❤39

666 26 1
                                    

LOVE'S POV

Mabuti nalang at sabado ngayon, walang pasok. Makakaiwas ako sa mga tanong ng mga abnormal kasi sa gc palang puro ganun na mga chat nila. Puro tanong walang halong kagaguhan kaya ang boring ng gc, kaya di ko binubuksan, nakakatamad.

Makakaiwas din ako kay Jungkook. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o anong magiging reaction ko kung makakasalubong o makikita ko ulit sya. Baka mapaiyak lang ulit ako dahil sariwa pa rin 'yung sakit.

*Tata Tete Tae calling..*

Tanga naman ng Taehyung na 'to, nagdadrama ako habang natae eh, istorbo naman eh!

"Istorbo ka natae ako." Bungad ko sa kanya.

["Ano ba naman 'yan, ang baboy mo talaga!"] Reklamo nya.

"Tao ako hindi baboy."

["Ay oo nga pala."]

"Ano bang sadya mo?"

["Ahmm.."]

"Ano? Sagot!"

["Wait lang nalimutan ko, ang baho kasi ng tae mo eh!"]

"Kapal ng muka mo, ang layu layo ko sayo!"

["Ay oo nga pala."]

"Ano nga kasi 'yon? Naiinis na ko! Isipin mo na 'yung sasabihin mo! Kapag ganitong ano ako eh."

["Ahm, nabalitaan kong break na kayo ni Jungkook."]

"Oh? Chismoso ka, haha! Eh ano ngayon?"

["Ahm, sabado, December--"]

"Hayys.. Ano ba Taehyung?!"

Naiinis na talaga ko. First day ko pa ng period ngayon kaya nakakapang init lalo ng ulo.

["Alam kong nasaktan ka sa break up nyo ni Jungkook, tanong ko lang mahal mo ba talaga sya?"]

"Ano bang tanong 'yan Taehyung? Nang-aasar ka lang eh! Wala ako sa mood makipag-asaran ah?"

["Hindi, seryoso ako! Mahal mo ba talaga sya?"]

"Taehyung naman! Sinusubukan ko na ngang magmove on at kalimutan sya kahit imposible pa 'yun sa ngayon eh, pinapaalala mo pa!"

["Ang layo ng sagot. Sagutin mo nalang, mahal mo ba talaga sya?"] Nahimigan ko ang pagiging seryoso ng boses ni Taehyung kaya naman ilang segundo akong natigilan.

"Magkakaganito ba ko kung hindi ko sya mahal Taehyung? Ganyan kayong mga lalaki eh, masyado kayong pa-fall tapos kapag umasa na kami na mahal nyo kami, sasaktan nyo lang kami at iiwan!"

["Pero ako rin naman 'yung nasaktan sating dalawa Love."]

"Kapal ng muka mong sabihin 'yan Taehyung. Anong ikaw pa 'tong nasaktan? Eh ikaw pa nga 'tong nakipagbreak sakin!"

["May dahilan ako Love kaya kita binreak, mahal naman kita eh. Alam mo handa nga kitang bawiin kay Jungkook eh, tapos hindi na kita sasaktan pa ulit!"]

"Ano bang pinagsasabi mo Taehyung?"

["Kung okay lang sayo Love, tayo nalang ulit kasi ayoko nang nakikita kang nasasaktan, para hindi kana masaktan pa ulit! Hindi kana masasaktan sakin! Hindi na kita sasaktan! Promise ko na yan!"]

"Para kang tanga! Sabog ka ba? Humanap ka nga ng pagtitripan mo!"

Napasigaw ako ng bigla nalang mahulog ang cellphone ko sa baldeng punung puno ng tubig.

"Shit!" Gigil na sabi ko matapos kong hanguin 'yung cellphone kong nagswimming sa balde.

Kasalanan 'to ni Taehyung eh, na-high blood ako! Bwisit!

Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon