LOVE'S POV
"Anak, mag eexplain kami ng Papa Ryan mo, buksan mo 'tong pinto."
Dinig na dinig ko ang pagkatok ni Mama mula sa pinto ng kwarto ko habang ako ay iyak lamang ng iyak.
"Hindi tayo magkakaayos anak kung hindi tayo mag uusap. Anak I'm sorry, alam kong nagkamali ang mama pero anak may dahilan ang mama kung bakit ko nagawa 'yun. Buksan mo 'to anak, ikukwento ko sayo ang lahat lahat please."
Mas lalo akong napaiyak nang marinig ko kay mama ang salitang sorry. Hindi nya deserve na magsorry sakin dahil anak nya lang ako.
Hindi ako mapakali habang katok ng katok si Mama kaya naman napilitan akong bumangon at binuksan ang pinto.
"Ma.." Umiiyak na sabi ko bago ko sya niyakap ng mahigpit.
"Ma, break na po kami ni Jungkook." Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya dahil hanggang ngayon si Jungkook pa rin 'yung naiisip ko.
"I'm sorry anak, kasalanan naming lahat 'to ng Papa Ryan mo. Wala namang problema sa akin kung naging boyfriend mo si Jungkook pero wala tayong magagawa anak kung ganoon nalang ang galit nya satin dahil kasalanan ko talaga 'to." Aniya habang hinahaplos haplos ang likuran ko.
"Bakit gano'n Ma? Gusto kong maliwanagan dahil hindi ko matanggap na ikaw 'yung dahilan kung bakit namatay ang Mama nya. Ayokong magalit sayo Ma, kasi hindi ka naman masamang tao di ba? Kasi tayo nalang ang magkasama sa buhay Ma, pero bakit gan'on?"
Humiwalay ng yakap sa akin si Mama, pinunasan nya ang mga luha ko at hinawi ang buhok kong nakaharang sa muka ko.
"Anak makinig ka kay Mama ha? Teenager palang kami ng Papa Ryan mo anak, siya na 'yung nobyo ko. Siya 'yung first love ko at mahal talaga namin ang isa't isa, pero pinaghiwalay kami ng parents namin. Pareho kaming ipinagkasundo sa taong hindi naman namin gusto. Wala kaming nagawa anak, kasi mas pinili namin 'yung mga magulang namin kaysa sa relasyon naming dalawa. Ayaw pumayag ng Papa Ryan mo na makipaghiwalay ako sa kanya pero pinilit ko pa ring makipaghiwalay sa kanya kahit mahal na mahal ko sya."
"Ibig sabihin Ma, hindi mo talaga mahal ang totoong Papa ko?" Tanong ko sa kanya.
"Anak, sobrang bait ng Papa mo. Katulad ko, may iba rin syang mahal pero mas pinili nya rin ang gusto ng mga magulang nya. Naging mabuting kaibigan sakin ang Papa mo kaya napamahal na rin ako sa kanya. Kaya pumayag na rin akong magpakasal kami, kasi ang akala ko makakalimutan ko rin si Ryan kapag nagpakasal na ko sa kanya, kapag nagkaanak na kami. Hindi ako nagkulang sa kanya at hindi rin sya nagkulang sa akin dahil gusto naming pareho ng tahimik at masayang pamilya. Pero bago sya namatay noon anak, sinabi nya sakin na ihingi ko sya ng tawad doon sa babaeng hindi nya naipaglaban. Sinabi nya rin sakin na mas magiging masaya daw sya kapag nahanap ko ulit 'yung taong mahal ko."
Napatingin ako kay Papa Ryan nang lumapit sya sa amin.
"Ganun din ako Love, napamahal na rin ako sa asawa ko, sa Mama ni Jungkook kaya nga nagkaanak kami. Akala ko kasi, hindi na talaga ko mahal ng mama mo at kinalimutan na nya ko, kaya pumayag na rin ako sa gusto ng mga magulang ko. Ganun din ang sinabi sakin ng asawa ko bago sya mamatay, hanapin ko raw ang Mama mo. Sinabi ko pa sa kanya na hindi ko gagawin 'yun dahil for sure may asawa na 'yung Mama mo. Miski 'yung mga magulang ng asawa ko, pinalaya na rin ako dahil iyon ang hiling ng asawa ko kahit huli na ang lahat. Pero 'yung anak ko 'yung naging problema ko Love, si Jungkook. Ako 'yung sinisisi nya sa pagkamatay ng Mama nya dahil nagkamali sya ng dinig sa usapan namin ng Mama nya bago ito namatay, akala nya may ibang babae ako. Pinilit kong magpaliwanag sa kanya pero ayaw nya kong pakinggan. Araw araw nya kong pinapalayas sa sariling bahay namin, inintindi ko sya dahil alam kong depressed sya sa pagkamatay ng asawa ko. Ganoon din naman ako, pero mas lalo akong nadedepressed dahil araw araw nya kong inaaway, araw araw nya kong pinagtatabuyan. Kaya naisipan kong magpakalayu-layo at hindi ko inaasahang magtatagpo ulit kami ng Mama mo. Kaya nang malaman iyon ni Jungkook, mas lalo syang nagalit sakin, kaya mas lalo akong lumayo sa kanya." Paliwanag sakin ni Papa Ryan.
"Anak mo lang sya Papa Ryan, bakit di mo sya kaya?" Tanong ko sa kanya.
"Mahal na mahal ko ang anak kong si Jungkook, Love kaya iniintindi ko nalang 'yung ugali nya. Mabait at mabuting bata naman si Jungkook eh tsaka napakamapagmahal, hindi nya lang talaga ako naiintindihan dahil hindi pa rin sya nakakamove on sa pagkawala ng Mama nya pero naniniwala ako na balang araw mapapatawad nya rin ako. Magiging ayos din kami. Sana gano'n din kayo Love."
Napayuko nalang ako. "Hindi ko po alam kung mangyayari pa po 'yon kasi sabi nya may mahal na raw syang iba."
"I don't think so, kahit magkalayo kami ni Jungkook, binabalitaan ako ng Lola nya. She said na wala pa nga raw nagiging girlfriend ang anak ko."
"Wala pa nga po syang nagiging girlfriend pero may mahal na po syang iba."
"Kung ganoon wala na tayong magagawa pero alam mo Love, kung para sayo talaga ang isang tao, gagawa at gagawa ng pagkakataon ang tadhana para magkita ulit kayo ng taong mahal mo. Kung minsan talaga pinaglalaruan lang tayo at binibiro ng tadhana eh, pero in the end, wala pa ring makakatalo sa tunay na pag ibig kahit sa huling pagkakataon."
Tumigil na sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nila at ngayon naliwanagan na ko. Wala na rin namang mali sa ginawa nila dahil byuda at byudo na sila. At the first place sila naman pala talaga dapat ang para sa isa't isa eh, hindi lang nila sinunod ang mga puso nila para sa mga magulang nila.
"Kaya anak, ayokong mangyari 'yun sayo. Kung sino 'yung mahal mo, susuportahan kita. Hindi kita pagbabawalan at ayokong maranasan mo 'yung mga naranasan ko noon. Dahil walang nananalo sa true love." Sabay pisil ni Mama sa pisngi ko.
"Salamat Ma. I'm sorry po kung napagtaasan ko kayo ng boses.".
"So anong balak mo ngayon anak?"
"Gusto ko po munang umuwi ng probinsya Ma. Gusto ko po munang irelax 'yung isip ko. Namimiss ko na po 'yung bahay natin doon eh, magbabaka sakali na rin po akong makita pa doon 'yung taong hinahanap ko."
"Sino naman 'yun anak?"
"Yung minsan na pong naging kalaro ko doon, kaya po ayokong umalis doon noon dahil sa kanya. Gusto ko po syang makita ulit, sigurado po akong kasing laki ko na rin sya ngayon."
"Sige, kung iyon ang gusto mo. Magprepare kana, aalis tayo as soon as possible. Basta one week lang ha? Babalik nalang tayo ulit doon kapag school vacation nyo na."
"Thanks Ma." Sabay yakap ko ulit sa kanya.
Ang iniisip ko lang kung paano ako magpapaalam sa mga kaibigan ko. One week lang 'yun pero baka mamiss agad nila ko? O baka ako lang 'yung makamiss kaagad sa kanila dahil for sure tuwang tuwa pa 'yung mga 'yun dahil makakapagrequest sila sakin ng pasalubong galing doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/163534297-288-k643842.jpg)
BINABASA MO ANG
Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)
Truyện Ngắn"Jungkook oppa!" "Wag mo kong tawaging oppa, ooppakan kita dyan!" #EpistolaryNovel