LOVE'S POV
"Taehyung, ano na?" Masayang bati ko kay Taehyung nang magkasama-sama na kaming magtotropa pagkatapos ng klase. Uwian na at si Jungkook nalang ang hihintayin ko.
Hindi ako sinagot ni Taehyung at nananatili lang syang nakangiti sa akin. Ilang beses ko na din syang hindi nakakausap simula nang mapalapit sa amin si Jungkook.
"Napakadaya mo ang dami mo nang utang na bonding sa amin ah? Umamin ka nga, nagseselos ka ba kay Jungkook?" Deretsong tanong ko.
"Hala parang tanga 'to, bakit naman ako magseselos dun eh mas gwapo ako dun?" Mayabang na sagot nya. "Nasira ni Namjoon hyung 'yung cellphone ko kaya nagleft na ko sa GC, tsaka akala mo naman may nararamdaman pa ko sayo, wala na nuh! Sobrang dami ko nang chicks kaya di na kita kailangan." Dugtong nya.
Hinampas ko sya sa braso bago ko sya pinakyuhan.
Tawa naman sya ng tawa.
Mabuti naman kung ganon. Pareho na talaga kaming nakamove on sa isa't isa.
"Team kokey pa rin lul! Huhuhu!" Nagkukunwaring umiiyak pa si Hoseok.
"Tumigil ka nga dyan, ang pangit mo!" Biro ko sa kanya.
"Tanginamu." Mahinang sagot nya sakin.
"Ang lalandi nyo na naman!" Mataray na sabi sa amin ni Jin.
Nang mapatingin sa kanya si Namjoon ay nagpacute sya rito.
Oh diba? Ang landi din ng gago.
"Hoy di nyo na ko hinintay!" Hingal na hingal si Jimin habang tumatakbo papalapit sa amin.
"Huli kana nga sa paglaki, huli ka pa kahit saan!" Pailing iling na sabi ni Yoongi sa kanya.
"Tangina pinagmamalaki mo ba yung 1 inch na lamang mo sakin?" Tanong ni Jimin kay Yoongi.
1 inch?
Ano yun?
"Puta anong 1 inch yan ha?" Nakataas kilay na tanong ni Jin sa dalawa.
"Edi height ano pa ba? Bobo mo talaga." Sagot sa kanya ni Jimin kaya nakatikim si Jimin ng isang kutos.
"Oh pano Love una na kami, hihintayin mo pa si Jungkook." Paalam sa akin ni Taehyung.
"Hindi mo pa nga sya nami-meet di ba? Wala ka bang balak na magpakita sa kanya?" Tanong ko.
"Nagkita na kami at nakilala ko na rin sya. Mas gwapo talaga ko sa kanya at ayokong makipagclose sa mga hindi kagwapuhan." Sagot niya.
Ayokong magmura pero tangina ni Taehyung.
"Yan ang gusto ko sayo eh!" Nag-apir pa sila ni Jimin.
Mga buang. -_-
"Una na kami, lumandi kana." Paalam sakin ni Jin bago nya hinigit ang kamay ni Namjoon palayo sakin. Nagsunuran na rin sa kanila sila Taehyung habang kumakaway sakin.
Nauntog pa sa poste si Hoseok kakakaway sakin. Ang tanga.
Ilang segundo pa kong naghintay at dumating na rin ang prinsipe ko. Hihi!
Okay, behave lang ako. Mahinhin mode muna, papakababae muna ko.
Nagclear throat ako bago ko sya tinawag. "Jungkook!"
Tipid syang ngumiti sakin kaya halos mahimatay na ko sa kilig! Hihi! Ang gwapo nya talaga!
Hinawi ko ang buhok ko sa tainga at saka nagpacute sa kanya. Sobrang lapit na nya kasi sakin, gusto ko nang makipagholding hands sa kanya. ~\(≧▽≦)/~
![](https://img.wattpad.com/cover/163534297-288-k643842.jpg)
BINABASA MO ANG
Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)
Short Story"Jungkook oppa!" "Wag mo kong tawaging oppa, ooppakan kita dyan!" #EpistolaryNovel