun na nga eh pero she just ask me to be her friend... So anong mali dun?" Tama siya ano nga bang mali dun?

"Tama ka ano nga bang mali dun? Hindi ba't ikaw ang nakiusap sakin na sumama dito para pagselosin yung ex girlfriend mo? At magpanggap bilang "girlfriend" mo." Gusto kong magalit sa kanya. Kasi nga ang gusto niya ay lubayan siya nung ex niya pero mali kasi siya padin ang lumalapit.

Nagulat ako ng biglang lumapit ito sakin halos ilang dangkal ang layo ng mukha naming dalawa.

"We're done argue right now okay?" Sabi nito sakin at lumabas ng kwarto bigla ko tuloy nasampal yung noo ko.

"Ikaw na nga lang tinulungan ikaw pa tong galit"

Pagkatapos nung 'away' naming dalawa ay naghanda na ang mga staff para sa kasal kasi two days from now kasal na. Kaya halos lahat ng staff ay busy na ganun din kaming mga guest sinukatan na kami para sa dress code na susuotin namin. At speaking of my boss nakikipag landian lang naman siya sa ex niya at ngayon ay 'friend' na niya.

Ngayong araw na to ay nasa resort kami ni Mitch parq maglibot kaso ang dami niya daw nakitang abs kaya ang buang naghanap ng swimsuit para magpapansin. At ako naman ay naka loose polo shirt at short dapat simple lang hahaha. Nasa counter ako ngayon sa may mini bar para uminom ng juice kala niyo alak. Juice lang kasi hindi ako umiinom ng alak.

Habang umiinom ako ay may biglang lumapit sakin na lalaki gwapo matangkad matangos ang ilong at maputi at higit sa lahat may pa pandesal.

"Hi" Nakangiting bati nito sakin at inilahad ang kamay.

"H-hi din" Balik bati ko naman sakanya at tinanggap ang kamay nito.

"By the way what's your name?" Tanong nito sakin at tumabi sa may isang isang upuan na malapit sakin.

"I'm Lauren Grace nice to meet you" Pabebeng bati ko sabay hawi ng buhok. Tumawa naman ito.

"You're so cute" Sabi nito sakin at ngumiti. Myghaddd.

"Thank you, and you're handsome too" Sabi ko sakanya.

"By the way I'm Chase nice to meet you too." Ah chase ganda ng pangalan pang yayamanin.

"So are you alone here?" Tanong nito sakin. Sasagot na sana ako nang biglang may sumagot sa may likod ko.

"No she's not alone, I'm the boyfriend" What the! Si Zach. Kaya napalingon ako sakanya bigla niya namang hinapit yung bewang ko.

"Oh sorry bro, but next time don't you dare to leave you're girlfriend alone. Especially here nice to meet you again Lauren" Sabi nito sabay alis. Bigla namang humarap sa harap ko si Zach. Pero tinitigan ko lang siya ng masama.

"What the fuck Lauren, Seriously?" Tanong nito sakin at naka kunot ang noo.

"Bakit na naman? Nakikipag kaibigan lang naman ako ano bang masama sa ginawa ko?" Tanong ko rito pero imbes na sagutin ako ay bigla ako nitong binuhat isinampa sa braso niya. Dahil dun pinagtitinginan na kami ng mga tao hanggang sa pag labas ng bar.

"Ano ba Zach?!!! Ibaba mo ako kaya kong maglakad mag isa!" Pero hindi manlang ito natinag sa sinabi ko hanggang sa makarating kami sa guest house ng resort at ipinasok niya ako sa isang kwarto. Tsaka ako binagsak sa kama. Kaya tumayo ako para umalis nang bigla niya ulit akong inihiga at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Ngayon ay hininga niya nalang ang naririnig ko at pumikit pa ito.

"Don't..... make.... me.... mad Lauren Grace dahil kapag ako nagalit hindi mo magugustuhan yun. Remember this......" Sabi nito at lalo pang lumapit sa bandang tenga ko.

"You.... are... mine. Remember that" Wtf.

Desiring HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon